Chapter 7

76 4 1
                                    

Chapter 7: Chosen seven

"They'll be great of use to me."

I said and smirk at the old man. "Kung gusto mo ay ikaw na mismo ang mamili sakanila Black Rabbit." Sabi nya kaya tumayo ako at nilapitan ang mga nakahilerang tao.

"What I really need to build a team is of course strong." Sabi ko at huminto ako sa isang malaking tao, walang pagdadalawang isip ay sinuntok ko ito sa dibdib.

Hindi naman ako nabigla na hindi man lang ito napa atras o umaray man lang, pinalalakad ko sya ng isang hakbang sa pila dahil kukuhanin ko ito.

"Next is of course, smart." Sabi ko naman at huminto sa isang tao, sinipa ko ito ngunit fake lamang at suntok talaga ang gagawin ko. Hindi naman ako nabigo sa aking ginawa dahil agad nya itong nasalo gamit ang kanyang kamay.

Pinalakad ko din ito ng isang hakbang at nag hanap pa. "While there is strong and smart, I also need the loyalty." Sabi ko at sinuntok ang isang lalaki na hindi naman umilag.

"While you have three of that, will you die for me?" Sabi ko at sinakal ang isa sa kanila, hindi ito pumalag o lumikha ng kahit anong tunog at hindi ko ito binitiwan ng ilang segundo. Binaba ko na din ito at pinalakad.

Sunod naman ay nadako ako sa isang babae, kulay lila ang buhok nito at naka maskara din ng katulad nila, hindi ko na ito sinubukan pa dahil ramdam na ramdam ko na siya ang pinakamalakas sa mga nakahilera.

"And that's all I need." Sabi ko at pinalakad ang babae ng isang hakbang.

"And of course, you." Sabi ko at tingin kay Vlad na nanonood hindi naman ito nagulat at tumawa pa.

"Hahahaha! I'm afraid I cost pretty much." Sabi niya, ngumiti naman ako dito at tinanong. "Just name the price." Sabi ko hindi naman ito nag dalawang isip na sumagot. "Twenty thousand copper." Sabi nya at ngumisi.

"Then it's settled, these three is mine and you." Sabi ko sakanya at nag abot sakanya ng pouch na naglalaman ng tatlong gold at isang silver coins. Hindi naman ito makapaniwala na nailabas ko ka-agad ang pera, tinanggap naman niya ito at naglakad saakin.

"Kung ganon ay binabati kita master black rabbit." Sabi niya at lumuhod maging ang limang tao.

"Isang karangalan ang mag lingkod sainyo master." Saad naman ng lima.

Ngumiti naman ako dahil sa laki ng nakuha kong magagandang bagay ngayon. Ang skill book, ang mysterious egg at ang mga mahuhusay na taong ito.

"Now that the leader is my subordinate, what will happen to them?" Tanong ko naman at tinignan ang mga natitirang tao.

"Wag mo na silang alalahanin pa master. Mga bata, tapos na ang misyon ninyo maari na kayong mamatay." Sabi niya, tinignan ko naman ang mga taong ito kung pano nila patayin ang kanilang sarili, gamit lang ang mga kamay nila ay tinusok nila ito sa kanilang dibdib at ang lahat ay nag si tumba. 

Mukang masunurin talaga sila dahil handa silang mamatay ano mang oras. Ngumiti naman ako at tinignan nag ang matanda.

"If I said that in front of you, will you obey?" Ngumiti ang matanda at ang salita, "It would be my honor to die for you Great Sir." Sabi niya.

"Good boy. Now that my business here is done, let's go." Sabi ko at umalis na ng black market. Ang limang tao na pinili ko ay nawala na parang bula ngunit nararamdaman ko sila sa paligid, mukang may mga abilidad ito na makapag tago sa ilalim ng anino.

Sa ngayon ay pupunta na muna ako sa building na pinuntahan namin kanina ni Alex dahil ngayon na namin gagawin ang Class Quest nya.

"I have something to do, I'll call you when I need you." Sabi ko, tumango naman ang matanda at umalis na. Sa ngayon ay hindi ko muna aalamin ang buong impormasyon nila at tatapusin ko muna ang mga dapat kong gawin.

Fantasy world onlineWhere stories live. Discover now