Nagkibit balikat ako, maging ako rin naman ay hindi ko rin naman gusto na pinegpestyahan ang pangalan ko. Kaya hindi ko rin siya masisisi.
Pagkatapos kumain ay umalis na rin ako at bumalik sa aking sumunod na klase. May dalawang major subject lang ako na kailangan pasukin bago makauwi. Napailing nalang ako bakas naman kasi sa mukha ng mga babaeng nadadaanan ko ang kakaibang emosyon. Anong nangyari sa kanila? Kung gusto nilang lamunin ng buo ang lalaking 'yon edi sana ginawa na nila! Hindi ko rin naman 'yon type no!
Dumaan ang ilang araw at tuluyan na nga akong hindi nagpakita sa lalaking 'yon. Ewan ko kung nakakahalata na ito dahil palagi itong tumatawag pero hindi ko naman sinasagot. Kapag nasa University naman ay umiiwas din ako, para akong baliw na umiiwas sa taong may nakakahawang sakit.
Araw ng byernes ngayon at ako na naman mag-isa ang naglalakad sa malawak na coridor. Maingay dahil uwian na naman ako lang mag-isa ang mag ba-byahe ngayon dahil nauna ng umuwi si Bellis. Ewan ko sa babaeng 'yon nagdududa na rin ako kung bakit palaging wala sa sarili at kung minsan ay hindi kami sabay umuwi. Bigla siyang nagbago madalas na rin ang pagiging tulala niya at hindi ko alam kung bakit.
"Sahana?!" Napakunot ang aking noo ng makarinig ng pamilyar na boses. Napakagat ako sa aking pang ibabang labi at mas binilisan ang aking paglalakad. Tangina ngayon pa talaga!
"Sahana Gabriella!" Muling pag tawag nito sa pangalan ko. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili dahil agad na akong tumakbo palayo. Pero sadyang malaki talaga ang biyas niya dahil agad nito akong naabutan. Walang kahirap-hirap nito akong pinaharap sa kanya kaya sumalubong sa aking paningin ang nakakunot noong mga kilay nito.
"Ano ba!" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Ewan ko kung guni-guni ko lang dahil mukhang siya pa 'tong galit. Aba! Siya na nga itong basta-basta nalang nanghihila!
"Ano ba ang kailangan mo?!" Napatingin ako sa paligid. Medyo tago at mabuti nalang at wala masyadong tao sa paligid.
"Are you avoiding me?" Seryosong tanong nito sa akin habang mariing tumitig sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras at pilit na pinapakalma ang aking sarili.
"H-hindi. Bitawan mo nga ako!" Pilit kung kinukuha ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Dahil mukha na akong nababaliw dahil parang biglang nagsiliparan sa buong katawan ko nang bigla niya akong hinawakan.
"You didn't answer my call!" Mariing ani niya.
"Oh tapos? Sa tinatamad lang talaga akong kausapin ka eh. Pakealam mo ba?" Inirapan ko siya. Natahimik ako ng makitang umigting ang panga nito dahil sagot ko. Pihado ata ako sa lalaking 'to. Kailangan ko ng umalis!
"Mauna na ako busy pa ako eh." Paalam ko at akmang aalis ng bigla nitong hinawakan ang aking kamay. Agad ko 'yong hinablot dahil agad na bumalik ang kakaibang naramdaman ko kanina.
"W-wait." Parang bigla siyang nataranta na ikinakunot ng noo ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit na naman Ulysses? Nagmamadali ako mahal ang oras ko kaya tigilan mo ako ha." He looked so shock habang nakatingin sa akin. Nagtataka na ako sa inaakto niya, para siyang natuklaw ng ahas dahil sa reaksyon niya.
"What did you said?" Aniya, lumapit pa ito sa akin na ikinalunok ko. Ilang hibla nalang kasi ang layo namin sa isa't isa.
"H-huh? Sabi ko nagmamadali ako kaya tigilan mo na ako." Napakunot ang noo ko nang sunod-sunod siyang umiling.
"Not that. Can you repeat what you just called me?" Ang alin ba ang tinutukoy nito? Iyon bang pangalan niya na binanggit ko kanina?
"Come on just said it." Tunog desperado ang pananalita niya na mas lalong ipinagtataka ko. Ano ba ang nangyari sa lalaking 'to?
VOCÊ ESTÁ LENDO
Endlessly Yours
Ficção GeralUnited Series #2 ULYSSES CONSUNJI Sahana Gabriella Montejo a powerful woman who does not enjoy becoming a carbon copy of another woman. She is wealthy, therefore she can get whatever she wants. Ulysses Consunji, the Consunji clan's mysterious and so...
Chapter 3
Começar do início
