"Ang ganda talaga ng mga ilaw sa bayan tuwing gabi"

Namamangha talaga ako kapag nakatanaw ako sa bayan lalo na kapag gabi, dahil sobrang daming ilaw na makukukay at kumukutitap. Tila mga bituin sa langit na kailanman ay hindi ko maaabot.

Nakakalungkot lang na, parang ang lapit ko lang naman sa bayan pero malayo pa rin.

Ano kayang feeling na makapunta riyan?

Kapag ba nakilala nila ako, matatanggap ba nila?

Posible ba na magkaroon ako ng mga kaibigan kapag nakatapak ako sa bayan?

I've been locked up in this castle in my entire life, paano ba ako makakawala?

"Sana pinanganak na lang akong normal na mamamayan, I wish I was never born in a Royal Family"

Nasa akin na nga ang lahat, hindi naman ako malaya,

Parte nga ako ng Royal Society ngunit hindi naman nila ako matanggap,

Maganda nga ako, wala namang kaibigan,

Prinsesa nga ako, pero hindi naman masaya.

"Zephaniah"

natigil ako sa pagda-drama nang marinig ang boses ni Ama,

"Father, what brings you here?"

"Gusto mong makapunta sa bayan?"
tanong nya na kaagad ko namang tinanguan,

"That place is too dangerous for you Zephaniah, hindi mo alam kung gaano kasama at kagulo ang bayan" wika nya habang nakatanaw sa bayan,

dangerous?

"How can you say that? kung magulo at masasama ang mga tao sa bayan, hindi ba dapat ikaw ang dapat sisihin at dapat managot sa problema na 'yan? You are their King! kaya kung ano man ang nangyayari sa bayan, It will reflect on you, Father" pinipilit ko na maging mahinahon,

"Yes I am their King, pero hindi ko kontrolado ang mga tumatakbo sa isip nila. Maayos ang pagpapalakad ko sa bayan, nasa sa kanila na yun kung pipiliin nilang maging masama o maging mabuti. Oo, mayroon pa rin naman na mabubuting tao sa bayan. Pero hindi lahat ay 'sing buti ng iniisip mo Zephaniah, iba't-ibang uri ng tao ang nariyan sa bayan, and it will be safe for you kung mananatili ka rito sa palasyo."

"Bukas na bukas ay tutungo kami sa Palasyo ng mga Walterov, kasama ko si Xavier. Dalawang araw kami doon, kaya naman inaasahan ko na magpapakabuti ka rito. Kapag balik namin ay ipapakilala ko na sa iyo ang iyong mapapang-asawa,kailangan nyong magpakasal sa lalong madaling panahon."

"WHAT?! NO! Ayoko pang magpakasal!"sigaw ko, hindi ako papayag na magpakasal sa taong hindi ko naman mahal,

"You can't do anything Zephaniah, I am the King and you're just my daughter. My decision is final, magpapakasal ka at wala ka nang magagawa pa" wika nya bago ako talikuran at umalis sa aking silid,

naiinis akong bumaling muli sa bayan,

My Father is really controlling!

"Mahal na Prinsesa, ano ang iyong iniisip?"

agad kong nilingon si Lily, naka-tanaw din sya sa bayan, hindi ko napansin ang pagpasok nya.

"Hindi ba sa bayan ka nanggaling Lily?" tanong ko sa kanya, pinipilit kong maging mahinahon

"Opo mahal na Prinsesa, doon ako pinanganak sa bayan ngunit nung oras na magkaisip ay ipinadala na kaagad ako rito ng aking ina upang pagsilbihan ka"

Oo nga pala,

"Kung gayon ay hindi mo pa nakakasalamuha ang mga taong bayan?"

"Hindi pa mahal na prinsesa dahil kagaya mo ay pinagbabawalan din ako na tumapak pa sa bayan"

akala ko pa naman ay matutulungan nya ako,

"Ano po ba ang nais nyong malaman, mahal na prinsesa?"

"Gusto ko lang malaman kung totoo nga ba ang sinasabi ng aking ama"

nakita kong lumingon sya sakin, inaalam kung dapat pa ba syang mag tanong o hindi na,

"Sabi kasi ni Ama, masasama raw ang mga taong bayan at hindi sila 'sing buti ng iniisip ko" pagpapatuloy ko,

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukang alamin mahal na prinsesa?" seryosong wika nya,

"Sinasabi mo bang suwayin ko si Ama at magpunta sa bayan?" takang tanong ko sa kanya,

"Minsan kasi mahal na prinsesa, mas masasagot ang mga tanong natin kung susuway tayo sa nakasanayan. Mas maliliwanagan tayo kung lalabag tayo sa mga pinag-uutos. Minsan ay nasa mga bawal ang sagot sa lahat ng iyong mga katanungan"

...

The Mischievous PrincessWhere stories live. Discover now