Chapter 5: He's finally Back

19.3K 615 130
                                    

Chapter 5:

Si Alexis sya!

sigurado ako. Nakatitig parin ako sa kanya.Ayokong tanggalin ang tingin ko sa kanya.

Ayokong maglaho nanaman sya ng bigla. Ayokong bigla nanaman syang mawala.

Ayaw paring tumigil ng mga luha ko. Ginagawa ko ang lahat para pigilan pero hindi ko magawa.

"Kelly tara na!" yaya saakin ni Amber pero hindi ko sya pinansin.

Patuloy parin akong nakatingin kay Alexis. Nakatayo lang sya doon. Parang hindi din nya alam kung saan sya pupunta.

"Kelly,let's g--" hindi na naituloy ni Steven ang sasabihin nya dahil agad kong hinawakan ang braso nya.

"Steven si Alexis!" tuwang tiwa kong sambit dito , Nagkasalubong ang mga kilay ni Steven ng marinig ang sinabi ko.

dali dali akonv tumayo at saka nagmadaling lumabas mula sa loob.

Kailangan kong puntahan si Alexis. Hindi nya ko pwedeng iwanan.

Walang ano anoy agad akong nagtatakbo sa kung nasasaan si Alexis.

Ang daming nakaharang na tao ngunit hinawi ko sila upang mas madali akong makadaan.

"Kelly!!" rinig kong sumisigaw si Steven pero hindi ko sya pinansin.

tanging si Alexis lamang ang laman ng utak ko ngayon. Si Alexis lang. Sya lang at wala ng iba.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko hanggang sa makarating na ako sa nooy kinaroroonan ni Alexis.

Agad kong inilibot ang mga mata ko. Im trying my best to find him.

Alexis nasaan kana ba?

Para akong mababaliw ng mga oras na iyon. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang yakapin at hagkan pero wala na sya.

Nahuli ako ng rating. Wala na sya doon. I failed...

"Alexis!" sigaw ko saka napaluhod sa kinatatayuan ko. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Otomatiko itong pumapatak mula sa mga mata ko.

MAya maya lang rin ay nakarinig ako ng kalampag ng mga sapatos na papalapit saakin.

"Kelly..." narinig ko ang boses nya na tinawag ang pangalan ko.

"A-Alexis..." wika ko at saka dahan dahan akong tumingala upang makita ang taong nasa harapan ko. Pero bago ko pa man magawa iyon ay bigla nalamang akong nawalan ng malay.

---

STEVEN's POV

"Dont tell her!" sigaw ko kay Amber habang patuloy na hinihamas ang buhok ni Kelly.

We're on our way home na. Kasalukuyan kaming nakasakay sa Van ni Amber.

"Steven we need to! Kita mo naman na halos mabaliw na si Kelly ng makita nya si Alexis!" sigaw rin nya saakin pabalik kaya lalong nag init ang ulo ko.

"So gusto mo syang umasa na babalik parin si Alexis sakanya ng dahil sa nangyari kanina??" inis kong bulyaw sakanya.

napa No sign nalang si Amber at saka huminga ng malalim.

Alam kong tama kung hindi nalang namin sasabihin kay Kelly ang mga nangyari kanina. Mas makakabuti iyon upang hindi na sya masaktan mulu at umasa

Ayokong sabihin sa kanya na dumating si Alexis sa kinaroroonan nya nung tawagin nya ang pangalan nito. Ayokong sabihin na si Alexis ang sumalo sakanya noong oras na nawalan sya ng malay.

Ayoko. Ayokong pumasok nanaman sa buhay namin si Alexis.

Napahinga na rin ako ng maluwag ng hindi na magsalita si Amber. Siguro ay naiintindihan na rin nya kung bakit kailangan gawin iyon.

GANGSTER HIGH 2Where stories live. Discover now