Ika-labing tatlong Pahina

Magsimula sa umpisa
                                    

I also packed my medicines which for emergency purposes only. Madami pa akong ibang nilagay sa maleta like handkerchiefs, socks, books, even sleeping eye mask but when i'm about to zip it, i remembered my shoes. Shookt, hindi na kakasya. Pipili nalang siguro ako ng isang sapatos aside from my black shoes para sa paper bag ko nalang ilagay.

"Breakfast is ready!" Mica shouted. She made pancakes for the three of us. Three layers for each one. As Terra said earlier, strawberry syrup for her, honey for Mica and as usual, chocolate syrup for me.

Ako naman na ang nagtimpla ng gatas nila while a hot choco drink naman for me.

Nang matapos, nagprisinta na akong ako na ang maghuhugas para maayos na nila ang mga gamit nila.

I started cleaning the table and washing the plates when Rave and Xy showed up. May dala silang maleta, appliances like mini flat screen tv, I'm not sure about what inches it might be and a what-- ? a mother fvcking PS4?! Hindi lang yun! May isang plastic pa silang bitbit na puno ng in-can beer! Tumaas ang kilay ko. Ano sa tingin ng mga ito ang pupuntahan namin? Vacation? Magre-relax?

"Dumito nga kayong dalawa sa kusina!" Minadali ko ng tinapos ang mga hinuhugasan kong pinggan para malagot na sila.

Agad din naman silang lumapit sa akin. Sina Terra at Mica ay abala na sa pagiimpake sa mga kuwarto nila kaya ako lang muna ang andito na nadatnan nila.

"Yes? You need help?" Said Xyril.

"Where do you think you're going? Huh?" Pumamewang ako sa harapan nila. Nagtinginan silang dalawa about 3 seconds and they both shrugged, looking clueless.

"Sa school. Ngayon tayo lilikas diba? Sabi mo kaya nung isang araw e ngayong Saturday tayo lilipat." Inosenteng sabi ni Rave.

Iniinis talaga ako ng dalawang 'to! Mabilis ko silang nilapitan at parehong piningot. Hawak ko ang kaliwang tenga ni Xy habang kanang tenga naman ni Rave ang hatak-hatak ko.

"Aray!"

"Ansakit, Kia! Sandaleee!!"

Talagang hinila ko sila pabalik sa sala.

"Paalala lang, ha! May trabaho tayong gagawin kaya tayo pupunta doon. Hindi tayo nakabakasyon na akala mo e hotel ang pupuntahan natin sa mga dala-dala niyo! Yang tv sige, okay, acceptable pa pero yung lintek na PS4 at beer na 'yan, jusko ibalik niyo nga 'yan!"

"Pero, Kia--"

"Xy, hindi mo ako madadaan diyan sa pagpapaamo mo ng mukha mo, pinapauna ko na. Now, move! Ibalik niyo na 'yan!"

"Please, Kia. Sige na, masaya 'to promise!" Rave.

"Sige, ganito nalang, ibabalik niyo 'yan o babasagin ko yan sa harapan niyo?" Mahinahon kong sabi pero sabay bigay ng pinaka seryoso kong itsura.

Walang pagdadalawang-isip na binuhat nila yung PS4 at beer pabalik sa condo room nila. Ang titigas ng ulo kahit kailan! Akala mo may kausap akong grade 2! Or baka naman hindi sila nag-grade 2?

Napagpasyahan naman nina Terra at Mica na dalhin yung bread toaster namin at microwave which is a good idea para hindi na kami mamahalan sa mga bibilhin naming kitchen utensils.

Sina Rave at Xy, yung tv lang ang in-allowed kong dalhin nila. Si Gindel ay may dalang mini ref na pang solo lang talaga dahil personal used nito iyon na nasa loob ng room niya pero helpful na din para sa mga stocks namin.

Hinayaan namin yung tatlong ulupong na dalhin sa school yung mga gamit namin tutal may mga sasakyan naman sila habang kami nina Terra at Mica ay mauuna na sa mall.

"Susunod din ba agad kami sainyo or sisimulan na naming ayusin yung room?" Asked Xyril after they dropped us off dito sa entrance ng mall.

"Tsaka na tayo mag-ayos mamaya kapag kumpleto na natin yung mga gamit. Sumunod kayo agad dahil hindi naman namin mabubuhat yung mga bibilhin." Si Terra ang sumagot.

Pahina ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon