[21]

601 15 0
                                    

Nung naalis na yung banggaan sa harapan ng kotse ko ay dumeretso na ako papunta kay Zella. I was stepping on the gas, the 25 miles per hour turned into 45 miles per hour.

Ganoon ko siya gustong makita na kahit mabangga pa ako ayus lang. Mabuti na nga lang at nakarating ako ng ligtas sa condo building ni Zella.

Nag lakad ako papunta sa lobby nung na park ko na yung sasakyan ko. "Zella Velasco po" pag papaalam ko na pupunta ako sa unit ni Zella.

Inaantay ko na lang na mag bukas ang elevator para makapunta na ako sa kaniya ng tuluyan. Pag dating ko hindi naka lock yung door knob kaya pumasok ako at sinara iyon.

Nakita ko siya na nakahiga sa sofa at may mga bote ng beer sa gilid ng mesa. Nilapitan ko siya at nakita na namumula yung mga braso niya at nung hinawakan ko ang pisngi niya ay malalapnos yung balat ko sa sobrang init niya. Nilalagnat siya!

Pumunta ako sa cr niya at kumuha ng maliit na towel pati na rin yung planggana at nilagyan yun ng malamig na tubig. Kumuha na rin ako ng yelo sa freezer niya para mas maging malamig yung tubig.

Nilagay ko yung maliit na towel doon sa planggana at hinayaan na masipsip ang malamig na tubig nito. Piniga ko naman at dahan dahan siyang pinunasan.

Nung natapos ko siyang punasan ay binuhat ko siya papunta sa kwarto. Dahan dahan ko naman siya nilapag sa kama at kinumutan. Bumalik ako sa sala niya para ligpitin ang mga bote na wala ng laman.

Nung natapos ko na ligpitin ang kalat niya. Pinalitan ko ng tubig yung planggana at nilagyan iyon ng panibagong tubig at ice. Kumuha na rin ako ng paracetamol na nakalagay sa medicine cabinet niya at bottled water sa refrigerator. Bumalik ako sa kwarto kung na saan siya.

Pinatayo ko siya at sinubo sa kaniya yung gamot at uminom naman siya ng tubig nung binigay ko ito.

Binalik ko rin agad siya sa pag kakahiga at pinag patuloy lang ang pag punas sa mukha at braso niyang namumula na parang may pasa. Naisipan ko kumuha ng salonpas at lagyan ang braso niya na namumula, pati mga daliri niya.

"Wow naman, hanggang sa panaginip si Dave pa rin?" Pag tatanong niya sa sarili nung nakita niya ako na tinatapos na lang ang pag lalagay ng salonpas. "Hindi ka nananaginip, totoong nandito ako." Pag sasalita ko na nakangiti sa kaniya.

"Kung ikaw talaga si Dave nandun ka dapat, doon sa girlfriend mo si Vanie." Pag sasalita niya na medyo lasing at galit. "She's not my girlfriend, she's just my friend."

"Friend? Friend mo mukha mo, may pa usual spot at may pa you and Vanie pa nga na sinasabi si Vanie." Natawa naman ako dahil sa pag seselos niya.

"I read your entries about me. At ang masasabi ko lang sa lahat ng sinulat mo tungkol sa akin ay mahal pa rin naman kita Zella." Kaya lang naman ako may lakas ng loob dahil lasing siya walang maalala pag gising.

"Ohh, so have you read my last entry too? Entry 21." Pag sasalita niya na pinag taka ko, wala naman ako nakitang Entry 21.

"Saan ko makikita yun?" Tanong ko sa kaniya na hindi na sumagot at tuluyan na nga siya natulog.

ildavefonso: May Entry 21 ka ba na basa?

piaildefonso: Wala naman kuya bakit ba?

ildavefonso: Wala sige na bye.

piaildefonso: Uuwi ka ba o hindi? Kasi i-lock ko na yung pintuan hindi mo dala susi mo.

ildavefonso: No, I'm not going home. Go to sleep na don't wait for me.

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now