Answer 10: unexpected

7 8 0
                                    

Melissa's POV
Malungkot akong naglalakad habang umiiyak sa papalayo ng bahay. Siguro iniisip nyo kung saan ako pupunta? Sa totoo nyan... Hindi ko alam? Basta kung saan lang umabot ang paa ko doon lang ako basta mawala lang Ang inis ko!
Nakakainis kasi,Nakakapang duda na ang dalawa! Lalo na si kuya! Kitang kita ko sa dalawa kong mata nung madilin pa kung paano sya mag log out! Piling inosente! At yung bruhang ruby na yun, pinag tatanggol pa si kuya! Akala ko ba Wala silang relasyon? Eh bakit ngayon nag de date sila at pinag tatakpan Ang isa't Isa?

Ruby's POV
"Ano na gagawin natin ngayon Eugene?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang wala naman akong paki kay melissa. Pero may kutob ako na sobrang naghihinala na sya saamin.
"Hayaan mo muna akong mag-isa yonna. gusto ko lang muna ilabas Ang galit ko sa sarili ko" malamig na sagot nya saakin at nag lakad papasok ng kwarto.

"Ruby, ano ba meron? Anong nangyari kay melissa at bakit yonna Ang tawag nya sayo?" Tanong ni sapphire saakin na kakalabas lang ng kwarto. naku naku dagdag pa to! Di bale na bahala na!
"Ewan ko Kay Melissa! Bakit kaba nangingielam at ano bang paki mo kung yonna Ang itawag sakin ni Eugene?" Tumalikod Ako at nag cross arms "Sundan mo yung nobya mo hanapin mo nalang."
Pag harap ko Wala na pala sya naka bukas ang pinto ibig sabihin umalis na sya.

Sapphire's POV
Hindi ko alam kung saan sya pwede mag punta, pero sa tingin ko pupunta sya sa building kung saan sya nag balak mag pakamatay noon. Hula ko lang naman kaya doon ako unang pupunta. Hindi ko alam kung anong point nya sa sinasabi nya kanina, aminado akong nakikinig ako sa usapan nila kanina pero Hindi ko ma gets ang point nya.

Tama Ang hinala ko nandoon sa building ( tangina tong writer na to walang ibang alam na lugar kundi building na to lang)
Writer: nag rereklamo ka!!!? Baka gusto mong burahin kita sa story na ito?!
Sorry na po writer!Okay balik sa kwento,

Tulad ng inaasahan nandito sya nakaupo sa wall habang naka tanaw sa palig dito. Ang lugar ay puro bahay at gusali medyo kagaya ito ng nasa real world... Kasi parang future to na inabandona.
"Uwi na tayo Melissa hinihintay nila tay-"
"Ikaw nalang mula. Naiinis Ako sa dalawa."
"Ano ba kasing nangyari?"
"Kahit anong sabihin ko Hindi ka maniniwala dahil sigurado na pag tatawan mo lang Ako kapag-"
Bilaan ko syang hinawakan sa balikat nya iniharap sakin. "Kung. Wala. Kang. tiwala. sakin. Bahala. ka. Basta. Ako. Sinasabi. Ko. Lang. Na. Handa. akong. Makinig. Sayo." Nanggigil na bigkas ko sa kanya.
Kita sa Mukha nya ang pagkabigla kaya humingi agad ako ng pasensya at ayos lang daw Yun sa kanya. Kinukwento nya saakin Ang mga nangyari at nakita nya "Sa tingin ko, sorry pero Ang gulo para sakin ng lahat. Ang malalaman din naman natin yan,Kapag minanmanan natin sila..." Ang tanging naging opinion ko. "kailangan mo muna magpahinga. Dahil mamaya may laro pa tayo Sabi ni kuya ryugin." Tumango sya at tumayo na at naglakad kami pauwi ng bahay.

Ryugin's POV
Tumawag sakin ni craliza habang may hawak akong ballpen at papel
Sinagot ko ang tawag nya saakin.
"Hello"
.
.
"Bakit?"
.
.
"Para san?"
.
.
"Okay."

Binaba ko na ang tawag nya saakin at tinuloy ang ginagawa
Hindi ko ma gets kung bakit kailangan pa naming mag laro mamaya para lang malaman kung gumanda ba Ang venue ng laro.

Tinawag ko si sapphire at sinabi sa kanya na maglalaro mamaya Ang dahilan ko paubos na Ang credit score ko...

Craliza's POV
Napaka Ganda ng mapapanood ko mamayang gabi. Sana magtagumpay sila Eugene at yonna sa minsyon nila sa buhay huahahaha! Masyado na rin kasing maraming nalalaman Ang Melissa na Yun kaya mag lalaro nalang muna tayo!
Hindi na ko makapag hintay, hihihihi!
Nagulat ako bigla dahil gumalabog bigla pinto"Hoy! Kanina pa kita tanatawag! Kanina ko pa tinatanong kung ano pa dapat idagdag sa venue nung lalaruin nila!" Oh si mama admin pala to.
"Wala naman binubwiset lang kita. Alis na panonoorin ko pa sila."
"Bakit sa dinami dami ng tao sa death answer world sila lang pinapanood mo?"
"Eh, Kasi binabantayan ko ang dalawa, Wala naman akong paki sa Melissa na Yun pero sobrang interesting sya... Kaya naman pinapanood ko na rin sya. Kaya nga ko nag Lagay ng SafeZone para mapag sama sama ang tao... 40% na ng SafeZone Ang nahahati kaya malapit na mag tipon ang lahat ng players."
"Okay, bahala ka sa buhay mo."
"Nga pala, ito ang sweldo mo dahil sa pagiging tapat mo sakin mama admin." Inabot ko sa kanya Ang sobre at kinuha nya naman Yun at umalis na sya.

Bumalik na ko sa panonood ko, ngayon, tignan natin kung anong nangyayari mamaya. kakayanin kaya nila? Mh mh mh mh Hindi na ko makapag hintay!

Melissa's POV
Pag ka uwi namin ni sapphire kanina ay Wala kaming ginawa. Seryoso Wala talaga tahimik ang bahay.
Ngayon gabi sinabi sakin ni kuya at sapphire na mag lalaro ukit kami dahil konti lang daw Ang credit score ni kuya.

Tahimik kaming naglakad papunta sa venue na natanggap namin sa notification... Sabay sabay kaming nag lalakad Hanggang sa.
Tumumba si sapphire napatingin Ako sa paligid at may bato akong Nakita malapit sa kanya "sino Ang bumato sa kanya?!"
May nagpakita saaming mga lalaki Isa isa kaming pwersahang binuhat. Tinakpan nila ang mata at bibig ko at binagsak Ako sa Hindi ko alam kung saan...

(after some hours)
Nagising ako sa may puro puting lugar, inikot ko ang paningin ko lahos puti ang lahat ng nandito. Nakita ko si sapphire na naka higa at bagong bangon palang... Hindi lang kami ni sapphire ang nandito, may iba din. Nasaan kami? Bakit kami nandito?

Answer or die?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora