[13]

609 15 0
                                    

Dumating ang umaga at wala akong tulog na nakuha dahil sa kakaisip. Hindi nga ako masyado sigurado sa mga pinag iisip ko. Dahil may time na iniisip ko yung magiging game, yung volleyball, si Noah lalong lalo na si Dave. Nahahawa ako sa kaguluhan niya.

Ang ginagawa ko ngayon ay inaayos ang mga ibibigay naming pagkain, sa food section ako nilagay ni Coach kasama nung mga taga UP at si Pia. Habang si Dani kasama sila Dave at Vanie. Nag request kasi si Danie na ilagay siya sa medical section. Gusto raw niya kasi matulungan yung mga doctor sa pag gamot ng mga bata.

If I know nag request siya na roon ilagay dahil doon na assign si Dave. Nakita ko na nag prepare sila nung mga gagamitin ng doctor. Yung mga taga La Salle nag bubuhst ng mga supplies. Hindi ko namalayan na nag dadabog na pala ako sa ginagawa ko. "What's wrong?" Tanong ni Noah sa akin na tinignan siya. "I'm getting lazy." Pag dadahilan ko na kinuha niya yung ginagawa ko at pinaupo sa upuan sa gilid. Tatayo sana ako dahil baka pagalitan ako ni Coach na nakatunganga lang pero umiling siya at tinitigan ako. "Just sit there princess. Ako na gagawa rito." Sabi niya na pinag hihiyawan kami nila Pia at ka-team niya from UP.

So pinapakilig niya ba ako o nag papasikat siya? Kasi if both, it is definitely working. I don't know why, but I feel so special when someone does it to me. "Ayy princessa galaw galaw na po pabalik na sila coach." Sigaw ni Dani sa akin kaya napatayo na ako.

Inagaw ko na kay Noah yung ginagawa niya tapos tumawa siya sa akin. "What are you laughing at?" Masungit kong tanong sa kaniya na nag hands up siya na parang nag surrender na. "Nothing po."

Nag bibigay kami ni Pia ng meal sa mga bata na naka pila. Habang yung doon sa station nila Dave nag check up ng mga chikiting. Nung nag bibigay na ako ng tubig sa isang bata bigla siya ngumiti.

"Ate kayo raw po yung magaling na volleyball player. Pakita naman po, gusto ko po ma-subukan." Sabi nung bata na ngumiti. "Sige beh mamaya pag tapos niyo kumain mag lalaro kami ni Ate Pia para sa inyo."

Pag tapos nga namin mag bigay ng mga pagkain inantay namin matapos yung mga ka-team namin na nasa medical station dahil nga gusto nila makita ang volleyball game namin, kalaro namin ang la salle.

I set the ball towards them and they hit it back. Natatawa ako dahil para kaming nag lalaro ng beach volleyball. Nanonood yung mga bata lalo na yung mga kasamahan namin na nag volunteer.

Nag cheer yung binigyan ko ng food kanina na ngumiti. Kasama niya si Dave, and damn he looked good. Pero iniwas ko yung tingin nung hinampas ko na yung bola.

We ended up winning against La Salle na kinatuwa ng kapwa ko atenista. Nung lumapit si Dave sa akin binigyan niya ako ng water bottle. "Ayaw ko na mahimatay ka ulit dahil sa uhaw." Bulong niya sa akin at umalis na habang si Vanie kumuha ng sariling tubig. "Uy ikaw ha, may hindi ka chinichika sa akin." Pang gugulat ni Dani sa likod ko.

"Ano?" Pag mamaang maangan ko sa kaniya. "Chika mo later alam ko may ganap sa buhay mo. Hindi ko palalagpasin yan." Sabi niya sa akin na nag kembot-kembot pa.

Dear, Dave IldefonsoWhere stories live. Discover now