"No—I mean, technically yes that's the way to the park. But, I have something to show you," banggit nito.

Kumunot ang aking noo sa pagtataka kung ano ang gusto niyang ipakita. Bumaba na ang kanyang hawak sa aking palapulsuhan papunta sa aking kamay at marahan itong pinisil. Nginitian pa niya ako kasabay ng mahina niyang pagtawa.

"Don't worry, it's nothing scary," he softly said.

Nanatili ang aking tingin sa kanya, pinapanood ang bawat galaw na ginagawa niya. Naglakad ito papunta sa backseat ng kanyang kotse at mabilis iyong binuksan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang bumaba mula sa kanyang kotse.

"Archie!" matinis ang boses kong tawag sa aso.

Malakas na kumahol ang aso nang makita ako. Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak mula sa kamay ni Hugh. Lumuhod ako sa sahig at sinalubong ang aso ng yakap.

Mabilis na inatake ang aking ilong ng mabangong amoy ng aso dahilan para mapatingin ako dito. Hinawi ko ang balahibo niya sa ulo at hinalikan ito sa noo.

"Mhm! Bagong groom ang baby!" sabi ko at pinugpog ng halik ang aso sa taas ng ulo na para bang isa itong bata.

Muling kumahol ang aso at ambang didilaan pa ako sa mukha nang mabilis akong umiwas sa kanya. Tumayo ako at kinuha ang leash na nakatali sa kanya. Tumingin ako kay Hugh at nadatnan itong nakangiti lamang habang pinapanood kaming dalawa.

"Binigay ni Hana sa'yo?" tanong ko sa lalaking kaharap ko.

Marahan itong umiling at saka inayos ang pagkakasarado ng kanyang kotse. "No. I got him from Hana," kaswal niyang sagot.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito. Noong una kong makita si Archie, halos ayaw nang kunin pa ni Hugh si Archie mula kay Hana dahil hindi naman talaga siya marunong mag-alaga ng aso, pero ngayon siya pa ang kumukuha sa aso.

"Kailan ka pa naging dog lover?"

Tumawa ito nang mahina at saka tumingin sa akin. "I just wanted for Archie to cheer you up. You said the other day that you needed his cuteness."

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata kasabay ng aking pagsinghap. "User ka! Ginagamit mo lang pala si Archie!" dramatiko kong pang-aasar sa kanya at lumapit pa kay Archie para yakapin ito.

Walang kamuwang-muwang ang aso habang nakatingin sa aking niyayakap siya. Umakto akong parang kaawa-awa ito at hinaplos pa ang likuran nito. "Aww, kaawa naman ang Archie ko! Ginagamit lang ng Tito Hugh niya!"

Nang maayos na namin ang lahat ay nagsimula na kaming mag-jogging. Nag-volunteer na rin ako na ako ang maghahawak sa leash ni Archie dahil masyado ko ring na-miss ang aso.

Halos limang buwan ko sigurong hindi nakikita yung aso na 'to! Nakaka-miss din ang kakulitan niya!

Pansin ko ang unti-unti nang pagliwanag ng buong paligid, hudyat na pataas na ang araw. Habol-habol ang hininga ay umupo ako sa isang bench na nasa park.

Mabilis lang naman iyong napansin ni Archie at sumunod sa akin. Umupo siya sa aking harapan habang nakatitig sa akin. Binigyan ko ito ng maliit na ngiti habang siya naman ay nakalabas ang dila, hinahabol din ang kanyang hininga.

"Break muna! Kanina pa tayo naglalakad!" pagod na pagod kong saad kay Hugh na naglalakad pa lamang palapit sa bench na kinauupuan namin.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa sabay tango. "Archie tired you out," saad niya at lumuhod sa lupa para hawakan ang aso.

Kitang-kita ko pa rin ang pagtaas-baba ng aking dibdib habang pinapanood silang dalawa. Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot.

Takbo kasi nang takbo si Archie! Hindi ko masabayan dahil hindi naman talaga ako sporty at active na tao. Puro kaya ako upo sa opisina! 

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now