KABANATA 9

39 2 0
                                    

Mabuti nalang at kabisado ko na kahit papaano ang mga daan at lugar dito. Sumakay nalang ako ng Grab dahil pahirapan ang pagpila sa jeep at baka hindi ako makarating ng maaga.

Tumigil ang grab sa event place kung saan binigay ni Josh na address sa akin. Private event place iyon na may dalawang swimming pool at mga rooms for guests. Dahil sa sikat na sila kaya private place na ang kinuha nila dahil mahirap na rin kung sa mga public sila pupunta lalo na within Manila lang .

Ipinakita ko ang invitation na ibinigay ni Josh sa guard kaya nakapasok na agad ako.

"Rayaaa!" napatingin ako sa tumawag sa akin, mga staffs din na naging kaclose ko na.

"Tara sabay sabay na tayong pumunta sa loob" sabi ni Yuri sa akin.

Nang makapasok kami sa loob ay halos andoon na rin ang ibang mga staffs na ka close nila at ibang mga bisita. Nakita ko din ang parents ng ibang members pero wala pa ang ibang mga members tanging si Pablo, Josh at Stell palang ang nandoon.

"Grabi Raya muntik ka na namin di makilala" sabi ni Glen sa akin na kasamahan nina Yuri

"hindi lang siguro kayo sanay na nakikita ako na naka dress" sambit ko

"Oo nga eh, saka ang ganda mo lalo kapag naayusan"sabi ni Yuri

Nakaupo kami sa isang pahabang mesa kung nasaan din ang ibang mga staffs malapit sa may unahan. Unti unti na rin nagsisidatingan ang mga bisita ni Josh, sa tingin ko ay hindi ganoon karami ang pupunta dahil sa mga mesa at upuan na siguro ay nasa 40-50 lamang.

"Uuwi ka ba mamaya Raya?" Tanong ni Yuri sa akin

"Hindi ako sure, siguro kung may masasakyan pa ako"sabi ko.

Halos hindi na rin ako gaano nakalapit kay Josh dahil madalas ay may kumakausap dito kaya mamaya ko nalang siguro ito pupuntahan at babatiin. Si Stell ang siyang nakausap ko kanina dahil nagpunta ito sa may side namin, nakakatuwa nga dahil kwento siya ng kwentoa at mukhang hyper na naman siyang magpatawa

Nang magsimula na ang celebration ay niLead iyon ng mga kaibigan ni Josh sa pag eemcee, nakakatuwa nga dahil sobrang lively at saya ng birthday celebration niya. Nagkantahan pa at may mga on the spot performance kaya sobrang nakaka enjoy

"Naku at heto po may late tayo na bisita" natatawang sabi ng Emcee. Napatingin kami sa papasok pa lang na si Ken kasama si Kuro na karga karga niya. Pinalapit nila si Ken sa harap at nagtatawanan

"Hulaan ko usapan natin 7pm diba , 8pm ka naligo no" natatawang tanong sa kanya,natawa naman ito at nagsalita

"8:30 "sabi nito saka sila nagtawanan.Pinuntahan muna ni Ken si Josh siguro ay binati niya ito bago ito umupo sa may side nila Pablo at Stell.

Napabalikwas lamang ako ng tingin mula kina Ken ng kausapin ako bigla ni Yuri  na nasa tabi ko at nagkwento lang ng kung ano ano kaya nakinig na ako dito.

Kumain lang kami after ng short presentations ng mga kaibigan ni Josh, meron pa ring music habang kumakain kami at kung minsan ay may mga kumakanta. Nang makita ko si Josh na tumayo at mukhang pupunta doon sa may garden ay nagexcuse ako sa mga kasama ko bitbit ang paper bag na naglalaman ng regalo ko. Dumaan nalang ako sa may likod kung saan matatakpan ako ng mga bushes at iilan na puno, may daan kasi doon papunta sa kung saan pupunta si Josh, mukhang magpapahangin ito.

"Josh!"tawag ko, napalingon naman ito sa gawi ko kaya naglakad ako papalapit sa kanya

"Happy birthday nga pala! Hindi na kita nalapitan kaninang maaga " bati ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin at nagpasalamat

"Gift ko nga pala" sabay abot ko ng paper bag na dala dala ko.

"Naku nag abala ka pa na magbigay ng regalo, pero salamat Raya" sabi nito atsaka kinuha ang paper bag na dala ko. Nakita ko ang ngiti nito habang bitbit ang paper bag na dala ko.

HIRAYAWhere stories live. Discover now