Mapait akong ngumiti dahil naalala ko na ganito rin ang buhay ko noon, hindi kasing grande ng tulad ng kanya ngunit may kaya ang aming pamilya.

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa couch at pinagmasdan ang unit niya. Halatang mayaman ang may-ari. "Sino kayang tangang babae ang nakipaghiwalay sa'yo?"

Nilingon ko siya at doon ko lang tuluyang napagmasdan ang kanyang mukha.

My breath hitched at medyo nanlaki ang mga mata ko. My eyes traced his bristly eyebrows down to his long lashes that cast a shadow over his high cheekbones. There are stubbles grazing his concrete jaw and his reddish lips twitched as if he's having a bad dream.

Ang tangos ng kanyang ilong at napansin ko ang maliit na nunal sa tungki nito. Cute. Muntik ko nang sundutin kung 'di ko lang napigilan ang sarili ko.

There is no denying that he's handsome. His features are sharp as if he was sculpted in perfection. Mukha rin siyang suplado at masungit sa unang tingin. Sunod kong tiningnan ang kanyang buhok. They're dark like midnight's color and are resting beautifully on his forehead.

If he's a liquor, I wouldn't mind getting drunk.

"Alam mo? Sayang ka." Umiling-iling ako.

"You look familiar, siguro isa kang sikat na modelo?" I can't believe I'm crushing on someone pagkatapos niya akong gawing human bed kanina.

Tumayo na ako at nag-unat. Kailangan ko na ring umuwi at baka maubusan ako ng jeep. "Aray!" daing ko nang rumehistro ulit ang sakit sa likod ko.

I sighed for the hundredth time today.

Kinuha ko ang aking phone at sinulat ko sa notes ko 'yung mga expenses na nagamit ngayon para sa invoice niya. Sinend ko ito kay Ora upang siya na ang mag charge sa client. "Sa wakas, tapos na rin!"

Bumalik ang titig ko roon sa lalaki-kay Knox. I can see the frown etched on his face. Mas lalo lang siya gumwapo. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya ngayon but I pray for his healing. "Soon, I hope you'll be okay."

Hindi ko napigilan ang sarili at inayos ko ang buhok na nakaharang sa kanyang mata. His hair felt so soft on my touch and I felt the itch to run my fingers through his dark curls.

"Okay tama na 'yan! Masyado ka ng creepy!" sermon ko sa aking sarili.

Aalis na sana ako nang may kamay na pumulupot sa aking palapulsuhan. Napatili ako.

"Who the fuck are you?" tanong niya sa malalim na boses. Medyo paos pa ito.

"Ay! Mama mo!" Napasigaw ako sa gulat.

Napapikit siya sa ginawa ko at napasapo sa ulo. He groans and cursed again.

Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. His coffee brown eyes stared at me with confusion and annoyance.

"Anong ginagawa mo rito sa unit ko? Balak mo ba akong nakawan?"

"Excuse me?" I scoffed. "Sino 'tong broken hearted na nag hire ng cleaning service para linisin ang kalat niya?"

Ipag pre-pray pa naman sa kita. Mukhang nag da-dalawang isip na ako.

"You're lying." He gritted his teeth.

Napaawang ang labi ko. Seryoso ba siya? "Kung kaya lumingon ka sa paligid para malaman natin kung sino ang sinungaling."

Lumingon siya sa paligid ngunit nandoon pa rin ang suspetsiya sa kanyang mga mata.

I blow out a breath. Lasing lang siya at wala pa sa tamang wisyo. Ayokong makipagtalunan sa kanya.

"Sir Ignacio, you hired a cleaning service to clean your space. By the way, na-send ko na sa boss ko 'yung invoice mo at dahil may awa pa naman ako sa'yo, hindi ko muna chinarge 'yung 50 per step na pagtulong ko sa'yo."

Kiss and Don't TellWhere stories live. Discover now