Lost But Found 1

30 4 0
                                    

“Mark, bumangon ka na diyan. Bilisan mo at magsisimba pa tayo. Nakakahiya at pastor pa naman ang tatay mo, tapos mal-late tayo na pamilya niya.” Naalimpungatan ako sa ingay ni mama. Buhay kristiyano nga naman, magsisimba tuwing linggo pero parang ‘di naman kristiyano kung umasta, iba talaga ang mga demonyo; mapagpanggap tuwing linggo. Kung sino pa malakas mag-preach ng kasalanan ito at hindi dapat gawin, sila pa ‘yong gumagawa ng mga pinagbabawal nila. Hindi na yata mawawala ang ganitong pag-iisip sa akin. Tss.

“Ma, nakita mo po ba bag ko?” Tanong ni Aya na ngayo’y nakagayak na. 8 years old na siya ngayon, ang bilis ng pnahon. Tumingin sa akin si Aya at lumapit nang mapagtanto niyang kakagising ko lang. Ugh! This is a bad day! Nasa kwarto ko sila kasi inaayos ni mama ang damitan ko.

“Kuya, why are you not in your clothes? Aren’t you going to Church?” I smiled at her. “Of course, kuya will go with you.” Pwede naman sigurong matulog habang nasa simbahan. At feeling ko ay ‘di naman ‘yon sa pagiging hipokrito kasi ‘di naman talaga ako Christian, I am just doing things for the sake of our name, para sa family. Ako ang maituturing na anghel sa mga nagbabanalbanalan eh. Awit na ‘yan!

“Kuya, why are you smiling?” Saad ni Aya na ngayo’y papalabas na ng kwarto ko, na gusto lang naman ay samahan si mama. Nginitian ko na lang siya pabalik at bumalikwas ulit sa kama. Ang sarap kaya matulog! Salamat at umalis na sila, wala na ring maingay at istorbo.

Nasa malalim akong pagiisip habang nakahiga, ano ba ang dapat ko na dahilan kung bakit ako nagsisimba bukod sa pastor ang tatay ko? Need ko ba talaga ‘to na problemahin? Napangisi na lang ako sa naiiisip ko. Ano na lang kaya, si ano kaya? ‘Yong crush ko na lang? Sheesh! Si Miguel nga pala dapat ang motivation ko! I think tama ang desisyon ko. Lumabas ang isang malawak na ngiti sa akin.

“Mark wake up!” Galit na nga si mama, wala akong magagawa, need maging tupa for today’s video. Hindi na ako naligo, nagbihis na lang ako panglakad. Mamayang hapon na lang ako maliligo, ‘di naman ako pawisin eh. Nakakatamad pati maligo ng ganito kaaga.

Nang matapos kong magbihis agad akong bumaba at pumunta sa kusina. Buti na lang may weiners, loaf bread at kape na nakahain na, si mama ay madalas na naghahain nito kapag nagmamadali. Kumuha ako ng tatlong weiners at isang loaf bread, hinigop ko na rin yong coffee ko na naka-ready sa akin. ‘Yon na lang ‘yong umagahan ko.

“Kuya Mark, tapos ka na pala?” Si Arky, ang pangalawa sa akin. Tumitig muna siya sa akin na para bang sinasabi na bakit pa ako nabuhay? Pagkatapos niya akong titigan, para akong naging hangin  at linagpasan ako kaagad. Fuck, what was that?

“Hindi ka naligo ‘no?” Napalingon ako sa kanya na may pagkayamot sa aking mukha. Eh ano naman ang pake nito? Big deal ba ang hindi pagligo ngayon? Hays, so instead of awayin niya ako, ako ang nangaway. Pero siyempre biro lang. Ayaw ko nang gulo.

Nasa L37 kami na sasakyan at on the way sa simbahan na pinagpa-pastoran ni papa. ‘Di naman siya gan’on kalayo pero need pa rin namin gamitin ang sasakyan na ‘to. Gagawin kasing service mamaya pauwi. ‘Yong simbahan namin, puro kamaganak lang naman ang miyembro. Kahit ano’ng isipin ko talaga inaantok pa rin ako.

“Anak, gising na.” Naalimpungatan ako sa pag-gising ni mama sa akin. Siya ‘yong nagmaneho ng sasakyan kaya nasa loob kaming dalawa na anak niya. Katabi niya si Aya at kaharap ko naman si Arky ng upuan na ngayo’y nagbabasa ng bible. Bible? Bago ‘yon ah! Nang dahil sa pagkabigla sinundan ko si Arky na ngayo’y nakababa na ng sasakyan. Ano ‘yong binabasa niya? Bible ba ‘yon? Napaka-imposible naman! 14 years old si Arky at masasabi ko na matalino siya. Pero dapat alam ko ‘yong binababasa niya. Paano na lang kung may mga orgy doon? Aba! Dapat mahiram ko ‘yon.

“Arky! What are you reading?”  Aykaymana naman na! Lumingon si Arky sa akin na may pagtataka ang mukha. Well, first time ko kasing makita siyang nagbabasa eh. “Woy, I’m asking you.” Tumingin sa akin si Arky nang may pagkahulugan at nginisian niya ako. Nilagay niya ‘yong binabasa niya sa bag. “Wala ‘to, gaya ka na lang kung gusto mo.” Sabay takbo papasok ng simbahan na sabi niya. Siyempre curios ako kaya sinundan ko siya. Pero dapat siguro hindi na lang. Ika nga, curiosity kills a cat.

“Aray!” May nabunggo ako na tao, ang sakit ng noo ko. “O, ikaw pala ‘yan Mark.” Nanlamig ang buong katawan ko sa boses na ‘yon. Naiyokum ko ang kamao ko para pigilan ko ang sarili ko na mag-isip ng kung anu-ano. Ah ano ‘tong nararamdaman ko? Bumabalik lahat ang mga ala-ala na ‘yon. Nakakainis!
Mula sa pagkakayuko, nagkaroon ako ng tapang para titigan sa mata si Louie Mercaida, ang sampid sa pamilya namin. Nang magsalubong ang aming mga mata, isang malambing at mapangakit na ngiti ang ginawad ko sa kanya, wala akong pakialam kung mapansin niya man o hindi. Ako si Mark Mercado ang tunay na makatao sa simbahang puno ng mga mapagkunwaring maka-diyos kuno. Isa siyang basura.

“Nandito ka na pala kuya Louie, kailan ka dumating?” Sa aking malambing na tinig. Mukhang nabigla ko naman siya.

“Oo eh, kahapon ako dumating and alam na ‘yon ng papa mo ah. Hindi niya sinabi sa’yo?” Kunot noo na tanong niya. Ang daming nagbago sa taong ‘to, mukha siyang anghel ngayong Sunday pero deep inside, kampon siya ni Satanas.

“Hindi eh, alam mo naman si papa ah. Wala siya tuwing Saturday sa bahay at para makapag-ready na rin tuwing Sunday.” Tumikhim ako at minasdan ang postura niya. “Baka mamaya kasabay na namin siya umuwi.”

“Ah, ganon ba?” May pagaalinlangan sa boses ni Louie, para bang may gusto siyang sabihin na kung ano.

“Mark, gusto ko sana na…” Hindi natapos ni Louie ang sasabihin niya nang dumating si mama.

“Anak, magsisimula na ang Sunday worship, at nandito ka pa.” Nagulat si mama nang mapansin niya si Louie sa harapan ko. At dahil din sa pagkabigla ni mama at pagmamadali, hinawakan niya kaagad ang kamay ko at prenteng aalis na.  Bastos lang, ganon ang datingan. Tagapagligtas talaga ang magulang.

“Louie, magsisimula na ang Sunday service. Pumasok ka na.” Nagpatianod na lang ako kay mama, tapos tumingin ako sa likod at nakatayo parin siya habang nakatigin sa amin. Yak, ‘di kami talo! Kadiri, siya. Bakla!

Every Sunday ganito ang ganap ko, kunwaring Angel pero Demon inside. Pero, iba ang Sunday ko ngayon since may pangarap akong natupad. Parang gusto ko tuloy na i-tweet ang “#BLESSED” sa twitter. Awit, ang bango ba naman ng katabi ko. Kung totoo ang prayer, nasagot na siya. At oo nga pala, katabi ko ang magiging inspiration ko sa buhay, ang answered prayer ko. Sa dinamidaming linggo na nagdaan, ito lang ang hindi ko makakalimutan! Nasa unahan kami nakaupo ni mama at katabi ko lang naman ang pinaka-pogi rito sa church! Beh, Miguel ‘to! Sa daming eksena mula pagkagising ko, ito dapat ang hindi makakalimutan! Kailangan ko maka-tsansing…

Ang galing talaga ni mama pumili ng pwesto. Napapangisi ako sa iniisip ko. Please, Mark stop! Sunday ngayon at ito lang ang blessed day, aayaw pa ba ako?! Hindi naman alam ng pamilya ko na rainbow ang blood ko pati na rin ang congregation, kasama pati siyempre si Louie. Kaya sure ako na hindi ako paghihinalaan. Nae-excite ako sa mga iniisip ko. Kailan ka natutong lumandi self?

Maya maya ay umakyat na ang Emcee sa pulpito, “Let us close our eyes and feel the presence of the Lord.”
Natapos ang dasal na mayroon akong itim na balak. Buti na lang medyo alam ko kung paano manghokage. Nasa kaliwa ko si mama katabi si Aya at nasa likuran naman si Arky. Nang paupo na kami, pasimple kong hinawakan yong kamay niya, lalaking lalaki!

LOST BUT FOUNDWhere stories live. Discover now