CHAPTER 4 - Frustration

Start from the beginning
                                    

The woman giggled. "You, my dear, Gemini, will make my playboy son, Aidan, fall deeply and madly in love with you."

Halos mahulog ang panga niya sa narinig. "Ho?!"

"Kaya mo yan, hija. Maganda ka naman e. Tinatago mo lang."

Gemini was hyperventilating. "Tita, baka sobra na po ang ginagawa na'tin. I have nothing against my Boss, Aidan, kaya naman hindi ko yata magagawa ang gusto niyong ipagawa sa'kin—"

"Oh, silly girl." Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. "You can do it. May tiwala ako sa'yo. Wala rin naman akong galit sa anak ko. Gusto ko lang siyang matutong maging responsabli pagdating sa mga babae. I saw many women cry because of my son, kaya ginagawa ko 'to. I just want him to know love and experience it."

"Isang huwad na pag-ibig ang mararanasan niya." Aniya sa malungkot na boses.

"Please, Gemini," Aidan's mother is now begging. "Please, pagbigyan mo ang gusto ko. In return, tutubusin ko ang rancho niya sa Cebu at hindi na kita sisingilin pa. Please, just do this for me."

Gemini sighed heavily. "Tita," napailing-iling siya, "what could you possibly gain by doing this to your son."

"Gemini, I am a mother. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ang anak ko. And mother knows best, alam ko kung ano ang makabubuti para sa anak ko."

"At ito 'yon?"

"I have a plan, Gemini, and we have a deal. Just do your end of the deal."

Tumango siya na parang nasa harapan lang niya ang kausap. "Okay po. Pero huli na 'to. I'll be lady masquerade and I will make him fall for me, after this babalik na ako sa Cebu para ayusin ang Rancho namin."

Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Salamat, hija."

Nang mawala ang ginang sa kabilang linya, humugot ng isang malalim na buntong hininga si Gemini at tumingin sa pinto ng opisina ni Aidan. Ayaw niya pero kailangan niyang gawin para mabawi ang Rancho ng pamilya niya. Iyon na lang ang natitirang ari-arian na pag-aari nila at gusto niyang maibalik iyon sa kamay nila.

Kaya lang naman nila iyon naisangla dahil nagkasakit ang ina niya ng cancer pero nawala rin naman ito.

Maraming tao ang nagsasabi na sayang daw ang perang ginastos nila, pero para sa kanila, hindi iyon sayang. Dahil nakasama pa nila ng matagal-tagal ang mommy niya at sapat na iyon na kapalit sa pera na ginastos nila.

Tumingin siya sa polo na suot. Naiiling na binuksan niya ang dalawang butones para makita ang cleavage niya.

Ayos lang kagabi na maghubad siya sa harap ni Aidan dahil may maskara naman siyang suot, pero ngayon?

Hindi makapaniwalang umiling-iling siya at humarap sa monitor ng computer niya at nagtanong kay Google kung paano mang-akit ng lalaki. Lots of articles and blogs about 'how seduce a man' came out. Pero isa lang ang nakakuha sa atensiyon niya.

'Seducing a man is easy, but seducing a man's heart is very hard. I, myself, have already seduced a man into loving me. And here are the steps that guide me to the loving arms of my beloved husband.

Step 1: Don't come on too strong. Be smooth. Be confident. Be sexy. Give him a vibe that says 'I'm interested to give you a blow job but I'm too good for you to do that'. Play hard to get. Learn the different kinds of smile that will make him think of you while he is lying in his bed alone at night. Remember, always be yourself. Men like women who are natural and fun to be with. Be that woman and if this works, visit my blog again and read step 2.

Babasahin sana niya ang step 2 ng tumunog ang intercom at narinig niya ang boses ni Aidan mula roon.

"Gemini, come to my office. Now!"

LADY MASQUERADE Where stories live. Discover now