Chapter 8

2.1K 120 6
                                    

Malori POV

"Malori okay kalang ba? " Tanong ng kapatid ko sakin tumingala naman ako sa kanya

Bakas sa mukha nito ang pag aalala sakin

" okay lang po ako ate" ngiting sabi ko dito

"Bunso.."

"Maniwala ka ate okay lang po ako" sabi ko bago umiwas ng tingin sa kanya at tumingin sa bintana ng kotse

Alam ko gusto nya tanungin ang nangyare sa may parking lot kaganina 

Nakatayo na nag aabang ako sa parking lot

Ilang araw kona sya pinipilit na ihatid pero lagi naka sunod sa kanya yung Rayleigh na girlfriend daw nitong mahal ko

Kung ano ano na nga natatanggap na masasakit na salita tungkol sa mga taga hanga at fans ng Rayleigh at ni Beatrice sakin eh

Pero hindi ko iniinda iyon

ng makita ko si Beatrice ay umayos ako ng pag kakatayo

Kasama nito si Rayleigh

"Beatrice!" Tawag pansin ko dito

Lumingon ito sa pwesto ko at automatic naman na nandilim ang mga tingin nito sakin

Nakaramdam ako ng kirot pero hindi ko iyon pinansin at pilit na ngumiti

"Hatid na kita?" Ngiting tanong ko

Hindi ko pinahalata ang sakit na nararamdaman ko nang mapatingin ako sa kamay nilang dalawa na magkahawak

"What are you doing here?" Kunot noong tanong nit sakin.

"Ihahatid ka?" Ngiting sabi ko

"Miss you don't need to.. ako na mag hahatid sa girlfriend ko" sabat naman ng isa

Binawi ko ang tingin ko kay beatrice at tumingin sa babae na seryoso din naka tingin sakin

"She's my Fiancee ako mag hahatid sa kanya" seryosong sagot ko dito

"Fiancee kalang.. ako ang Mahal so Back off"

Napa yukom naman ako ng kamao sa sinabi nito

"Mamahalin nya din ako"sabi ko

"Hindi iyon mangyayare malori.. mahal ko si Rayleigh" sagot naman ni Beatrice

Tila libo libong karayom naman ang sumaksak sa dibdib ko sa sagot nya

At walang imik na iniwan nila ako sa kinatatayuan ko

Hindi ko alam kung ilang minuto ako naka tayo dun hanggang naramdaman ko nalang ang kamay na humawak sa balikat ko

"Ate.."

"May family dinner tayo mamaya sa mga Salvatore Malori.. pag uusapan ang kasal nyo ni Beatrice " basag ni ate sa katahimikan

Kasal??

Tama bang ikasal pa kami?? kung alam namin dalawa na ako lang ang may gusto nito?

Napapikit ako nang madiin at napa buntong hininga

Nang makatating kami sa tapat ng bahay namin ay dumeretsong baba agad ako at hindi inimik ang kapatid kong tinatawag ako

Maraming bumabati saking mga maid na hindi ko naman na pinag papansin

"Ma'am may problema po ba si ma'am Malori?" Rinig kong tanong ni manang sa kapatid ko

"Ah pagod po sya sa dami ng gawain sa school manang"rinig kong dahilan ni ate dito

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now