Chapter 4

84 7 0
                                    

Chapter 4: Henova

Game World, Leo Town 7:01 Pm, Saturday

"Oh, Ginoong Azrael saktong sakto ng ang iyong dating, patapos na ang huling damit mo, at sa tingin ko ay kakailanganin mo na agad agad ang isa hahaha!"

Sabi ni Nadir dahil ang suot ko ngayon ay punit punit na talaga. Galing ako sa kagubatan at kinalaban ang dalawa pang Boss Monster, ang Black Bear at Savage Tiger, pareho itong upper F rank at mayroon ding mga kasama. Ngunit ganun pa man ay level 6 lang ang inabot ko.

"Maupo ka muna, saglit nalang ito." Sabi nyang muli kaya tumango ako at pumasok tsaka naupo at nilabas ang window screen.

[Character Profile]
Name: Azrael
Health: 100
Mana: 450
Level: 6

Fatigue: 85

Vitality: 10
Intelligent: 45
Strength: 66
Agility: 45
Defense: 2 [+3]

Remaing Stat Points: 15

Passive: None
Active Skill: None

May twenty fifteen stags points pa ako galing sa reward sa pag level up kaya nilagay ko na ito sa defense at vitality. Naglagay ako ng lima sa defense at sampo naman sa Vitality. Ang item stat na kanina ay sampo ay naging tatlo nalamang dahil sa naging kondisyon ng roba at pantalon, kung ganon pala ay ito ang nagsisilbing indicator ng kanilang endurance.

After that ay uminom muna ako ng bottle of water na binili ko papunta dito para bumaba ang fatigue ko.

"Can i borrow the toilet?" Tanong ko kay Nadir na nag tatahi, tumango naman sya kaya pumasok na ako dito. Nilabas ko ang Healing Cream ko na nabili ko sa halagang isan daang copper, hindi na ako lugi dahil malaki laki naman ito at tatagal.

Hinubad ko na ang damit ko at pinahid ko ito sa katawan ko, bigla ko namang napansin na agad itong umipekto at nag didikit-dikit muli ang mga sugat.

"That's mesmerizing." Sabi ko habang pinapanood ko ito.

Sunod naman ay nilabas ko ang health potion, nagkakahala ng sampong copper kaya bumili na ako ng sampo, yun nga lang ay 10% lang ng ang na he-heal nito at dahil two hundred na ang health ko ay twenty lang ang epekto nito, ito lang ang potion na meron sa buong town kaya naman binili ko na.

Uminom ako ng apat dahil hindi naman na ako lalaban. Puno padin ako ng dugo kaya naman binasa ko na ang damit ko at pinahiran ang sarili ko at natanggal na ang amoy at ang dugo.

"Ginoong Azrael, handa na ang mga damit!" Sigaw ni Nadir kaya naman lumabas na ako, suot suot ko ang fitted shirt at pumunta sakanya.

"Thank you, how much all of it." Tanong ko sakanya at kinuha ang damit, nilagay ko ang dalawang pares sa inventory ko dahil susuotin ko na ang isang pares na ito ngayon.

"Ahh sixty copper lang." Sabi nya, inabutan ko naman ito ng isang silver coin dahil wala na akong copper.

"Sainyo na ang sukli." Napa ngiti naman ito at nag niyuko ang ulo bahagya na ginawa ko din.

Nakihiram uli ako ng banyo at tsaka ito sinuot at nag pa-alam nadin. Tinignan ko ang oras at 7:21pm na pala kaya pag ka-labas ko ay nag log out na din ako. Naisip ko na dapat ay magtayo na ako ng bahay na maari kong pag log outan dahil ang pangit naman kung saan-saan lang ako mag lolog out.

Real World, Costello's House 7:21 Pm, Saturday

Meow~

Pagkadilat ko ay ang magandang boses ni Fei ang narinig ko, tinanggal ko na ang gear at nilapag sa kama tsaka ko tinignan si Fei na nasa tiyan ko at naglalambing. Hinaplos ko naman ang ulo nya at binati ito.

Fantasy world onlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon