25

71 26 9
                                    

Bumukas ang pinto ng kusina kaya agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig. "Kamusta mang Jojo? Nagustuhan na ba ni Jazmig?" Nakangiti kong tanong dahil pang-apat na beses ko ng nirevise 'tong adobong manok na gusto ni Jazmig. Nilagay ko na lahat ng MSG sa adobong 'yun kaya dapat ay magustuhan niya na ang luto ko.

Umiling-iling lang sakin si mang Jojo habang nakabagsak ang balikat niya. "Masyado raw maanghang."

"ANO?!" Napasigaw na lang ako dahil sa gulat. Lintek na Jazmig 'yan! Hanggang kailan niya ba ako balak paglutuin ng adobo? Pang-apat na beses ko ng inulit 'to eh!

"Akala ko ba gusto niya ng maanghang na medyo manamis-tamis, ganon naman 'yung ginawa ko ah! Ano pa bang gusto niya?" Pagmamaktol ko.

"Ganon talaga si sir Jazmig hija, masyado siyang mapili sa pagkain, subukan mo ulit magluto pa, baka magustuhan niya na." Napairap na lang ako kay mang Jojo. Hindi naman totoong mapili siya sa pagkain eh, gusto niya lang talaga akong pahirapan! Alas-dose na ng gabi pero gusto niya pa rin magluto ako ng adobo! Eh kung pakainins ko siya ng manok para sa bibig niya na lutuin 'yung adodbo!

Kinuha ko 'yung heavy duty na kutsilyo at saka hinila ko 'yung isang buong manok para tadtarin 'yun ng pagkalakas-lakas. Dahil sa inis ko kay Jazmig ay hindi ko napansing halos madurog na 'yung manok dahil sa paghiwa ko.

"G-galit ka ba?" Nanginginig na tanong sakin ni mang Jojo habang pinapanood niya kung paano ko pira-pirasuhin 'yung walang buhay na manok. "Kawawa naman ang manok," dagdag niya.

"Ako galit? Naku hindi po! hindi ako galit hehe, bakit naman ako magagalit eh panglimang beses niya lang naman gustong ipaulit sakin 'yung adobo. Walang dahilan para magalit ako, mahinahon lang dapat at saka kalama lang," nakangisi kong sabi pero sa totoo ay gusto ko ng gumawa ng krimen.

"Gusto mo pa talagang ulitin ko 'yung adobo ah! Tignan natin kung magising ka pa bukas kapag natikman mo 'tong panglimang beses na ulit ng adobo na pinaluto mo!" Bulong ka sa sarili ko at saka ko sinimulang magisa ng sibuyas at bawang.

"Anong sabi mo? Sinong magigising?"

Ngumisi ako kay mang Jojo para magmaaang-maangan. "Ano ba kayo! Wala akong sinasabing ganyan, sabi ko magluluto na ako," mahinahon kong sabi.

"P-pwede bang 'wag kang ngumiti ng ganyan? Mukhang may masama kang gagawin eh."

"Ako may masamang gagawin? Naku wala noh," wika ko saka ako napatingin sa may boteng may nakasulat na 'rat killer'

Sa wakas mapapakinabangan ka rin sa pagluluto!

"Oh? Bakit ang sama ng tingin mo riyan sa rat killer? Nakakalason 'yan Aubrey, hindi mo---"

"Pwede ba mang Jojo lumabas ka na lang? Ako na'ng bahala rito sa adobo, lalagyan ko ng secret ingredient." Pinilit kong itulak si mang Jojo palabas ng pinto para masagawa ko ang masama kong plano.

"AUBREY, ANO BANG SECRET INGREDIENT 'YAN? 'WAG MONG ILALAGAY 'YANG RAT KILLER, NAKAKAMATAY YAN!" Sigaw niya pa sa labas ng kusina pero hindi ko na lang siya pinakinggan. Tinuloy ko ang pagluluto ko  at saka ko kinuha 'yung rat killer.




"SURE ka ba na ikaw na ang magdadala nyan kay sir?" Tanong sakin ni nany Telma habang naglalakad kami papunta sa dining area kung saan hinihintay ni Jazmig ang adobong pinaluto niya for five times. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sigurado magugustuhan niya na 'to dahil sa secret ingredient.

"Kinakabahan ako sa ganyan mong ngiti Aubrey, ano ba kasing secret ingredient ang nilagay mo riyan?" Tanong naman ni mang Jojo.

"Secret nga po diba? Paano pa 'yun magiging secret kung sasabihin ko sa inyo?" Sarcastic kong sabi.

Maybe In Another Year (COMPLETED)Where stories live. Discover now