Buod ng Kabanata 1: Ang Kaharian ng Berbanya (Saknong 1 - 29)

3 0 0
                                    


Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang
mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian
sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga namumuno rito na sina Don Fernando at Donya
Valeriana.

Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don Diego at si
Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang
panahon ang isa sa kanila ay magmamana ng trono.

IBONG ADARNAWhere stories live. Discover now