Chapter I

25 2 0
                                    

“Kier, uuwi ka na? Isang oras ka pa lang nga dito eh, I’ll tell your dad nalang na magagabihan tayo. You see ang hirap kasi nito and we need a lot of time para matapos ito.” nagmamakaawang sambit ni Sona, group leader namin.

“Sorry talaga, lead. It's quarter to 7 na, I really need to go home kasi curfew ko yun.” I pleaded. “Gagawin ko na lang yung part ko sa bahay, I will bring it tomorrow. Don't worry, di naman ako pabaya.” dagdag ko habang nagliligpit ng art materials at pinasok ito sa aking bag.

“Sige lang, Kier. May tiwala naman kami sa'yo, kaya inday Sona let her go nalang baka mapagalitan pa si bebe Kier. Let go mo na rin past niyo ni ano ha.” makahulugang saad ni Zera sabay tawa.

“Haist, okay fine. You're responsible naman, ingat sa pag uwi ha.” she said while rolling her eyes. I mockingly wave good bye at them after I thanked them for letting me go home.

How cute ack, humans are indeed cute and pretty creatures. Hindi naman talaga ako papagalitan, it's just that there is something that they should not know about me.

Matapos makalabas sa school, agad akong pumara ng jeep. “Bayad po, isa lang. Estudyante.” sabi ko sabay abot ng barya. Siguro kapag hindi ako tao ngayon, di ko na need magbayad mwehehe. Habang naghihintay mapuno ang sasakyan, napatingin ako sa aking relo.

6:50 pm

Sampung minuto nalang bago mag ala-syete, tamang tama lang na makakauwi ako. Sana hindi masyadong traffic ngayong gabi, kinakabahan ako sa mga mangyayari.

Nagsimula nang magmaneho si kuya driver at nakikita ko na rin sa malayuan ang building ng aking apartment. Mabuti naman at mabilis ang kanyang pagharurot. Sa kalagitnaan ng aking katuwaan, biglang tumigil ang jeep at naririnig ko na ang malakas na busina nito.

“Ano ba 'yan, traffic nanaman!” reklamo ng isang pasahero na nagresulta sa aking panginginig.

“Tangina, ang init na nga tas traffic pa.”

“Amoy putok amputa, mag tawas nga kayo shuta!”

“Hello ma, pa-uwi na po traffic lang talaga.”

“Kuya, what if sa ibang daan nalang tayo dumaan?”

Those were some comments I heard from other passengers causing me to shiver and overthink about my situation.

Paano na 'to, magugulat sila at baka patayin nila ako dahil sa takot pag nakita nila ang totoong ako. I should do something, hindi p'wedeng mangyari 'to. Bababa nalang ba ako? Tama, I need to leav-

tit-tit-tit

My thoughts were interrupted by the sound of my watch alarm which indicated that it's already 7:00. It made me startled to the point na bigla nalang talaga akong natatarantang bumaba na halos tumalon na ako palabas ng jeep. Humahaba na ang aking kuko, ramdam ko na rin yung whiskers kong tumutubo, umiiba na rin ang kulay ng aking mata at higit sa lahat ang tenga kong unti-unting tumutubo sa aking ulo. Hindi na ako nagdalawang isip pumasok sa nakita kong isang madilim na eskinita at hinayaan ang sarili maging pusa.

Siguradong papagalitan ako mamaya ni Prof. Yone. Bahala na, explain ko nalang sa kanya bukas. Dito nalang din muna ako siguro magpapalipas ng gabi. My bag is kinda heavy dahil sa mga paints at canvas na dala ko, di kaya ng maliit kong pusang katawan na buhatin yun. Shuta yung project ko pa pala. Inang yan, kung mamalasin ba naman.

And if you're curious about my uniform, shoes, socks, watch and such- obviously nasa sahig tangina parang may naghubad nga dito tas iniwan lang yung hinubad na damit tapos may brassiere at panty pa. Nakakahiya.

Once Upon a CatastropheWhere stories live. Discover now