Chapter 3

260 7 0
                                        

Dumating ang lunes ngunit hindi kagaya nong last week ay para akong zombie habang papasok ng paaralan. I greeted back to those people na bumabati sa akin at ngingitian ang mga taong nakakasalubong ko kahit hindi nila ako binati. Well, my morning is good now.

"What's wrong with them Carla?" Tanong ko sa kaklase kung si Carla. Nagtataka kasi ako dahil paglasok ko palang sa room ay makahulugang tingin na ang ibinungad nila sa akin. Para akong nakagawa ng malaking kasalanan dahil sa mga tingin na binabato nila sa akin.

"Ahh ano kasi Sahana, they say na bakit mo raw nilalandi si Ulysses if you already have a boyfriend na." Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Si Ulysses nilalandi ko? How?

Speaking of the devil binlock ko na ang number ng lokong 'yon dahil sobrang yaman naman pala ng loko. Ayon pa kay Heti na kaibigan ni Bellis na pumunta kahapon sa bahay ay nabibilang daw ang pamilya nila sa mga makapangyarihang pamilya around the world. So the 50 thousands is nothing but a pocket money nalang ng lalaking 'yon, kumabaga ay piso nalang para sa kanya.

"What do you mean by that? At saan niyo naman nakuha ang balita na nilalandi ko ang lalaking 'yon? I can't remember anything na nilalandi ko siya." Nilakasan ko ang boses ko para naman marinig ng mga marites kung kaklase ang sasabihin ko.

Akala ata nila ay uurungan ko sila. Hell no! Never! Wala sa dugo namin ang hindi palaban. Maybe Bellis is innocent and kind pero kapag nasasagad na ang pinsan kung 'yon ay nagiging maldita rin.

"Diba magkasama kayo ni Ulysses last week, balita sa buong University na you and him are already dating." Hindi makapaniwalang napailing nalang ako sa sinabi ni Carla.

Gosh! I can't believe this. Akala ko ay may class ang estudyante sa UMU may pagka marites din pala ang mga 'to.

"Well, mali ang nasagap niyong balita maybe good luck next time baka tumama kayo."  Malditang ani ko saka inilabas ang libro ko.

Pagsapit ng lunch time ay sa garden na ako dumeretso may dala akong baon sa kadahilanang masasayang lang ang pagkain na niluto namin ni Bellis kanina kapag hindi nakain. Wala pang tao sa Garden mag-isa lang akong naghintay kay Bellis at sa kaibigan nitong si Heti. Magaan ang loob ko sa baklang 'yon siguro may similarities kami sa pag uugali at kakapalan ng mukha kaya ko siya nagugustuhan.

"Kanina ka pa rito?" Umangat ang mukha ko at doon ko nakita si Bellis kasama si Heti.

"Hindi naman, karatating ko lang din." Ngumiti ako.

"Pasensya kana dumaan kasi kami ng cafeteria para bumili ng maiinom." Tiningnan ko ang dala ni Heti na tatlong orange juice.

"Let's eat na gutom na ako." Ani ko saka inilabas ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain kasabay ng chikahan namin kaya medyo natagalan kami sa pagkain.

"Sikat na sikat ka ngayon bakla." Napaikot ang eyeballs ko ng marinig ang sinabi ni Heti. Sigurado akong pangalan na naman ni Ulysses ang madadawit sa magandang pangalan ko.

"Sadyang walang breeding talaga ang ibang tao rito mga certified marites. Buhay ng iba ay pinapakealaman nila."

"Bakit? Hindi pa rin ba tinatanggap ni Ulysses ang bayad?" Si Bellis.

"Hindi ako nakipag kita baka ma chismis na naman kami. And besides tama naman si Heti barya lang ang 50k sa lalaking 'yon. Kaya bahala siya diyan hindi ko babayaran ang utang ko." Sagot ko saka uminom ng juice.

"Pero alam niyo himala ah, hindi kasi ganyan si Ulysses. Ayaw na ayaw ng lalaking 'yon na pinegpestyahan ang pangalan niya. Ang sabi pa ng iba ay masyado raw siyang misteryoso dahil siya ang tanging lalaki sa grupo nila na konte lang ang impormasyong lumabas." Napatingin ako kay Heti.

Endlessly Yours Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang