Prologue

26 3 0
                                    

It's been a decade since I lost my wife and daughter. Sa loob ng sampung taon, nasanay na akong mag isa. Walang nagbago, isa pa rin akong propesor sa kilalang unibersidad, palaging umiinom ng kape, nagtuturo, nag-aaral, at higit sa lahat nag aalaga ng pusa.

I know it sounds funny dahil ang tanda ko na at nag aalaga pa rin ako ng pusa. Wala namang mali, hindi ba?

Simula nung nawala ang aking mag-ina sa edad na bente-singko, napagdesisyonan kong mag-alaga ng hayop para kahit papano may makakasama pa rin ako. Ayaw ko nang mag-asawa ulit, ayaw ko na.

Naging malapit na rin ang loob ko sa aking alaga, tinatrato ko siya na parang sarili kong anak.

If multiverse exist, I hope you're just not my cat but my real daughter. Sana tao ka nalang, Trophe. Kahit h'wag na pala, basta h'wag mo lang akong iiwan. Whatever you are, I will still treat you like my own child.

Saad ko sa aking isipan habang hinahaplos ang ulo ng aking puting pusa. Nakakalungkot isipin ano, tanging hayop na lang talaga nagpapasaya sa akin at nagbibigay lakas para ipagpatuloy ang buhay.

Taimtim akong naglalakad sa hallway bitbit ang pusa papunta sa susunod kong klase. Masyadong tahimik, parang nasa horror film lang atsaka ilang minuto nalang mag a-alas tres na.

“Meow” mahinang sambit niya. “Don't worry, malapit na tayo.” responde ko. Pagbukas ko ng pintuan, agad akong napatalon sa gulat dahil sa pagsabog ng confetti at ingay ng torotot.

“Surprise! Happy birthday Prof. Yone, happy birthday Prof. Yone, happy birthday happy birthday happy birthday, Professor!” awit at sigaw ng mga estudyante ko.

Oo nga pala kaarawan ko pala ngayon, nakalimutan ko na. Natawa nalang ako at ngumiti sakanila. These students never failed to amaze me.

“Thank you, class.” masayang pagpapasalamat ko sa kanila. Agad kinuha nina Jack at Rylie ang aking alaga at nilaro ito. They also love Trophe, sino ba naman hindi.

“Prof, sorry po ito lang kaya namin. Pinag-ipunan kasi namin 'to kanina hehe.” nahihiyang sambit ni Clara na may dalang bilog na chocolate cake at may kandila na 35.

“Grabe kayo, salamat dito ang ganda ha. Tara kainin natin, hindi pwedeng ako lang kakain pera niyo ginastos niyo dito eh.” bago ko pa makuha sa kanya ang cake, lumapit bigla si Venice at sinindihan ang kandila nito.

“Bago natin kainin, Prof mag wish ka muna. Once a year lang naman ito nangyayari eh.” saad niya.

Napatingin ako sakanila, gusto kong maiyak dahil sobra akong na-move sa ginawa nila. Nahagilap din ng mata ko si Trophe, at sa pagkakataon na iyon nalaman ko kung ano ang gusto ko. Pinikit ko na ang aking mga mata.

Sana maging tao at maging anak ko ang aking pusa.

Munting hiling ko kahit alam ko na di naman magkakatotoo yun. Pagdilat ko agad kong inihipan ang apoy, naririnig ko na ang palakpakan at tawanan ng aking mga estudyante.

Matapos ang aking trabaho ay umuwi na ako sa aking apartment. Nilagay ko na rin si Trophe sa kanyang maliit na higaan at dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbihis.

Nagsisilpilyo na ako nang may narinig akong kaluskos at kalabog. Agad akong lumabas at pumunta sa kinaroroonan ni Trophe. Ako ay nagulat sa aking nakita. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o ano.

“Meow? meow?” matinis at marahan na sambit ng batang babae na mukhang 10 years old at walang saplot sa aking harapan.

Aaminin ko natatakot ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at sasabihin. Malakas ang loob ko na si Trophe ito. Nararamdaman ko ang presensya niya.

“T-trophe? Trophe ikaw ba 'yan, anak?” nauutal kong tanong habang papalapit sakanya.

Tinignan ko ang kanyang mukha nang maigi, parang mata ni Trophe ang kanyang mga mata ngunit ito ay itim at hindi asul. Ang kanyang ilong at bibig ay gaya sa aking asawa na si Katarina. Ang kulay ng kanyang balat ay gaya sa akin, maputi at mabilis na namumula.

Mahabagin, nagkatotoo ba ang hiling ko?

“Meow” naiiyak na sabi niya at pumunta sa akin. Bigla niyang niyakap ang aking binti. Naiiyak na rin ako sa aking nasaksihan. Natupad ang munti kong hiling?!

Agad ko siyang binuhat at niyakap nang mahigpit. Kinuha ko sa sampayan ang isang boxer at malaki kong t shirt at pinasuot ito sa kanya. Bukas na ako mamamalengke sa mga gamit ni Trophe.

Umiiyak ang aking anak, kaya hinele ko ito hanggang sa makatulog siya. Naalala ko ang aking mag ina hindi ko man lang nakita ang aking anak na si Kier dahil nasa sinapupunan palang siya ni Katarina noong nangyari ang aksidente.

Habang nilalagay si Trophe sa aking higaan, napa-isip ako. Totoo ba ang mga nangyayari? Bakit parang anak siya namin ni Katarina? Kaya ko ba siyang buhayin?

Napa-iling na lamang ako sa aking iniisip at lumabas na ng kwarto para matulog sa sala. Bukas bagong buhay at simula ang magaganap. Sobrang saya ko ngayong araw, ito na yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko.

H'wag kang mag alala, Catastrophe. Aalagaan ka ni papa, tuturuan at gagabayan kita sa lahat ng bagay.

Salamat sa regalo, Ama.

_______________________________________

reminder: this is a work of fiction.

Happy reading and happy birthday to Professor Yone!

yours truly,
Zayhan.

Once Upon a CatastropheWhere stories live. Discover now