Kabanata 1.

665 23 3
                                    


"Leana!"

Hingal na hingal ang kasambahay nang habulin ang senyorita habang tumatakbo. Bakas ang pagkasabik sa mga mata ni Lea nang muling tumapak ang kanyang mga paa sa bayan kung saan siya isinilang.

"Ikaw talagang bata ka pinapagod mo ako." Ani ng matandang katiwala nang huminto ang dalaga sa pag takbo.

"Dalaga na kaya ako manang. Nakikita mo ba?" At umikot ito sa harapan ng matanda para ibida ang kanyang magandang kasuotan.

"Hay nako Leana bata ka. Huwang kang magmadali dahil iba ang buhay sa labas." Ani ng matanda.

"I'm turning 18 this month so..." Napanguso si Lea habang kinukulot ng daliri ang dulo ng kanyang mahabang buhok.

"Dalaga na ako!" Malaking pagkakangiti nito.

"Oo na oo na..." Nakangiting sabi ng matanda.

"Dalaga na nga itong magandang alaga ko. Hays kay bilis naman ng panahon. Dati naalala mo pa ba? Ikaw at ang anak ng mag asawang sina Delia at Jacinto sino nga ba ang batang iyon?" Napakamot sa ulo ang matanda habang inaalala ang pangalan nito.

"Si Daniel po." Nakangiting sagot naman ni Lea. Si Daniel ang kanyang kababata na pitong taon din ang nakalipas nang huli silang nag kita nito.

"Oo nga pala kamusta na kaya ang batang iyon? Ang tagal niyo rin namalagi sa America hija bakit hindi natin bisitahin ang mag asawang sila Delia para makita natin ang batang iyon."

Nanlaki ang mga mata ni Lea dahil matagal na nitong binalak na puntahan ito. Hindi lumaki sa yaman si Daniel na hindi rin nakatapak sa kolehiyo kung kaya't naiwan ito sa bukid kasama ang mga magulang at doon na lamang nag simulang mag-trabaho.

"Kamusta na kaya si Daniel? Never naman kasi siyang sumagot sa mga liham ko." Ani ni Lea.

"Kaya nga halika na at mag handa ka baka mamaya hindi na tayo makaalis dahil darating na maya maya lamang ang ama mo." Sabi ng matanda. Galing kampanya ang ama ni Lea dahil tatakbo ito bilang mayor sa kanilang bayan.

"Handang handa na ako manang kaya halika na riyan at tayo'y mag punta na kila tito Jacinto." Malapit ang dalaga sa mga magulang ni Daniel kaya't iyon ang kanyang tawag sa mga ito.

Hinila na nga nito ang kasamang matanda at pumasok sa kanyang pulang sasakyan na iniregalo ng kanyang ama.

"Sandali lang hija hindi ako sanay na ikaw ang nagmamaneho. Talaga bang marunong kang mag maneho?"

"Manang naman nag train ako kaya nga ako binilhan ni Dad ng kotse di ba." Sabay bukas ng dalaga sa makina nito.

Isang simpleng pulang kotse iyon na mayroong bahid ng makalumang panahon.

Sinimulan na nito ang pagmamaneho at tinahak ang malawak na sakahan na kanilang ari-arian.

Ilang minuto lamang at nakarating din ang mga ito sa bahay kung nasaan ang kanyang pakay.

Pagkababa lamang ni Lea ng matanda ay kaagad na bumungad si Delia na mismong ina ni Daniel.

"Ano po iyon?" Tanong ng ginang na may bakas na ngiti.

"Tita Del ako ho ito si Lea!" Masayang bati nito nang magulat ang ginang at labis ang tuwa ay sinalubong siya nito ng yakap.

"Lea ang laki at ang gandang bata mo na." Masayang sabi nito.

"Tita Del para namang ang panget ko noon." Nakangusong sabi nito na ikinatawa ni Delia.

"Hindi hija, ang ibig kong sabihin ay mas lalo kang gumanda. Tignan mo ang laki mo na ngayon at dalagang dalaga ka na talaga." Ani nito.

When The Moon Was OursМесто, где живут истории. Откройте их для себя