[09]

636 17 0
                                    

Entry:13

Damn Dave Ildefonso, ano yung mga sinasabi ng kapatid mo? I'm really, really curious. Ano iniisip mo nung sinabi ni Pia na dapat ligawan mo ako? Kasi gustong gusto ko malaman ano sinagot mo sa kaniya.

Do you still like me? No that's absurd, you are courting Vanie from what I know. So, ano ba talaga? Gulong gulo na isipan ko.

P.S. thanks for the fries, I shared it with your sister. You know she really like me for you.

~~~

Inaayus ko yung gamit ko para sa, camping na organized ng UAAP. Mag Volunteer daw kasi kami sa hindi na-abutan ng kuryente. Camping na nga rin daw sabi ni Pia kasi gusto niya raw pumuntang probinsya kaso busy.

At least lahat ng required pumunta exempted sa mga assignments, oh 'di ba ang galing. Sinundo ako ng Tatay ni Pia, which means Dave is here. Hindi kasi nila dala yung sasakyan, hindi ko rin naman madala yung akin dahil sabay sabay kaming pupunta roon sa location gamit ang Ateneo Bus.

Nasa tabi ko si Dave, na nakapatong ang ulo sa balikat ko. "Nako, hija pag pasensyahan mo na yan si Dave. Late na kasi natulog yan." Sabi ni Tito Danny na nginitian ko. "Okay lang po Tito no worries, ayus lang po ako."

"Streaming streaming pa kasi yan tuloy tulog." Bulong ni Pia na inaasar yung kuya niya. Well, I'm really fine with it. Na miss ko yung ganito niyang ugali, he'll use me as a pillow when his tired. I definitely miss the old times with Dave.

Nakarating kami sa Ateneo, at ginising ko na si Dave na parang ayaw pa nga magising. Bumaba ako at nag inat dahil nangalay ako sa matagal na position ko kanina. "Sabi naman sayo ate Zell, dapat tinanggal mo na balikat mo para mauntog yun." Sabi ni Pia sa akin na tinulungan ako hilutin yung nangangalay kong braso.

"Hayaan mo na, mukhang pagod." Pananalita ko habang nakatingin kay Dave na kinukusot ang mata.

"Okay guys go to your buses na. We will meet there na lang." Sabi nung mga coaches namin at nag tanguan ang lahat.

Mag kaiba kami ng bus ni Pia dahil by year ang mga kasama niya at kasama ko. So it means kasama ko sa bus na ito si Vanie, Dani at lalong lalo na si Dave. Pag pasok ko nakita ko nakaupo si Vanie sa may window side sa bandang gitna, nag lakad ako papunta sa bandang likuran niya para umupo sa may window side rin. Sunod na pumasok si Dave at tumingin siya sa akin pati kay Vanie.

Parang hindi na siya nag dalawang isip at umupo na sa tabi ni Vanie, hindi ko alam bakit pero nainis ako. Dapat ako tinabihan niya, bakit hindi ako? Nalaman ko na lang na katabi ko na si Dani.

"Paalala mo nga bakit ako pumunta sa camping na ito?" Tanong nung katabi ko na si Dani. "Dahil po mandatory at dagdag sa credits natin ito." Sagot ko na may pag tataka feeling ko kasi hindi yun yung hinahanap niyang sagot.

"Ayaw ko na ang tagal pa bago tayo makarating, wala rin naman wi-fi roon paano na?" Pag rereklamo niya na narinig ng lahat kaya nag tinginan sa amin. Tapos sabay sabay silang nag buntong hininga na natawa na lang ako ng palihim.

"It sucks that they don't have electricity and no wi-fi, but I am happy that I get to be with you while volunteering." Rinig kong sabi ni Vanie na may pag kaarte sa boses. Nakita ko naman ngumiti si Dave at tumango kay Vanie. Hindi naman kasi ganun boses ni Vanie, ewan ko nagiging pa girl pag dating kay Dave. Nakakainis na talaga!

Pwede ba bumaba? Pwede ba ibaba na lang natin si Vanie? Pwede ba wag na lang pumunta? "Huy girl? Kanina ka pa tinatawag ni Coach dun oh." Pag gising sa akin ni Dani.

"Yes coach ano po yun?" Tanong ko habang tumayo sa kinauupuan ko. "Lapit ka rito saglit." Sabi niya sa akin kaya ginawa ko na lang utos niya kahit na umaandar pa yung bus.

"Pag baba natin, pag samasamahin mo yung mga volleyball players. Kasi may announcement ako." Tumango na lang ako at mag lalakad na sana pa balik kaso bigla prumeno yung bus. Napahawak ako sa upuan sa mag kabilang gilid habang naramdaman ko yung mga kamay na nakahawak sa bewang ko.

"Dahan dahan ka naman manong driver." Sigaw ni Dave habang ina-alalayan ako. "Okay ka lang?" Tanong niya na nakahawak pa rin sa bewang ko. "Yeah, I'm fine thanks." Maikli kong sagot sa tanong niya at bumalik na sa kinauupuan ko na mabilis ang tibok ng puso, feeling ko mababasag ribcage ko tapos lalabas na siya sa katawan ko sa sobrang bilis.

Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko kung kinikilig ba, kinakabahan ba, o natakot ba ako. Basta ang alam ko lang nag alala si Dave para sa akin.

Dear, Dave IldefonsoМесто, где живут истории. Откройте их для себя