Binuksan ko ang kawayang gate. Ganoon na lang ang pagpawi ng ngiti ko nang nakita ang dumating.

"Binibini..."

"Anong ginagawa mo rito?" malamig ang boses kong tanong.

Sumandal siya sa mamahaling kotse. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Fifth year anniversary n'yo ni Nigel. Where is he?"

"W-wala pa." Nag-iwas ako ng tingin. "Pero dadating 'yon. Sabi niya susunduin niya ako."

"Kaya pala nagmamadali kang lumabas. Pinangakuan ka ng gagong 'yon pero hindi naman tumupad."

Muli ko siyang binalingan. Malamig ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Bakit ka nandito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Magde-date tayo, tutal wala naman ang boyfriend mo," walang pakundangan niyang sabi.

Walang salita ko siyang tinalikuran.

"Millicent!" pagtawag pa niya.

Pagpasok ko ng bahay ay pinagtakhan ko ang nanginginig na si Neo. Lumapit ako sa kanya at kumabog ang dibdib ko nang narinig ang pagsigaw ni Nymph mula sa kwarto ng nanay.

"'Nay, gising! 'Nay!"

Hindi ko na naituloy ang pagtatanong kay Neo. Nagmamadali kong tinungo ang kwarto ng nanay. Ganoon na lang ang panginginig ng katawan ko nang nakita siya na walang malay, nakalupasay sa sahig habang sapu-sapo ni Nymph ang ulo.

Lumapit ako sa kanila. "Nymph, anong nangyari?!"

"Hindi ko po alam. Nawalan na lang siya bigla ng malay, Ate," nanginginig ang boses niyang sabi.

Kinuha ko ang cell phone at dali-daling tinawagan si Nigel. Parang tambol ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Hindi ko na rin alintana ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Naka-ilang ring na pero hindi pa rin siya sumasagot.

Napilitan akong lumabas. Nakita ko si Phoenix na hindi pa rin nakaaalis. Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya pagkakita sa itsura ko.

"Hey, what happened? Why are you crying?"

Tinuro ko ang bahay namin. "Ang nanay nawalan ng malay. Phoenix, tulungan mo kami," halos magmakaawa na ang boses ko.

Pumasok siya sa bakuran namin. Pakiramdam ko ay may itinatago sa amin ang nanay dahil ilang linggo na rin siyang matamlay. Ilang beses ko siyang tinanong kung may nararamdaman siya pero ang laging sagot niya ay 'okay lang ako'.

Sinundan ko si Phoenix na buhat-buhat ang nanay. Isinakay niya ito sa backseat. Hinigit niya ako at pinapasok sa passenger seat.

"Hayaan mo na si Nymph at Neo sa likod."

Hindi ko na napigil ang pagkawala ng hikbi ko. "Phoenix, dalian mo, please."

Nakarating kami sa isang pribadong ospital. Agad na isinakay sa stretcher ang nanay at ipinasok sa isang room. Walang lakas akong napaupo katabi ng mga kapatid ko na walang tigil din sa pag-iyak at yakap-yakap ang isa't isa.

Ilang oras kaming naghintay. Napatayo ako nang may lumabas na doktor. Humawak ako sa braso nito. "Doc, kumusta po? Bakit bigla na lang po siyang nawalan ng malay?"

Tiningnan niya ang lalaking katabi ko pero agad ding ibinalik ang tingin sa akin. "Hindi pa namin masiguro ang dahilan ng pagkawala ng malay ng nanay mo, hija. For now, we need to conduct several tests."

Muli akong napaupo. Hindi ako tanga para hindi maramdamang may kakaiba sa binitiwang salita ng doktor.

Nahirapan akong maghagilap ng pera habang nasa ospital ang nanay. Hindi pa man sinasabi kung magkano ang bill ay batid kong malaki na ito. Idagdag pa ang tests na ginawa sa kanya.

"Phoenix, anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang nadatnan siyang nakaupo malapit sa hospital room kung saan nandoon ang nanay.

Nginitian niya ako at biglang niyakap. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang umiyak. Ilang araw ko na ring hinihintay na may gumawa sa akin nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Nigel.

"Miss Cortejos?"

Humiwalay ako sa yakap ni Phoenix. "Doc..." Pilit akong ngumiti.

"Ready yourself, hija."

"Doc?" kunot-noo kong tanong.

"Your mother has a cancer. Stage 3. Breast cancer."

May mga sinabi pa ang doktor pero wala na akong naintindihan. Hanggang sa iwan niya kami.

Muli kong naramdaman ang yakap ni Phoenix. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

"Binibini..."

"Anong gagawin ko, Phoenix? Wala akong pera... wala kaming pera. Paano ko siya mapagagamot?"

"Hush, I'm gonna help you."

Napasubsob ako sa dibdib niya.

Hindi ko na alam ang gagawin. Sa nakalipas na dalawang araw ay dalawang libo pa lang ang perang naipon ko sa pagmamasahe.

Humiwalay siya nang tumunog ang cell phone niya. Sinagot niya ito pero dahil hindi pa ako ganoong nakalalayo sa kanya ay narinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Dude..."

"Michael?"

"May kumakalat na video. 'Yong babaeng kelan lang na kasama mo at si Nigel, may sex video!"

Bumagsak ang tingin niya sa akin. Ilalayo niya sana ang phone pero agad ko itong inagaw.

Sa nanginginig na kamay ay inilapit ko ito sa tainga ko. "Check mo sa Facebook 'yong video. Lawrence just tagged me there." Tumawa si Michael.

"I can't believe na mauunahan ka na naman ni Nigel sa babae. Una si Millicent, ngayon si Loraine—"

Hindi ko na natapos ang pakikinig dahil sa pagdausdos ng cell phone mula sa kamay ko, sumunod ang katawan ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili, maging ang isip ko, na isang malaking kalokohan lang ang narinig.

Dinampot ni Phoenix ang cell phone niya kasabay nang muling pagtunog nito. Itinayo niya ako at inalalayan patungo sa upuan.

Nagkasakit ang nanay, pagod na pagod ako pagtatrabaho, namomroblema ako para sa ipapakain ko sa mga kapatid ko at pambaon nila sa eskwelahan, tapos ay sasabay pa si Nigel?

Paano niya nagawang gaguhin ako?

"Phoenix, pwede mo bang buksan ang Facebook mo?" pakiusap ko.

Halata sa mukha niya ang pagdadalawang-isip, pero hindi nagtagal ay kinalikot na niya ang cell phone. Binuksan niya ang Facebook app. Para akong pinatay nang nakita ang video ng dalawang tao.

Dalawang taong hubo't hubad. Ang mukhang bumungad sa akin ay ang nakangangang mukha ng lalaking mahal ko at pinagkatiwalaan ko nang limang taon.

Nanginginig ang daliri kong nai-tap ang video hanggang sa nag-play ito.

Napatakip ako sa bibig nang narinig at napanuod ko ang pag-ungol, pagsigaw sa pangalan ng isa't isa ng dalawang taong nasa video, at ang paggalaw at ang pagsayaw ng mga katawan nila.

Sarap na sarap ang boyfriend ko habang ako ay nandito sa hospital at nangangailangan ng kahit presensya niya lang?

"Millicent..." nag-aalalang tawag sa akin ni Phoenix.

SurrenderWhere stories live. Discover now