Nang tuluyan ng mawala ang usok ay nadiskubre ng lahat na si Pobe ang humigop sa nakakalasong usok. At sa halos pang isang daang pagkakataon na naman ay nagulat ang lahat ng ibinuga pabalik ni Pobe ang nakakalasong usok dahilan ng panghihina ni Nica.

Hindi nahimatay si Nica ngunit naglaho naman si Racci .

Pulang pula na si Nica sa galit.

"You're going to pay for this !!! " nag ngingit sa galit na singhal ni Nica.

"Tara! I SUMMON YOU!" kinabahan ang lahat ng lumabas ang isang napaka laking tarantula. Ang main guardian ni Nica.

"Tara, web attack!!"   mabilis na utos ni Nica.

Sunod sunod ang paglabas ng mga malalaking sapot mula kay Tara na papunta kina Ara.

"Tsk, Pobe snow shield!"  sigaw naman ni Ara .

Mabilis na lumabas ang isang shield na gawa sa yelo at sinalo nito ang lahat ng sapot na inilalabas ni Tara  .

"Argh!! Tara web bombs! "

Mabilis na umiwas si Ara sa mga atake ni Tara ng ang mga sapot na inilalabas nito ay bigla na lamang na sumabog na parang isang bomba  .

Naging sunod sunod ang web bombs attack ni Tara kaya nama iwas ng iwas si Ara habang hinaharangan naman ni Pobe ang ibang atake.

"Hays, Pobe tapusin na natin ang laban na toh hahahah. Pobe! Blizzard Strike!"

Natulala ang lahat ng mawala ang shield na hawak ni Pobe at nagsimula siyang sumayaw ngunit makalipas ang ilang segundo ay isang malakas na blizzard ang tumama kay Tara at Nica dahilan ng pagka talo nila at pagkapanalo ni Ara at Pobe.

Winter's POV

I sighed happily when Ara received her victorious result. Tuwang tuwa tumatalon si Ara pero mabilis din itong nahimatay dahil sa labis na gamit ng kaniyang lakas.

{Time Skipped}

Ang kalaban ni Dunnie ay si Ashley isa sa mga kaibigan ni Kaira yung dating nasa rank 16 ngunit ngayon ay mukhang maaalis nasa top 20.

*TING*

RAILEE MILLS vs. SHARMAINE SILK

Pagkalabas ng pangalan na yun sa screen ay agad akong tumingin kay Railee, halatang halata mo ang gulat at takot sa mukha ni Railee.

Kaya ng bumaling siya sa akin ay hindi na ako nagdalawang isip na isigaw na kaya niya yan. Marami ang tumingin sa akin na para akong isang wirdo pero hindi ko na sila pinansin, napangiti naman si Railee dahil sa sinabi ko.

Third Person's POV

Hindi mapag kakaila na napagaan ng loob ni Winter si Railee ngunit hindi pa rin matanggap ng dalaga na ang makakalaban niya ay isa sa mga malalakas na gadian, alam niyang mas lalo pa siyang lumakas dahil sa ensayo ngunit kinakabahan pa rin siya .

"Hey Railee!! Chin up you got this ,you trained so hard for this. Fighting! " sigaw ng binata na matagal ng nagpapatibok ng puso ni Railee ngunit hindi niya ito napapansin.

Mabilis na napawi ang kaba niya at napalitan ito ng ngiti sa kaniyang mukha .

Tama si Timothy , Rai! Kaya mo toh! Hindi ka nagpakagod sa pag eensayo para lang matakot!! Malakas ako kaya ko toh!

Pag papagaan ng dalaga sa kaniyang sarili.

Pagpasok nila sa platform ay tinignan ni Railee sa mata si Sharmaine at kita niya sa mga mata ng dalaga na wala rin itong balak magpatalo.

"Shin's ready?! Fight!!"

"Raijū, I summon you!" sigaw ni Railee.

"Lashia come out!" pagtawag ni Sharmaine sa kaniyang basic guardian isang landshark.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now