♕︎ 𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰 ♕︎

Start from the beginning
                                    

"What commotion is happening here?" Pamilyar na baritonong boses ang aking narinig mula sa likuran. Pagkalingon ko ay nakumpirma ko kung sino ito. Ang lalaki kanina na nagpi-piano. Shocks bakit nandito yan?

"C-Conrad, she's being rude to me again. I just greeted her politely and then she suddenly pushed me and said nasty things about me." At kita mo nga naman, gumawa na ng kwento ang lola niyo. Mas magaling pa siya sa author ng novel na ito eh. Nagawa pang magpa-awa, di naman bagay.

Tiningnan ako ng masama ng lalaki na nagngangalang Conrad. Wait a minute. C-Conrad? As in Conrad De Valentin, the Crown Prince of the neighboring Kingdom of Veruz and my fiancé. You got to be kidding me?

Nabangga niya ang braso ko habang papunta siya sa pwesto ni Geneva at tinulungan siyang makatayo. Napa-igik ako sa sakit. Tsk, magkakapasa pa ata ito.

Mukhang hindi na nila ako kailangan dito kaya tumuloy na ako sa pag-alis.

Mabuti nalang at may nakasalubong akong isang helper at nagpatulong ako sa kaniya para mahanap ang aking silid. Nagpasalamat ako at nung nakapasok ako sa kwarto ay napahinga ako ng maluwag. Grabe, na-drain ako sa tagpong iyon. At si Conrad, kailangan ko siyang iwasan dahil siya ang papatay sa akin.

Dumeretso ako ng higaan at patihayang humiga roon. Pumikit ako at di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa mga nag-uusap ngunit hindi ko parin binubuksan ang aking mga mata.

"Naku maraming salamat ho, Mahal na Prinsipe. Trabaho na ho dapat iyan ng mga personal niyang katulong ngunit nag-abala pa ho kayo." Dinig kong sambit ni Nanny Belinda. Kausap niya ang prinsipe? At ano yung ginawa niya para pasalamatan siya ni nanny?

Pinakiramdaman ko ang aking katawan, sa bandang braso ko na di lang nagkapasa, may bali pa pala kanina na parang may nakabalot nang tela rito. Hindi kaya siya ang gumawa nito kaya ganun na lamang magpasalamat si nanny?

Dumilat na ako at nakita kong nasa kaliwang parte ko nakaupo ang prinsipe at nakatayo sa gilid niya si Nanny Belinda.

"Naku po, Diyos ko ang aking alaga. Kumusta na ang pakiramdam mo sa iyong braso?" May pag-aalalang tanong ni nanny.

"A-ayos na po. Medyo makirot pa ngunit kaya ko naman pong tiisin." Sagot ko, sabay tingin sa prinsipeng kanina ko pa nararamdamang nakatitig sa akin. Pagtama ng aming mata ay agad niya itong binawi at kabod nalang tumayo.

"Mauna na po, ako." Sambit niya sabay talikod na papuntang pinto ng aking kwarto. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis na. Kay nanny lang. Fiancé ko ba talaga iyan? Ay teka, ano ba itong sinasabi ko, kanina lang ay iniisip ko siyang layuan dahil napakadelikado niyang tao. Ngayon naman ay gusto ko siyang magpaalam sa akin? Ang gulo ng utak mo, Gretude. Umayos ka aba!

"Nanny, bakit po ba nandito ang lalaking iyon?" Pagtatanong ko kay Nanny Belinda. Bigla naman niya akong hinampas ng mahina sa braso.

"Anong lalaki mahal na Prinsesa? Siya ang respetadong prinsipe ng kabilang nasyon. At siya rin ang iyong mapapangasawa. Marapat lang na magbigay-respeto ka sa kaniya." Pangangaral niya sa akin.

Sus, karespe-respeto ba ang lalaking pumaslang sa akin sa aking nakaraang buhay? I don't think so. Kinuwento sa akin ni Nanny ang dahilan kung bakit siya nandito. Natagpuan nalang daw niyang bukas ang aking kwarto at nang pumasok siya ay nasa tabi ko na ang prinsipe habang binabalutan ng bandage ang aking braso. Ito yung hinawakan ng mahigpit ni Geneva kanina. Ang bruhildang iyon talaga, grrr. Pero teka? Paano niya nalamang masakit ang aking braso eh pagkarating niya sa hardin ay tapos na ang insidenteng iyon? Hmm..

Anyways, I feel much better. Hindi na masyadong kumikirot ang aking braso, pwede na ngang manuntok ng mukha ng babaeng pink at kulot salot ang buhok. Biro lang, kayo naman baka gayahin niyo.

Dumating ang oras ng hapunan at nasa hapag kaming lahat. Ngayon ko lamang nakita ang amang hari dito sa kwento at ang inang reyna. You will feel the authority in their presence alone. And they look majestic. Being a King and Queen suits them. Nasa gitnang kabisera ng lamesa ang Amang Hari at nasa kanang bahagi naman ang Inang Reyna. Katapat ng reyna si Geneva, katabi ni Geneva si Conrad at katabi ko naman ang prinsipe.

Nagsimula na kaming maghapunan. Tahimik lamang akong kumakain habang nag-uusap ang reyna at ang hari tungkol sa hindi ko alam na diskusyon. Minsan ay tinatanong nila si Geneva at Conrad ngunit ni-hindi man lamang nila ako kinakausap. Parang walang ako dito sa hapag-kainan. Parang hangin lang ako. Invisible. Okay lang, di ko rin naman sila gustong kausapin.

Natapos akong kumain at nauna na akong tumayo, ngunit katulad kanina ay hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin o pinigilan man lang. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa aking silid. Panes kayo, kabisado ko na ang direksyon papunta sa kwarto ko. Naligo na ako at nagpalit ng pantulog. Nagsuklay ng buhok, pinatuyo ito at natulog na.

𝑬𝑵𝑫 𝑶𝑭 𝑾𝑰𝑪𝑲𝑬𝑫 𝑰𝑰



A/N: Sorry for the late update huhuness. Super busy lang this past few months. Anyways thank you for reading this story. Till the next ud, harties <3

The Wicked PrincessWhere stories live. Discover now