Lost But Found 3

28 2 0
                                    

Kakauwi ko lang galing sa SM, may tinapos kasi kaming activity r'on. At ang daming ganap ngayong araw at hindi ko 'yon nagugustuhan, puro activities then idagdag pa 'yong sa amin ni Tamara. Pagkatapos pa ng klase kasi dumiretso kami kaagad ng SM, talagang sinundo nila ako sa tambayan ko para makapag-practice, eh kung ako lang, mas gusto ko pa ang humiga sa kama at matulog. Nilapag ko Ang gamit ko sa sofa at nagpahinga muna ako ng ilang minuto rito sa sala at pagkatapos nagpahinga ay agad akong dumiretso sa taas, sa kwarto ko. Nagpalingalinga muna ako sa kwarto kung ano ang magandang gawin, good thing na may gitara akong sarili.  Nilapag ko muna ang gamit ko bago kuhanin ang gitara. Hindi ako marunong magpatugtog nito, pero gusto ko siyang matutunan. Piano talaga ako ever since, kaso wala akong piano or organ na pagmamay-ari talaga. Marunong lang ako dahil may piano sa sala na nagagamit para mag-practice.

Nagis-strum ako at nilalaro ang mga strings pero ang problema, hindi ko alam ang chords na 'to pero bahala na. Ay teka, parang naaayos ko na 'yong pagtipa ko ng chords. Makapag-aral nga ng kanta, baka makaya ko na. Hindi Naman masama Ang sumubok, try ko lang naman. Bumaba ako para magpa-print ng lyrics at nang mapag-praktisan. Pababa na ako nang mapansin ko sa couch 'yong book na binili ko. Awit! May pagka-ano 'yon, baka mapagalitan ako if ever na mabasa nila. Mabilis akong kumilos para kuhanin 'yong book na binili ko sa National Bookstore.

"Nakauwi ka na pala, saan ka galing?" Gulat ako na napalingon kay papa, tinago ko yong paper bag sa likod ko. Ang malas naman!Lumapit ako at nagmano sa kanya. Wala na nga yata akong magagawa kung mahuli ako ni papa, baka itakwil na niya ako na panganay niya. Gagi, di pa ako marunong magisa sa bahay.

"Nag-practice lang po kami, pa." Nang tumingin siya sa hawak ko, pasimple akong umalis, ihahatid ko muna 'to sa taas. Baka mabuking ako.

Nang maipasok at maitago ko na sa kwarto, dali dali akong bumaba para i-print ang lyrics ng kanta na gusto ko. Buti na lang at wala na si papa. Sa tingin ko, nasa kwarto na nila siya. Binuksan ko ang CPU at ang monitor. Nang mag-load na, binuksan ko ang mozilla firefox browser, then nag-type ako sa search engine ng kanta. Ano kaya? 'Yong the day you said good night na lang kaya? Nang makita ko 'yong lyrics, kinopya ko kaagad then pumunta kaagad ako sa Microsoft Word. Pagka-print ko, umakyat kaagad ako sa room.

Sumasakit na 'yong daliri ko kaka-pluck ng chords, pero 'di ko pa rin makuha 'yong right sound na hinahanap ko. Down, up, down, nang magamay ko ang strum nagulat na lamang ako sa katok sa pinto. Sino kaya 'yon? Medyo umaabuso ang wala!

"Kuya, tawag ka ni papa, kakain na raw tayo." Si Aya pala, at kung utos ngayon ni papa, Wala akong magagawa kundi Ang sumunod. Nilapag ko na lang ang gitara sa couch at kumuha ng pangtulog na damit. Tinignan ko ang oras sa phone bago bumaba. 7:30 pm na pala, hindi ko namalayan.

Nang makababa ako, ay dumiretso ako sa CR para ilagay sa rock sa gilid ang damit ko, pati na ang phone. Pagkatapos, sumunod na ako sa dining table, ako na lang ang inaantay nila.

"Let us pray, Father, thank you for the food you gave to us, bless this food to bring us knowledge. and strength, in Jesus name, Amen!" Tuwang tuwa na sabi ni Aya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, nginitian ko rin siya pabalik.

"Let us eat." Sabi ni mama habang kumukuha ng kanin para ilagay sa plato ni Aya.

What a day!

Nang matapos ang dinner namin, nag-half bath kaagad ako at pinagpatuloy ang pagaaaral ng gitara, naputol nga lang dahil may tumawag sa phone ko.

"Hello, sino 'to?" Nahihikab ko na tanong.

"Mark, ako 'to." Si Nato? Char!

"Tamara?" Bakit 'to tatawag? Lalo akong inaantok tuloy, awit.

"Humihingi ako ng sorry." Naiiyak na sagot niya.

"Saan naman?" Ambot Tamara, hindi ako maayos kausap kapag inaantok. Bahala ka. Makiki-jive na lang ako.

"For everything." Hays, kinapa ko dibdib ko kung galit ba talaga ako. Eh hindi naman ako galit. Nang makipag-break siya ng walang dahilan
nagalit ako for a while, pero hindi naman mapipilit ang tao kasi. Kaya useless ang galit. Pero kung ipipilit niya na makipagbalikan ako, magwawala ako sa galit siyempre. Gago lang?

"Hindi naman na ako galit Tam. Ikaw lang talaga ang kung anuano ang iniisip." Inaantok ko na sagot.

"So pumapayag ka na magbalikan na tayo?" Nahihikbi niya na sagot.

"Gago ka ba? Kasi para kang tanga." Sagot ko at sabay baba ng phone.

Inaantok na talaga ako. Inayos ko ang gitara at sinabit ko sa dingding, hikab nang hikab na ako. Humilata na ako sa kama at padapa na natulog.
Hindi ko alam kung bakit pero sumama ang pakiramdam ko.

At sana pala hindi na lang ako natulog.

"Ma, where are we going?" Masiglang sagot ko.

"Sa mamita mo." Sagot ni mama habang nagaayos ng gamit sa loob ng sasakyan.

Hindi na ako sumagot at kinuha ko na lang ang sasakyan na laruan na nilagay ni mama sa loob.

Patalon-talon akong bumaba ng sasakyan kaya pinagalitan ako ni papa. Nang maayos na lahat ang gamit, inutusan ako at si Arky na manahimik na kasi aalis na kami, pero bago kami umalis, nag-pray muna kami. Ang sabi ni papa, pupunta raw kami sa bahay ni Mamita for vacation, this is my first time na mag-vacation kaya natatakot ako. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan ang mapatulala kasi ang lalaki ng mga bahay! Tapos dumaan kami sa kalsada na nasa taas! Ang saya, alam ko na!

"Ma, I want a car po." Utos ko kay mama habang hawak ko ang sasakyang laruan ko.

"But you still have a toy." Inaantok na sagot ni mama.

"But I want another one!" Pagmamaktol ko.

"Okay, bibili tayo pagdating natin kay mamita."

"I want a car too!" Sagot ni Arky, tinignan ko na lang siya, pero tumingin din siya sa akin pero nakadila kaya dinilaan ko na lang siya.

Nakarating na kami sa bahay ni mamita habang buhat ni papa si Arky na natutulog.

"Salamat sa Diyos at nakarating kayo ng maayos." Bungad ni mamita sa amin pagbaba nf sasakyan, hindi ko siya kilala dahil ngayin ko lang siya nakita.

"Ito na ba ang panganay mo? Aba'y ang laki na!" Tinignan ko lang siya, pero naalala ko yong sabi kanina ni mama. Lumapit ako sa kanya at inilahad ang palad ko.

"Where's my car po?" Nakangiti ko na sabi, pero bigla akong kinurot ni mama.

"Mama, ouch!"

"That's bad Ark ha, don't do it again."

"Why?"

"That is not respectful." Pinanlisikan ako ni mama ng mata kaya tumahimik na lang ako, mukha siyang monkey.

"Pasensiya na po talaga sa ugali ni Mark auntie." Mahinahon na sagot ni mama kay mamita.

"Ano ka ba naman, Romela. Bata pa ang anak natin." Sabay ni papa kay mama habanh kalong si Arky na natutulog.

"Ikaw kasi ang kumukunsinti." Magaaway na yata sila kaya humawak na lang ako sa kaliwang kamay ni papa, habang kalong Naman si Arky sa kanyang braso. Sa gitna nang paguusap nila mamita at mama pati si papa, biglang may lumabas na bata sa bahay.

"Hello po."

Nagising akong umiiyak, hindi ko alam kung bakit pero ang sama ng pakiramdama ko, siguro dahil 'yon sa napanaginipan ko. Tinignan ko ang oras, Alasdos na pala ng madaling araw. Naisipan kong kumuha ng tubig Kaya sinikap kung tumayo. Nanghihina talaga ako. Dahil ba 'yon sa panaginip, o dahil kay Tamara?

Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya nangangapa ako sa dilim para hanapin ang phone ko. Nang makuha ko ang phone, binuksan ko kaagad ang flash light at nanlalatang bumaba ako sa kusina. Bakit ang bilis kong mapagod? I'll make sure na nakahawak ako sa railings.

Uminom ako ng tubig nang may nag-flash na alaala sa akin. Lalaking madumi ang mukha at puno ng dugo! Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero unti-unti akong nilalamon ng kadiliman, sabay sa pagbagsak ko ang tunog ng nabasag na baso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOST BUT FOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon