"San ka na naman galing? Alam mo bang alalang-alala ako sa'yo! Gusto mo ba malaman nila tay at nay kung ano ang pinaggagawa mo!", ayan na naman ang bunganga ni Ate Shaira, rumaratrat na naman...
"Aakyat na ako...", la rin naman akong mapapala kahit magdahilan ako. Dinanaanan ko siya at umakyat patungo sa kwarto ko.
"Hoy! Ankapal mo naman! Di mo ko papansinin!"
Sinarado ko na ang pinto bago pa ako makarinig ng isa pang salitang galing sa umaapoy kong ate.
Hinagis ko ang aking bag at umupo.
Napaisip ako kung ano ang gagawin ko, paano ko ibabalik yung mga naiwang gamit ng babaeng iyun?
Kinuha ko ang mga gamit na naiwan ng babae...
Medyo nag-aalinglangan akong pakialaman ang kanyang "diary", baka private info ang linalagay niya dun... Na-tempt akong basahin ang nilalaman nito. Baka kasi marami akong malaman tungkol sa kanya.
Pero turo sa kin ni Nay na ang pangingialam sa sikreto ng babae ay para na ring pambabastos sa babae. Di ko na tinuloy ang masama kong balak.
So, tiningnan ko na lang ang mga textbook niya at napansin ko na may mga lukot na papel na may complicated na math equations, at sa taas ng isang papel, may pangalang "Samantha Mae Vernadette".
"Yun!!!", Sumigaw ako ng malakas! Nalaman ko na rin sa wakas ang name niya.
Tapos biglang tumunog phone ko... laking gulat ko na text pala iyon ni Marc!
"Ay sori tol, busy sa school e... di ko na napapansin ang cp ko."
Sus, palusot na naman itong si Marc, alam ko namang di school ang pinaglalaanan niya ng oras e...
"Geh ok lang.", reply ko.
At naalala ko, na meron pala siyang computer sa bahay nila.
"Tol, paki-search nga yung Fb ni Samantha Mae Venadette... tapos tingnan mu kung may phone number siya."
After five minutes, nagtext-back na siya...
"Ok na, text ko na sayu number niya".
Kumuha ako ng kapirasong papel at sinulat ung number na tinext niya. Di pa ako natatapos, nagtext na ulit siya.
"Sino ba yan? Bago mo yan noh???"
Ayan uli ang pang-aasar niya.
"Hindi noh! Bahala ka! Text na lang kita bukas. Gud night."
Tinapos ko ang sinusulat ko. Nag-ring uli phone ko.
"Basta pare, wag asado ha!!!"
Tsk... nakakainis, ganun pa rin tawag niya sa kin. Di ko na rineplayan ang text niya. Marami pa akong gagawing mas mahalagang bagay.
Tinype ko ang number ni Samantha... tapos huminto muna ako ng saglit. Inisip ko muna kung ano ang sasabihin ko.
"Hello. Si Micheal Daveza po ito. Nasa akin po yung mga naiwan niyong gamit. Kunin niyo po sa akin. San po tayu magkikita?"
Inipon ko ang lahat ng aking lakas bago ko tinuluyang sinend sa kanya ang message. Noong nagawa ko na rin sa wakas, para akong nanalo sa lotto ...
Nandoon ako, nakaalupasay sa kama habang hinihintay ang reply ni Samantha sa phone ko... Tapos biglang pumasok ang ate ko...
"Ano ba? Ba't ayaw mo pa bumaba? Kanina pa akong sumisigaw na kakain na ah?"
Dinedma ko siya at patuloy kong tinitigan ang aking cellphone.
"Huy! Ano naman ang problema mo ngayon ha?", sabi niya na ngayo'y medyo pasigaw.
May simangot ko pa rin siyang hindi pinansin.
At siguro napikon na siya sa pagkikilos ko, hinablot niya ang hawak-hawak ko at tiningnan kung sino ang tinetext ko.
"Hoy! Balik mu yan!", naiinis kong sinabi...
"Sino naman to?", tanong niya.
"La ka na pakialam dun! Akin na kasi!"
Never kami naging close dahil magkalayo kami ng pinag-lakihan.
"Hoy Kel! Tigilan mo to ha! Baka naman gusto mo ulit maulit yung nangyari sa inyu ni Nikka!"
"Sus... nakamove-on na ako dun, wag mu nang ipa-alala iyun."
Naging ka-classmate ko si Nikka nung third year highschool ako, yun ang time kung saan kasama ko pa sina Nay at Tay sa Bulacan at si ate ay nag-aaral ng college sa Quezon. Ayoko nang maalala pa yung mga karanasan ko nung nakilala ko si Nikka. Ayoko!
"Bahala ka na nga. Basta may pagkain na dun, kumain ka na... matutulog na ko.", sabay walk-out.
Pagkasarado ng pintuan, tumunog agad ang cellphone ko. Dali-dali kong pinulot at binasa ang text.
"Magkita tayo sa bench kung saan palagi mo akong pinapanuod..." - text from Samantha Mae...
Lagowt!!! 0_0
أنت تقرأ
I've Given Up On You
أدب المراهقينNakaranas ka na ba ng isang "hopeless crush"??? Hopeless crush on someone you can never call yours? Yung parang walang pag-asa na maging kayo ngunit pinagpipilitan mo pa rin na posible pang mangyari... Sinasabi mo sa sarili mo: "Pwede pa to! Pwede...
