Ika-labing isang Pahina

Start from the beginning
                                    

"Ang ganda!"

"I'm glad you liked it. Let me help you." He tucked my loose hair behind my ear before putting the helmet on me.

"Let's take a photo, then!"

"Here, sa phone ko nalang." Isinuot na nito ang helmet niya tsaka itinaas ang cellphone para kumuha ng litrato. Inakbayan niya ako at bahagya ko namang idinikit ang ulo ko sa balikat niya para sa magandang kuha.

"Ang cuteee, isa pa!"

"Grabe naman kasing ganda 'yan! Talagang cute ang kalalabasan." Sabi nito ng nakatingin sa akin na ikinatawa namin pareho ng malakas. Naisingit na naman niyang mambola. Hindi ko alam na he captured it. It turns out na ang ganda nung picture. Tumatawa kami habang nakatingin siya sa akin. We look so happy. Hindi maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi ng kasama ko habang tinititigan yung larawan namin.

"Kinikilig ka na naman sa akin, Perez." Humalakhak ito sa sinabi ko.

"Tara na nga." Inalalayan niya ako pasakay at mas naramdaman ko yung gutom ko habang nasa biyahe.

"Yung palda mo ha, baka hindi nakaipit ng maayos. Don't worry, malapit na." Sabi nito after how many minutes during the ride.

"Saan ba kasi? Gutom na ako, Clifford kaya kapag hindi masarap yung mga pagkain sa pupuntahan natin--"

"Ako ang kakainin mo?"

"No!" Nahampas ko siya na ikinahalakhak niya. Huminto kami sa isang may hindi kalakihang karinderya.

"We're here?" I asked. "Aling Linda's Sisigan at iba pa" basa ko sa isip ko sa karatulang nasa itaas ng yero nito.

"Paborito ko yung sisig nila dito at alam kong magugustuhan mo din yun. Tara, pasok na." Ngumiti ako dahil halata naman sa amoy e. Nakakagutom.

"Hijo, ikaw pala 'yan! Ilang linggo ka ng hindi bumabalik dito ah. Kamusta?" Isang matandang babaeng nasa edad sisenta ang sumalubong sa amin. Pinaupo kami nito sa dulong lamesa at hinapagan ng dalawang bottled water.

"Ayos lang naman ho, Nay. Dalawang order po ng sisig." Nagmano si Cliff rito bago ako binalingan ng tingin ng tinawag niyang Nanay. Ngumiti ako at nagmano rin.

"Kaano-ano mo itong kasama mo, hijo?" Naitanong ng lola. Mababakas mo agad na kilala nila ang isa't-isa kaya naman pormal nalang akong nagpakilala.

"Magandang hapon po, ako po si Kiana." Ngumiti ako rito.

"Kay gandang dalaga pa rin talaga. Walang kupas. Its been awhile, hija." Sabi nito na animo'y bumati sa dating kaibigang matagal niyang hindi nakita.

"Ah lola, baka hindi po ako ang tinutukoy ninyo. Siguro po ay isa sa mga babae ni Clifford yun. Kiana po ako e, hindi Liana, hindi po Tanya at hindi rin po Bianca. Ngayon palang po kasi ako nakarating dito." Patuloy pa din ako sa pag-ngiti.

"Uy! Ikaw palang ang dinala ko dito tsaka wala akong babae bukod sayo no!" Apila agad ni Clifford.

"E sinong tinutukoy ni lola?" Sabi ko dito tsaka tumaas ng bahagya ang kanang kilay ko.

"Nay kasi e, sisiraan pa ako!" Parang baliw na nagmaktol itong si Cliff. Mahinang tumawa ang lola.

"Nagbibiro lang ako, hija. Ako nga pala si Linda. Sana sa susunod na balik nitong si Clifford e kasama ka pa din niya." Hinaplos nito ang balikat ko.

"Sige po, lola basta 'wag niyo pong pakakainin ang sino mang isasamang ibang babae ni Clifford dito ah. Lagyan niyo po ng lason yung kakainin niya kung sakaling sapian po siya at magdala nga po ng ibang babae," Biro ko ngunit sineryoso ata ni Lola Linda yun.

Pahina ng Pag-ibigWhere stories live. Discover now