PANAGINIP NG HARI

0 0 0
                                    


Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising nang may lumbay

Ganito ang napagsapit
ng haring kaibig-ibig
nang siya’y managinip
isang gabing naidlip

Di umano’y si Don Juang
bunso niyang minamahal
ay nililo at pinatay
ng dalawang tampalasan

Nang patay na’y inihulog
sa balong di matarok
ang hari sa kanyang tulog
nagsaing na nalulunos

Sa laki ng kalumbayan
di niya napahimlay
nalimbag ba sa gunam-gunam
ang buong napanaginipan.

Mula noo’y nahapis na
kumain man ay ano pa!
luha at buntonghininga
ang aliw sa pag-iisa

Dahil dito’y nangayayat
naging parang buto’t balat
naratay na’t nababakas
ang dating ng huling oras

nagpatawag nang medico
yaong marunong sa reyno
di nahulaan kung ano
ang sakit ni Don Fernando

sa kalooban ng Diyos
may nakuhang mangangamot
ito nga ang nakatalos
sa sakit ng haring bantog

sakit mop o, haring mahal
ay bunga ng panagimpan
mabigat mat maselan
may mabisang kagamutan

may isang ibong maganda
ang pangalan ay Adarna
pag narinig mong kumanta
sa sakit ay giginhawa

ibong ito’y tumatahan
sa Tabor na kabundukan
Jahoy na hinahapuna’y
Piedras Platas na makinang

Kung araw ay wla roo’t
sa malayong mga burol
kasama ng ibang ibong
nangagpapawi ng gutom

Gabi ng katahimika’t
payapa sa nkabundukan
kung umuwi ay humimlay
sa kahoy na kanyang bahay

Kaya mahal na monarka
iyan po ang ipakuha’t
gagaling na walangsala
ang sakit mong dinadala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IBONG ADARNAWhere stories live. Discover now