Chapter 5

90 7 0
                                    

Chapter 5: First event

Real World, Costello's house 7:34 Am, Sunday

Maliwanag ang sikat ng araw at malakas ang dala nitong hangin sa buong village. Ako ngayon ay nasa loob bahay sa balcony at namamahinga. Habang namamahinga ay nag-iisip isip ako kung ano ang magandang gawin mamaya dahil sabi ni Henova ay alas syete ng gabi ako pumunta sakanya, bukod doon ay naibigay ko na sakaniya ang moon stone.

Flashback

"You have the goods kid?" Agad niyang tanong.

"Yeah however it's a different material." Saad ko at napatigil naman ito sa pagpu-pukpok at tumingin saakin.

"This." Nilabas ko naman ang malaking tipak ng meteorite.

"Hmm, this stone is indeed different, I've never seen one like this...." Hinawak-hawakan niya ito at muling nag salita.

"I think it's even more hard than obsidian, ya sure ya want this for your weapon?"

"If you can't then that'll be a problem." Pang-aasar ko naman.

"Hmp! Go fuck off now I don't have time to waste you brat!"

End of flashback

At dahil doon ay ginagawa na niya ang aking scythe. Kaya siguro ngayong linggo ay makapag pataas nalamang ng stats buong araw since inaantay ko nalang ang weapon ko.

***

Real world, University classroom, 7: 45 AM, Monday

Monday na at mabilis lumisan ang weekend, hindi ko inaakala na ganon kabilis ang panahon. Naririto ako ngayon sa classroom at nagkikinig lang at nag iisip isip kung ano ang magawa mamaya.

Habang nag iisip ng magagawa sabay pakikinig kay Professor ay hindi ko napansin na nag ring na pala ang bell, natauhan lang ako ng mag si-tayo ang mga kaklase ko kaya naman tumayo nadin ako at muli ay bumili ng Bread Cake, umupo ako sa mesa tsaka nag ti-tingin sa phone ko. Habang tinitignan ko ang site ay napansin ko na nag post sila ng mas detalyadong mapa, hindi ko muna ito tinignan at mamaya nalang pag uwi.

Nag scroll scroll lang ako hanggang sa mapunta ako sa event's at nakita ko na may announcement dito.

Good Day mighty Player's! Fantasy World Online will be having it's first event! The event will take place in Evanian empire, you don't wanna miss this event because it's excitement will fire you up! The event will start tomorrow at exatly 4Pm! See you player's!

"First event? Cool." Nag scroll scroll pa ako ng marating ko ang Fantasy World Online Shop, ang fantasy world online shop ay kung saan maari kang makabili ng mga gamit, hindi ito katulad ng Auction na tataasan pa ang presyo nito, dito sa shop ay paunahan lamang makabili ng magagandang item na lalabas.

Nag scroll naman ako dito at ang pinakamagandang item lang ay isang sword na class C+. Nag scroll up naman ako para bumalik sa main page pero aksidente ko itong na refresh. Ng ma-refresh ang page ay agad kong napansin na may bagong item, kaya tinignan ko na ito dahil baka maganda.

Ngunit kinadismaya ko naman ito dahil isang rank F dagger lang naman ito. Pumunta naman ako sa Auction Shop at ganun lang din ang aking mga nakita kaya't tinignan ko nalang ang mga Leaderboards. Nakita ko naman na ang mga top 1 sa World Leaderboard ay Level 20 na, habang ako ay nasa Level 6 palang.

Hindi naman ako nawalan ng pag-asa dito dahil wala sa level ito kundi sa stat's at kompyansa naman ako sa stat's ko. Ilang sandali lang pagtingin sa site ay nabored na ako kaya't nag facebook nalang ako. Tamang scroll lang ako ng may marecieve akong message request.

Fantasy world onlineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt