FINAL CHAPTER

72 2 0
                                    

Ilang taon na ring ang lumipas mula ng mawala si Raya, nandito ulit ako sa puntod niya para dalawin siya. Death anniversary niya ngayon, nilinis ko ang iilan na mga damo na nakapaligid aa puntod niya at nilagay ang dala dala kong bulaklak.

"Kamusta ka na Raya?"nakangiti kong tanong sa kanya, hindi na tulad noon. Kahit papaano ay unti unti ko ng natanggap ang pagkawala ni Raya. Noong unang mga buwan ko na bumalik sa Manila ay hindi ko pa matanggap ang pagkawala niya, lalo kong naramdaman ang sakit ng pagkawala niya at naging dahilan pa iyon para pansamantalang gumulo ang buhay ko. Napabayaan ko ang sarili ko pati na rin ang mga kagrupo ko,laking pasasalamat ko sa kanila dahil tinulungan ulit nila akong makabangon ulit.

Noong nilinis nila Mateo iyong gamit ni Raya na naiwan sa apartment ay ibinigay nito sa akin ang isang box kung nasaan naroon lahat ng mga nabili ni Raya na Merch ng grupo namin, mayroon din akong mga photocards doon ay gumawa pa siya ng scrapbook ko. Natatawa nga ako sa ibang mga nilagay niya doon na halata mong may halos inis na inis na sa akin. Ibinigay din ni Mateo iyong naka framenna portrait ko, iyon iyong 3rd single ko. Pinagpaint ako ni Raya pero mukhang hindi na niya iyon naibigay sa birthday ko.

Maraming taon na rin ang dumaan, nagpatuloy ako sa laban ng buhay, paminsan minsan ay kinakamusta ko ang pamilya ni Raya at kung may pagkakataon ay bumibisita ako. Regular din akong umuuwi sa CDO tuwing death anniversary ni Raya kaya madalas ay dito na ako nagpapaabot ng bagong taon.

Sa ngayon ay nadisband na ang grupo namin. Natapos na namin ang halos isa't kalahating dekadang pamamayagpag namin sa industriya, kahit na hindi na kami magkakasama ay kung minsan ay nakaka-usap usap pa rin kami. Nagkaroon na rin sila ng kanya kanyang pamilya at sarisariling business at trabaho.

Ipinagpatuloy ko ang Business ko na superiorson at naging successful ito na hanggang ngayon ay siyang business ko.

"Ikaw ah, hindi ka na dumadalaw sa panaginip ko. Nakakatampo ka na"sabi ko, kumain lang ako ng dala dala kong pagkain at kinakausap ang puntod ni Raya. Pagkatapos kong kumain ay kinuwentuhan ko lang ito at di ko na pala namalayan na nakatulog na ako habang nakasukob sa tuhod ko

"Raya, saan ka pupunta? Kanina kapa tumatakbo baka mapagod ka"hinihingal kong sabi kay Raya.

Parang nakikipaghabulan siya sa akin habang suot suot ang kulay brown na floral dress niya. Tuwang tuwa ito na nakikipaghabulan sa akin na parang hindi nakakaramdam ng pagod

"Ang bagal mo naman Ken"sabi nito saka umupo sa damuhan

"Ikaw itong sobrang bilis tumakbo"sabi ko at hingal na hingal pa rin mula sa kakatakbo

"Nagapagod ka na ba?"tanong nito saka ako hinawakan sa balikat

"Ikaw kasi eh, takbo ka ng takbo"sabi ko saka sumandal sa balikat niya. Naramdaman ko muli ang paghaplos ni Raya sa buhok ko at ang mahina niyang pagHum

"Huwag mo na kasi akong habulin Ken"rinig kong sabi niya ng malumanay habang hawak hawak sa isang kamay niya ang kamay ko

"Mapapagod ka lang sa kakatakbo, kung habang buhay mo akong hahabulin"napatingala ako sa kanya at nakita ko sa malapitan ang maamo noyang mukha na nakatingin at nakangiti sa akin

"Magpahinga ka na, huwag mo na akong habulin. Darating din ang panahon na madadatnan mo na ako, pangako pagdating ng panahon ay ako mismo ang tatakbo papalapit sa iyo, pero sa ngayon, kailangan mo ng magpahinga sa pagtakbo papunta sa akin"unti unting naglalaho si Raya sa paningin habang sinisigaw ko ang pangalan niya.

Nagising ako mula sa mahinang pagtapik sa balikat ko, napatingin ako sa paligid at magdidilim na.

"Daddy" Napatingin ako sa anak na karga karga ng asawa ko . Pinunasan ko ang luha na tumulo na pala sa mga mata ko.

"Napanaginipan mo na naman siya?"nakangiting tanong nito atsaka ibinaba si Chastine, ang anak namin. Inilapag ni Christine ang  bulaklak sa tabi ng puntod ni Raya saka nagsindi ng kandila. Nagdasal pa ito bago bumaling ulit sa akin

"Sabi ko na at nakatulog ka ulit dito kaya pinuntahan ka na namin ni Chastine"sabi niya

"Pasensya na, nakatulog kasi ako" sabi ko at tumayo na para pagpagan ang gamit ko

"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Atsaka ngayon mo lang nakakasama at nakakakwentuhan ang puntod ni Raya "sabi nito. Tumayo na kami para magligpit na ng gamit, uuwi kami sa lumang bahay namin noon na ginawa na naming bahay bakasyunan tuwing umuuwi kami ng CDO.
5years ago ay nakilala ko si Tine at pagkatapos naming ikasal ay biniyayaan kami ng anak na babae,pinangalanan namin siyang Chastine Hiraya Suson.

Ayos lang kay  Tine na isunod ko ang second name ng anak namin kay Hiraya, alam niya ang naging kwento ng pagkakaibigan namin ni Raya at ang kahalagahan niya sa akin. Si Chastine ang naging hiraya ko, ang bumuo sa mga pangarap at panaginip ko, ang anak namin ni Tine.

Bago kami umalis ay muli muna akong nagaalay ng dasal kay Raya at sa huling pagkakataon ay tahimik siyang kinausap.

"Hiraya.."

"ang pangalan mo ang aking naging lakas upang makamit ko ang mga pangarap at hangarin ng aking puso... Salamat dahil alam kong hanggang ngayon ay nakagabay ka pa rin sa amin. Hanggang muli nating pagkikita ulit. Paalam, Raya ...."

Tumalikod na ako ay inaya na ang mag-ina ko para sumakay sa sasakyan. Bago kami tuluyang makaalis ay tinanaw ko muna ang puntod ni Raya sa huling pagkakataon.

Sa susunod na buwan ay lilipad na kami papuntang Canada para doon manirahan ng pamilya ko. Maaring heto na muna ang huling pagkakataon ko na makasama at makadalaw sa puntod ni Raya, pangako ko sa Ikalawang pagkakataon, babalik ako...

-END-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIRAYAWhere stories live. Discover now