Humingi ng pasensya ang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Itinago ko agad ang sakit sa aking mukha nang lingunin ako ni Cohen. 

"Ayos ka lang ba, bebe?"

Tumango ako. Nasanay na ako na tinatawag niya akong ganyan kahit na noong una ay napaka jejemon ng pagkakasabi niya. Minsan napagkakamalan kaming mag jowa pero hindi namin pinapansin. At wala ring nangangahas na guluhin ako dahil ayaw nilang mabugbog ni Cohen. 

Half-korean si Cohen at lumaki siya sa Seoul ng sampung taon bago lumipat ang kanilang pamilya rito. Isa siyang black belter sa taekwondo at kakatanggap niya lang ang kanyang fourth degree certificate sa black belt ngayong 18 na siya. Simula bata pa lang ay ito na ang kanyang sport kaya naman ang ganda ng pangangatawan niya.

Siya rin ang representative ng aming school sa mga national and international events. Pero ang talagang nagpapakilig sa mga admirers niya ay ang mabibilis niyang reflex. Para kasi siyang hangin sa sobrang bilis niyang gumalaw. Magaan din siya sa kanyang paa kaya para siyang lumilipad kapag sumisipa.

Maputi ang kanyang balat na tila ba gatas ito, matangos, matangkad at mukhang aso.

Ibig kong sabihin, mukha siyang maamo, parang golden retriever. 

Pero pwede na ring asong kalye. 

Kidding aside. Cute din kaya ang mga asong kalye! Wala dapat diskriminasyon pati sa aso! Lahat sila cute. Depende lang sa pangangalaga. 

"Manong, para po!" wika ko at sabay kaming bumaba ni Cohen. Medyo magkalapit ang bahay namin ngunit nakikibaba pa rin siya upang ihatid ako bago maglakad papunta sa kanila.

Habang naglalakad kami papalapit sa bahay ay nagsisimulang balutin ng takot ang aking katawan. 

"Dito na ako. Salamat sa paghahatid."

Tumango siya. "Mag-ingat ka papasok sa bahay niyo, ha? Baka madapa ka na naman at madadagdagan ang pasa mo. Tanga lang?"

Inismiran ko siya. "Gege, lods."

"Bye, bebe." Tinapik niya ako sa likod saka naglakad paalis. 

Buti na lang napapaniwala ko siya sa mga kwento-kwento ko kung saan ko natatamo 'tong mga pasa sa katawan ko. Sinigurado kong wala na siya bago tuluyang napawi ang aking ngiti. Pinapatagal ko lang ang aking oras dito sa labas bago ako pumasok sa gate.

They say the magic thing about home is that it feels good to leave, and it feels even better to come back.

I agree except for the latter part. It feels good to leave, and it feels worst to come back.

Kung dati ay naaamoy ko ang luto ni Mama tuwing pagkagaling ko sa school, ngayon naman ay ang matapang na amoy ng alak at yosi ang bumabati sa akin. Nasa bungad pa lang ako ng pinto ay napatakip agad ako ng ilong. Pagkapasok ko sa bahay ay nanlumo ako sa mga nagkalat na bote ng alak sa sahig. Napupuno na naman 'yung mga hugasin sa lababo. May mga bagong plato at baso na naman ang nabasag. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses akong umuwi na ganito ang tanawing sumasalubong sa akin.

Napahinga ako nang malalim at nag-umpisang ayusin ang mga nagkalat na bote ng alak na sa sahig. Umaasa pa naman ako na sana wala ngayon si Papa ngunit mas lalo akong nanlumo dahil naririnig ko siya sa sala. May naapakan akong balat ng chichirya sa sahig at naglikha ito ng ingay. Napapikit ako at saka mapait na napalunok. Alam ko na kung anong mangyayari.

"Celeste!" Dumagundong ang boses ni Papa nang matunugan niyang nakauwi na ako. 

Napahinto ako. Namuo ang takot sa aking sistema. Sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses ay nangangatnog ang aking tuhod.

Kiss and Don't TellWhere stories live. Discover now