KABANATA 5

59 3 0
                                    

"Raya paki linis naman yung The Zone" bilin sa akin ni Maam Rose ng mapadaan ito sa tabi ko. Ngumiti lang ako at binitbit ang mga panlinis para masimulan ko ng linisin ang practice room dahil maya maya lamang ay naroon na ang SB19 para magpractice at isa pa ay ayokong madatnan nila ako na naroon lalo na si Ken.

Hindi naman gaanong madumi sa studio kaya halos nagmop lang ako at nilinis ang salamin at nagspray ng air freshener napatigil ako sa pagspray ng pumasok si Josh na may bitbit na gym bag.

"Ako palang pala ang nandito" sabi nito sabay lapag ng kanyang bag sa sofa. Tumango naman ako dahil nakatingin ito sa akin baka akalain pa niya na iniisnob'an ko siya. Pumunta naman ako sa may aircon para buksan ito, mabuti nalang at hindi pa napadami ang air freshener na naiSpray ko hindi ko naman alam na may maagang pupunta dito.

"gusto mo ba na buksan ko muna ang mga bintana para mawala ang amoy?"tanong ko ng mapansin kong nagkusot ito ng ilong .

"Ah hindi na, okay lang sinisipon lang talaga ako"sabi nito. Binuksan nito ang supot ng plastic na hawak din niya kanina at nakita kong may laman itong double hamburger at dalawang iced tea.

"Raya heto oh tag-isa tayo" nahiya tuloy ako ng abutan niya ako ng hamburger at iced tea, mukhang nakita nya ako na nakatingin.

"Ayos lang sir" hindi ko pa sana iyon tanggapin ang kaso ay inilapag na niya iyon sa tabi ko.

"Binili ko talaga sa iyo yan sabi ko incase na maabutan kitang naglilinis sa studio,para na rin sa paglilinis mo doon sa natapon ko noong isang araw" sabi nito saka na bumalik sa inuupuan niya kanina

"Atsaka di ba sabi ko Josh nalang itawag mo sa akin, feel ko kasi ang tanda tanda ko na pag tinatawag mo akong Sir" sabi pa nito na napakamot pa ng batok. Ngumiti lang ako atsaka nagpasalamat sa binigay niya.

"Kainin mo na iyan habang maiinit pa ang hamburger at di pa tunaw ang iced" sabi nito sabay kagat sa hamburger na kinakain niya. Nahiya akong kumain lalo na at tagalinis lang ako at makikisabay akong kumain sa kanya, hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.

"Huwag ka ng mahiya, tayo lang naman nandito" sabi nito. Inuna kong inumin iyong iced tea atsaka na kumain din ng hamburger.

"Tuwing Saturday at Sunday lang kita madalas makita dito. Hindi ka regular na nagtratrabaho dito?"tanong nito sa akin

"hindi eh. Regular na crew ako sa restaurant sa Poblacion bali tuwing wala akong sched na Saturday at Sunday ay dito ako sa inyo bilang janitress"tugon ko.

"Ang sipag mo naman. Naalala ko tuloy noon ganyan din ako na iba iba ang pinasukan na trabaho para lang matustusan ang pamumuhay ko" sabi nito. Iyon siguro ang napanood ko sa interview nya noon na kinukwento nya kung paano ang buhay niya bago ito sumikat.

"Taga dito ka ba talaga?"tanong nito. Umiling naman ako

"Taga CDO" sabi ko.

"Talaga? Doon din si Ken ah!" napatingin naman ako sa kanya at hinihiling ko sana ay maiba ang topic namin. Ayoko na malaman nya na close kami ni Ken at magkakilala kami katulad ng sinabi ni Ken sa akin.

"Ah talaga ba?hindi ko alam eh" iyon nalamang ang isinagot ko para hindi na ito magtanong.

Nagkwentuhan lang kami habang inuubos namin ang dala niya, minsan ay nagkukwento ito ng nakakatawa kaya hindi ko rin maiwasan na matawa at makalimutan ang hiya ko. Minsan ay tutuksuhin ako nito na tumatawa din daw pala ako dahil madalas ay sobrang tahimik ko daw tuwing makikita niya. Halos ilang linggo palang ako dito at unang nagapproach talaga sa akin ay si Josh dahil madalas siya ang nauuna sa studio. Natahimik lang kami ng sumunod na dumating si Stell nagkwentuhan na rin kasi silang dalawa kaya nagpaalam na ako.

HIRAYAWhere stories live. Discover now