"Jusko babe hindi sa ganun yun!"

"So tinataasan mo na ako ng boses malori?!"

Napatikom nalang ako ng bibig at sumunod sa nag mamadaling paglalakad ng mahal ko na ngayon ay umuusok sa galit

"Pftttt HAHAHAHAHAHA! under ka pala malori hindi mo sinabi?"

Tawa nito sa akin

Huminto ako sa pag lalakad at tinignan ito ng masama

"Sige baka kakatawa mo magulat ka at magising kana lang sa hospital " ngiting sabi mo rito

"Sabi ko nga hindi na ako tatawa" usal nito sabay tikom sa bibig nyanag peace sign pa ito sa akin

"Ikaw jeck kala mo napapatawad na kita sa ginawa mo kagabi ah? "

"Sorry na nga lori di ko naman akalain na isang beer palang ung naiinom ni athena e lasing agad "

Napa buntong hininga nalang ako at napa iling bago Ibinalik  ang tingin sa harapan at hinanap si athena

Wait ..

"Si athena ba yun? " Tanong ko sa isipan ko di sa gaanong malayo kasi naming  pwesto ni Jeck ay tila kasi may nag kaka gulo at may babaeng naka upo na...

Katulad ng suot ng girlfriend ko???

"Malori si athena yata ung naka upo sa sahig ngayon" si Jeck

What the..!

Nanlaki ang mata ko

"Athena? Babe!?" Tawag ko at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan nito

Jusko nawala lang saglit ang paningin ko may nangyare agad

"ang lakas ng loob mong banggain ang reyna namin eh bagong salta ka palang rito!"

"Hindi mo ba kilala binabangga mo ha?!"

Usal ng mga babaeng nasa harapan ng girlfriend ko at hindi ko maiwasan lalong magalit ng buhusan ng isa sa mga babae ng tubig sa ulo ang mahal ko

"Ano sa tingin nyo pinag gagawa nyo?!" Galit na usal ko ng makarating ako sa kinaroroonan ni athena na ngayon ay nakayukong nakasalampak sa sahig

Pansin ko nagulat ang mga ito ng makita ko

"W-wait sya si Malori satori ano?" Isa sa mga shareholders ng Salvatore university??

"Yung dating fiancee si Beatrice salvatore??"

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga bulung bulungan sa paligid

Hinawakan ko ang kamay ni athena na ngayon ay naliligo sa tubig

Hindi ko maiwasan na  lalong mainis at magalit ng makita ko ang gilid ng kamay nito ay may gasgas

Tinignan ko naman ang mga kalalakihang naka tuon ang atensyon sa katawan ng girlfriend ko

Kitang kita na kasi ang kulay ng panloob ng girlfriend ko ng dahil sa basa nitong dress

Naririnig ko ang pagsipulan ng mga ito at meron pang nag palakpakan

"M-malori?" Usal ng isang babae na kahit hindi ko tignan ay kilalang kilala ko kung kaninong boses nag mamay ari non

Pero hindi ko pinag tuonan ng pansin ang taong yun at concern na tumingin kay athena na bakas sa mukha na nasaktan at tila naiiyak

Nandilim ang paningin ko ng makita ko ang girlfriend ko na ngayon ay umiiyak

hinubad ko ang suot kong jacket at pinatong ito kay athena bago dahan dahan itong binuhat mabilis na pinalupot ni athena ang braso nya sa leeg ko

Ng makatayo ako ay tinignan ko ang mga taong nasa paligid na hindi man lang nag abalang tulungan ang girlfriend ko

Tumingin ako kay jeck na ngayon ay tahimik na nasa tabi ko

"Jeck tandaan mo ang itsura ng mga bawat estudyanteng mga naririto na nanuod lang at tumawa at sa  mga taong nag sipulan at pumalakpak...
at paki sabi rin sa kanila dahil bukas na bukas din sa kangkungan na sila pupulutin sa ginawa nila pag papahiya sa parte ng pamilya ng mga satori "cold na sabi ko bago nag simulang umalis sa lugar na iyon

Kailangan  muna namin muling umuwi Dahil pag nag stay pa kami sa lugar na iyon... Baka hindi ko alam ang magawa ko sa mga taong naroroon

Lalong lalo na kay Beatrice...

________________

SA KABILANG BANDA

Matapos nila marinig ang Mga sinabi ni Malori ay biglang kinabahan ang mga taong naroroon na tumawa habang pinanunuod si Athena na binubully ng mga alapores ni Beatrice salvatore

Tumingin ang dalawang babae na ng bully kay athena kay Beatrice

"M-miss Beatrice.. "kabadong tawag ng babaeng nag buhos ng tubig sa ulo ni Athena

"T-tulungan mo po k-kami'' pagmamakaawa nito kay Beatrice

Kilala ng lahat ng mga Estudyante ang pamilya ni Malori

ang mga Satori ay makapangyarihang pamilya at isa sa  pinaka mayaman na Pamilya sa buong Asia

At alam ng mga taong mabait ang pamilya nang mga Satori pero.. Masama rin naman kung magalit ang mga ito

Kaya nito pabagsakin ang kompanyang lumalaban sa mga ito sa isang pitik lang ng daliri nila.. at lahat ng pagbabanta ng mga ito ay nag kakatotoo

"Okayyyy narinig nyo sinabi nya dibaaa?? Pupulutin na daw kayo sa kangkungan bukas na bukas din! HAHAHAHAHAHAH!" boses ni Jeck 

Habang si Jeck ay nag sasaya ang mga nakapaligid naman sa kanyang mga Estudyanteng tulad nya ay nanlumo na tumawag sa pamilya nila upang iparating ang masamang balita

Habang si Beatrice naman ay walang salitang umalis sa lugar na iyon

"M-miss beatrice?" Tawag ng babaeng bumuhos kay athena

"Tulungan mo po ako! A-ayaw kong m-mag hirap! G-ginawa ko lang naman y-yun dahil sa inyo" desperadong sabi nito kay Beatrice

Pero malamig na tinignan lang nito iyon
At sumagot

"Sinabi ko bang gawin nyo yun? Wala diba?? Kayo ang gumawa ng gulo na yun kaya lutasin nyong mag isa yon " malamig na sabi nito at nag lakad papalayo sa mga ito

Wala naman nagawa ang mga babaeng yun kundi napaluhod nalang at nag sisisi sa ginawa nya

Nag datingan ang ibang guro sa lugar na iyon at nag tataka ang mga ito sa mga Estudyante nila na nagiiyakan at tumatawag sa pamilya ng mga iyon at meron pang nahimatay na Estudyante dahil na mabalitaan ng mga ito ang pagbagsak ng kompanya na pag aari nila

--

Habang si Beatrice naman habang nag lalakad sa hallway ay hindi maiwasan makaramdam ng saya at the same time malungkot..

Masaya dahil nakita nya na ang taong mahal nya at malungkot kasi ang taong mahal nyang iyon ay may mahal ng iba

Pero naiinis sya sa dalawang babaeng alapores na sunod ng sunod sa kanya

Alam nya na ngayon ang araw na papasok sa school si Malori gusto nya sana ito maka usap ng maayos pero dahil  lang sa babaeng yun na bumangga lang sa akin..

Actually wala naman syang balak awayin yung babae at tatanungin nya pa sana if okay lang ba sya

  pero ang dalawang babae na sunod ng sunod sa kanya ay walang sabi sabi nalang na tinulak yun nang dahilan ng pagkakaupo nito sa sahig  at binuhusan pa talaga ng tubig

Sasawayin nya na sana ng sakto dating naman ng taong matagal nya ng hinihintay..

Na ngayon kahit hindi nya tanungin alam nyang galit ito sa kanya dahil sa isip ni malori ay binully ko ang babaeng yun

''Pero hinding hindi ako susuko hanggang hindi bumabalik si malori sa akin.. akin lang si malori..''

_________________

Deymm UD UD UD na hahahaha

Thanks sa pag aabang duh hahaha lablab guys  ingats

-Kara












Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now