♕︎ 𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰𝑰 ♕︎

Start from the beginning
                                    

"Maganda ang iyong suhestiyon, Prinsesa Gretude kaya inaatasan kong ikaw ang mamuno sa gagawing paglutas ng problemang kinahaharap ng bayan ng Dimitri. Makakaasa ba ako na gagawin mo ito ng bukal sa iyong loob at walang mangyayaring aberya?" Ngayon ay kita na sa aking mukha ang gulat. Nagsuhestiyon lang naman ako pero bakit ako na ang inatasan sa pagsulusyon ng problema? The heck? Pero maaring isa ito sa maging dahilan upang hindi mangyari ang nakatakdang pagpaslang sa akin. Kung makukuha ko ang loob nila ay bababa ang tsansa na mangyari ang kinatatakutan ko.

"Opo, buong puso ko pong tinatanggap ang tungkuling ito. Maraming salamat po, Amang Hari." Sabi ko habang nakatayo sabay yuko nang may paggalang. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko siyang may maliit na ngiti sa labi. Tumayo na sila at iniwan akong nakatayo roon. Huling umalis si Geneva. Tiningnan niya ako ng pagkasama-sama sabay talikod. Panget ka parin, charr.

Pagtapos ng tagpong iyon ay pumunta na ako sa aking study room upang mapag-aralan na ang mga hakbang sa pasulusyon ng tagtuyot. Nagsulat na ako ng mga kinakailangang impormasyon at iba pang nararapat na gawin. Sumulat na rin ako sa mga magagaling na eksperto upang matulungan ako sa pagpaplano. Bukas na bukas ay tatrabahuhin ko na ito kasama ang mga sinulatan kong agrikulturistiko. Nung natapos ako sa aking ginagawa ay lumabas muna ako para magpahangin. Alam ko may tinatambayan rito si Gretude na nabanggit sa kwento. Naisipan kong pumunta roon.

Tama nga ang hinala ko. Nandito ako ngayon sa kabilang parte ng hardin kung saan tago ito at mukhang si Gretude lang ang nakakaalam. Isa itong waterfalls na napakalinaw ng tubig. Makikita mo ang mga isdang naglalanguyan sa ilalim. Mukhang mababaw rin ang lebel ng tubig kaya pwedeng pwede maligo. Sa paligid ay nagtatayuan ang mga puno ng mansanas. Pumitas ako roon ng iilan upang may makain ako. Umihip ang napakasariwang hangin na parang yumayakap sa aking katawan. Ha, ang sarap dito. Now I know why Gretude love this secret place. It's so peaceful here.

Sa kaliwang banda ng bush ay may narinig akong kaluskos. T-teka, kaluskos? Nako nako nako! Baka ahas na yan, wag naman sana. Mabagal akong lumingon sa parte kung saan ko narinig ang kaluskos. Naghintay ako sa kung anumang lalabas doon, mamaya ay may isang itim na kung ano ang lumundag papunta sa akin. Hindi na ako nakailag kaya sumigaw nalang ako.

"Aaaaaah!" Tumilapon ang kinakain kong mansanas pero hindi naroon ang aking atensyon. Nasa nakadagan sa akin. Pagkahawak ko ay malambot ito. Dumilat ako at nung tingnan ko ito, isa palang pusang itim. Kakaiba ang mga mata nito. Kulay pula, it reminds me of the eyes of the crown prince. Ang balahibo'y kasing itim ng buhok ng prinsipe. Hmm, hindi kaya'y alaga niya ito? Customized para matchy matchy sila? Charr walang ganun.

"Hello there, kitty. Where's your hooman?" Parang baliw na tanong ko sa pusa. As if naman na sasagutin nito ang tanong ko. Napansin kong may sugat ito sa kaliwang kamay kaya agad kong kinuha ang aking panyo upang ibalot ito sa pusa. Kakaiba 'tong pusang ito. Ni hindi man lang ngumiyaw kahit may sugat na.

Hinayaan lang nito na gawin ko ang pagbabalot sa kaniyang kamay. Nang matapos na ay humiga ito na parang matutulog. Cute. Ampunin ko kaya ito? Kaso baka nga sa Crown Prince ito kaya huwag nalang. Hinihimas-himas ko ang kaniyang balahibo kasi napakalambot nito. Parang gusto ko siyang halikan ng paulit-ulit. Kaya di na ako nag-atubiling ibaba ang aking mukha para halikan ito. Para namang nagulat ang pusa sa ginawa ko kaya bigla na lamang itong tumakbo. Ay hala, mabaho ba hininga ko? Char nagsipilyo ako, no!

Napagpasyahan ko nang bumalik sa aking silid dahil dumidilim na ang paligid. Sa isang bahagi ng hallway, may nahagip akong pigura ng isang tao. Dahil curious ang ate niyo, pinuntahan ko ito. Pagkatingin ko ay ang Mahal na Prinsipe pala.

"Pagbati, Mahal na Prinsipe Conrad." Yukong may galang habang nakahawak sa gilid ng aking bestida. Nabigla siya kaya napaiktad siya at napatingin sa akin. Edi nagulat din ako, multo ba ako para magulat ka?

"Ikaw pala, Prinsesa Gretude." Ay hindi ako 'to, hindi pramis. Nagkakamali ka. Sarkastikong tugon ko sa aking sarili. Bakit parang namumula siya? May sakit ba siya?

"Tila may sakit ka Mahal na Prinsipe. Ika'y namumula. Do you have a fever or something?" Akma kong hahawakan ang kaniyang noo ngunit agad niyang iniwas ang aking kamay. Ay maldito? Ako na nga concern eh. Edi don't!

"Wala ito. Mauna na ako sa iyo, Prinsesa." Sabay talikod niya ng mabilis. Habang naglalakad siya ay may telang nalaglag.

"Mahal na Prinsipe, may nalaglag!" Hindi na niya ako narinig. Nilapitan ko ang telang nalaglag and to my surprise, ito yung panyong binilot ko sa pusang itim na may sugat kanina. So sa kaniya nga ang pusang iyon? Hala, hinalikan ko pa! Nakakahiya!

𝑬𝑵𝑫 𝑶𝑭 𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰𝑰

A/N: Hello ka-harties! Since natutuwa ako kasi may mga nagnonotif sa akin na nilalagay niyo ang story na ito sa inyong reading list, I decided to update. Nakakatuwa kasi may mga nakaabang sa chapters na ia-update ko. Thank you so much for the reads! Lovelotsss <3

Don't forget to vote and comment! 💛

The Wicked PrincessWhere stories live. Discover now