Chapter 11: Unsaid Feelings

17.7K 584 41
                                    

Chapter 11:



KELLY's POV




Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Steven.




is he serious? sigurado ba talaga sya sa sinabi nya?




mahihirapan lang sya.





"Sis mag kwento ka naman!" sigaw ni Amber mula sa kitchen nila.



nandito kasi ako ngayon sa bahay nya.


nagpahatid muna ako kay Steven dito. ayoko pa kasing umuwi saamin. for sure nakakulong lang naman ako sa kwarto ko at wala akong makakausap dun.



at syempre medyo na aawkward din ako kay Steven ng dahil sa ginawa nya kanina.






"Im not in the mood Amber." sagot ko sakanya at saka humiga sa malaking sofa dito sa salas nila at saka kinuha ang remote para buksan ang TV.



At ano ito? AdVICE ganda? ano namang klaseng palabas ito?




"Ok lang naman kasing buksan mo muli ang puso mo. pero this time. siguraduhin mong sa taong karapat dapat na." wika nung host kaya naman napakunot nalang ang aking mga kilay. 



teka nga. nananadya ba ang pagkakataon?



at sa daming pwede kong mapanood ay ito pa?



sa inis ay agad ko muling inabot ang remote at pinatay ang TV.




ang boring. kinuha ko nalamang yung donut na nakapatong sa lamesa at sinimulan itong kainin.





"Sis naman e. minsan na nga lang tayong magkasama tapos hindi kapa magsheshare saakin." then she pouted ng makalapit sya saakin.


GANGSTER HIGH 2Where stories live. Discover now