Chapter 4

676 52 30
                                    

"WAIT here, I'll get my car," ani Knox bago niya ako iwan sa may entrance ng mall. 

Nagpaalam ako kanina kay Kendal at nagpasalamat bago ako tangayin ni Knox dito. Wala ako sa sarili habang naghihintay. Nakatingin lang ulit ako sa aking sapatos. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking cardigan upang takpan ang aking mga pasa.

Naglakad ako patungo sa sidewalk nang mapansin ang apat na magbabarkada na naglalakad patungo sa aking direksyon. Napatigil din sila sa paglalakad nang makita ako. 

Jane, Minnie, and Venice stared at me. They were all my friends two years ago. Hindi ko sila maituturing na closed friends, kumabaga kaibigan lang nila ako tuwing may kailangan sila at dahil wala naman ako gaanong pake noon, hinahayaan ko lang. Alam ko naman na ginagamit nila ako dahil marangya kami noon.

Kaso ngayon na walang-wala na ako. Ni minsan hindi nila ako kinamusta. Bakit naman nila gagawin 'yon kung alam nilang wala na akong silbi sa kanila?

"Akala mo kung sinong matapobre noon. Nakita mo ba 'yung sapatos niya? Ganyan na ba sila naghihirap ngayon?" Rinig kong bulong ni Venice.

"'Yan ang napapala ng mga mayayabang. Akala mo kung sino kung umasta noon."

"Balita ko nga nagbebenta na 'yan ng lamang loob. Sabi ni Patrick may porn daw 'yan, e."

Patrick was one of my ex. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng ganyan kasi kung ano-ano na ang mga pinagkakalat niya pagkatapos ng aming hiwalayan. 

Two years ago, almost everyone befriended me because of my status. Gusto nila ng connection kaya para silang linta kung makipagkaibigan. But all of that vanished since my parents have to sacrifice para may pangbayad kami sa bills ni Noah.

I was used to living life in comfort. Hindi ko alam kung paano ang maghugas ng plato. Maglaba sariling damit. Paano maglinis. Lahat kasi inaasa namin sa kasambahay at masyado kaming na-spoil. Our parents never let us do anything kahit na gusto namin.

Kaya noong nagipit kami at kinakailangan kong kumayod, nangapa talaga ako. Nagtamo ako nang maraming sugat para matuto ng mga simpleng gawaing bahay. That's when I realized how privilege I was and how lucky I was. 

Hindi ko alam na 'yung mga kaunting bagay na nirereklamo ko noon ay blessing na pala sa ibang mga tao. 

"Hi, Cel! Long time no see," ngiting lapit ni Jane sa akin.

I furrowed my eyebrows. "Hi."

"Here, oh! You can have my Starbucks. Mukha ka kasing naauhaw, kawawa ka naman." She smiled and handed me her drink.

Rinig ko ang pagtawa nina Minnie at Venice. I only stared at the cup. Alam ko naman na wala itong laman. Gusto lang nila akong gawing basurahan.

Humalukipkip ako at lumingon sa may driveway. Nasaan na ba si Knox? 

"No thanks, Jane."

Umalis na ako sa harapan nila. Napatingin ako sa orasan at napansin na ilang minuto na ang nakalilipas. I sighed heavily at nag desisyon na lang na maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Rinig ko pa ang pagtawa nila nang malakas habang paalis ako.

Hindi pa man ako nakakalayo gaano nang may sasakyan na huminto sa aking gilid.

A black Audi graced the driveway. Bumaba ang bintana nito at naaninag ko si Knox sa loob. His cold eyes roam my face before I heard a clicking sound.

"Hop in," he ordered.

Napalingon ako sa entrance kanina at nakita ko na nandoon pa rin sina Jane na nakatingin sa akin. They were all eyeing the car parked beside me. Kita ko sa mga mata nila ang kuryosidad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss and Don't TellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon