♕︎ 𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰 ♕︎

137 13 0
                                    

𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰

I'm so tired walking at this never ending hallway. Kanina pa ako palakad-lakad na animo'y walang patutunguhan. Ni wala man lang akong taong nadaanan para pagtanungan kung saan ang direksyon papunta sa aking silid. What kind of big castle is this?

Habang patuloy na naglalakad, may napansin akong bukana sa bandang gilid ng daan. Mabagal akong tumakbo upang tingnan kung ano ang nasa labas noon. Pagkarating ko sa bukana ay tumambad sa akin ang napakagandang hardin. It has a arch pathway with lots of leaves suround it. Nagsimula akong maglakad sa daanan. I'm really enjoying the view as well as the red roses at the both side of the pathway. Kung maaari lang akong pumitas ay kanina ko pa ginawa ngunit hindi naman ako ang nagtanim at nagmamay-ari nito kaya baka may magalit. Narating ko na ang dulo ng daan at mas lalo pa akong namangha sa nakita ko. At the end of the path, you can see a wide vast grass and in the middle is a huge elegant fountain. Ito ay may mga marmol na anghel na may hawak na banga. Korteng parang sila ang nagbubuhos ng tubig sa mismong fountain. The water is so clear that you think you can drink it. There are lots of green walls with red roses in it. At the other side of the garden you can see a glass house with table and chairs inside.

In short, sobrang ganda ng garden na ito. I think ito rin yung garden na natatanaw ko sa aking balkonahe sa kwarto. Sino kaya ang nagmamay-ari nito.

Suddenly, I heard a faint voices coming from the pathway through the garden. Mga malamyos na tawanan ng mga babae. Sino naman kaya ang mga iyon? They appeared in front of me and as they lay their eyes on me, their expression became dim. Oh, ano naman ang ginawa ko sa mga ito? Kung masama na ang tingin sakin ng dalawang babae, mas lalo pang masama ang tingin sa akin ng nasa gitnang babae. Well, she's kinda pretty, though. Long pink curly hair. Amber colored doe eyes. Red lips na halatang lipstick. And a extravagant light blue dress. I just stare at them, and they do the same plus the nakakamatay na tingin.

"What are you doing in my garden, Gret?" Oh, she knows me but I don't know her. Siya yung may pink na buhok. Sino ba siya? Bakit hindi ko maalala?

"And bakit nagising ka pa? Sana hindi na. Kulang ata ang nilagay kong lason sa iyong tsaa noon?" Sabay ngiting mapang-asar. Now I know who she is. My little sister in this novel. The heck, I forgot about that.

"Oh, why so silent? Nasunog ba ng lason yang dil-" hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin dahil inunahan ko na siya.

"You know what? Shut the stinky mouth of yours. You're spitting nonesense my dear little sister." Emphasizing the "dear little sister"

Irritation is now evident in her face. Ang daldal kasi, tsk. Tahimik lang ang mga katabi niya. Halatang ayaw makisali sa away magkapatid.

"What did you just say?" Inis na tanong niya. Tingnan mo ito, naging bingi pa. Ang linaw linaw ng sinabi ko tapos magtatanong pa siya kung ano raw, hays.

Di ko na siya sinagot at tinalikuran ko na lang siya. Ang ganda na ng paglilibot ko rito tapos biglang may umentrada. Akmang dadaan na ako sa gilid nila upang umalis ngunit mahigpit niyang hinawakan ang aking braso para hindi makaalis.

"And where do you think you're going? Hindi pa kita tapos kausapin. You act like you're not a noble, disgusting."

"Can you put away your dirty hands off me? I'm your older sister and it should be normal that you respect me." Naiinis na ring turan ko sa kanya.

"Wow, really? I think respect should be earned and you will never earn mine." Edi don't, pinipilit ka ba? Tsk ang sakit na ng braso ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Hindi ko na matiis kaya pwersahan kong binawi yung braso ko na siyang naging dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa damuhan.

"You----!" Di na niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil may nagsalita galing sa aking likuran.

The Wicked PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora