Kabanata 2

103 3 0
                                    

"Raya gusto mo?" iniabot sa akin ni Mateo ang buko juice na nabili niya. Nandito kami ngayon sa bayan para magpaprint ng application form. Noong isang araw kasi ay pinuntahan kami ni Tita Helen, iyong mama ni Mira. Naghahanap daw ang kaibigan nito sa Maynila ng maaring mamasukan sa bagong bukas nitong restaurant kaya agad kaming nirekomenda ni Tita Helen dito. 

"Salamat Mateo, sa tingin mo ba ay magiging ayos lang tayo sa Maynila?" tanong ko. Nag-aalala kasi ako na sobrang laki ng Maynila at wala pa kaming kilala doon, kung sakali man na may mangyari sa aming masama ay malayo ang mga pamilya namin sa amin.

"Oo naman, magkasama naman tayo doon hindi kita papabayaan doon edi sinuntok ako ng Kuya Timotheo mo pag pinabayaan kita at pag nakauwi ako dito na hindi ka kasama"natatawa pa nitong sagot sa akin kaya napangiti nalang din ako.

Halos isang linggo ko din pinilit si Nanay na pumayag dahil ayaw niya akong payagan magtrabaho ng malayo sa kanila, kung hindi lang siya kinausap ni Kuya at Tatay ay hindi pa ito mapapapayag. Naalala ko pang napagsabihan ni Kuya si Nanay dahil ayaw nito akong payagan na umalis.

" Nay, bente quatro na si Raya, kaya na niya ang sarili niya. Pasalamat nalang tayo at may oportunidad na nagbukas para makapagtrabaho siya sa Maynila. Hayaan niyo si Raya na buuin ang mga pangarap niya, kung makakatulong ang pagtratrabaho niya sa Maynila para maiahon ang kinabukasan niya at tayo, hayaan niyo siya." sabi ni Kuya. 

"Lumeng tama si Timotheo, hayaan mo na si Raya na makalabas dito sa lugar natin lalo na at gusto rin ni Raya ang lumawas para makapagtrabaho sa lungsod" mahinahon na sabi ni Tatay, napabuntong hininga na lamang si Nanay bago magsalita.

"Pwede naman siyang lumuwas ng karatig bayan okaya ay sa Cebu na mas malapit naman dito sa atin kaysa sa pumunta pa siya ng Luzon" pangungulit pa ni Nanay kina Kuya at Tatay.

"Nay mas malaki po ang maaring oportunidad na magbukas sa akin sa Maynila atsaka maraming trabaho po doon na mapapasukan, hindi na ako mamromroblema sa plane ticket dahil sagot na iyon ni Ma'am Joan"ako na ang nagsalita dahil kanina pa sina Kuya at Tatay ang nagpipilit kay Nanay.

"Hiraya... Malaki at magulo ang Maynila, hindi ka sanay sa malalaking mga lungsod ang inaalala ko lang ang kaligtasan mo roon lalo na at hindi ka naman namin mapupuntahan agad kung sakali mang nasa panganib ka"ramdam ko ang pag-aalala ni Nanay sa akin ngunit naisip ko na nais kong makapunta ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay.

"Lumeng, malaki na ang anak mo. Hayaan mo na siyang matuto at tumayo sa sarili niyang mga paa" sabat ni Tatay at hinawakan na mula sa likuran ang balikat ni Nanay.

"Raya pwede ka namang mamasukan nalang dito sa Cagayan de Oro, sa bayan kung nanaisin mo o kung gusto mo na lumabas ng Cagayan ay maaring sa Cebu o sa Bacolod na di hamak na mas malapit sa atin kaysa sa magtungo ka pa sa Maynila......anak sobrang layo ng Maynila"pagmamakaawa nito.

"Nay payagan na ho ninyo ako, hindi lang naman po ito para sa akin, para din po sa inyo. Mas marami po akong maaring mapasukan sa Maynila matututo rin po akong mamuhay ng mag-isa roon. Nakiki-usap po ako Nay, huwag kayong mag-alala na sa oras na may hindi maganda ang mangyari sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na umuwi dito sa Cagayan" huling sambit ko.

----

Matagal na paki-usapan din ang nangyari bago ako tuluyang payagan ni Nanay, Inabutan na nga kami ng gabi sa pag-uusap bago namin ito mapa-Oo.

 Iniaabot na sa akin ni Mateo ang ipinaprint namin na Application Form. Dadalhin na daw namin ito para maibigay pagkadating namin sa Maynila. Tinanggap na kami agad dahil kaibigan ni Tita Helen noong nangibang bansa siya ang may-ari ng restaurant na papasukan namin, malaki ang tiwala nito kay Tita kaya agad na kaming pinasok.

HIRAYAWhere stories live. Discover now