(Venue? Probably a private resort. I wanted a beach wedding and so did Ivan. Color theme? Bordeaux. Wedding dress? I have already checked some but I'll tell Martina the details. I still want him to design my dress. Entourage? It's just the family.)

"Speaking of family... Are... they gonna attend?" Nakuha ko naman kaagad ang ipinupunto ni Martina habang seryoso itong nakatingin sa telepono ko.

(No. No, they won't. But... Uncle Marvin and Aunt Marissa will be there... right?)

I saw Martina let out a small smile. "You said naman that it's just the family so, of course, they'll be there."

I could somehow feel Tres' smile. (Then it's great. Just us. And of course, Fel. Don't forget about that woman.)

Martina chuckled as well. Nagkatinginan na lang kami ni Ate saka siya ngumiti sa akin. Nagpaalam naman na si Tres kaya kaming tatlo na lang ulit. "So... naniniwala na kayo?"

Martina shook his head but his lips featured an amusing smile. "So, I'll handle the entourage's clothes, your outfit, and Trecia's wedding dress. Beach wedding and Bordeaux, right?"

Tumango naman ako. "Gusto namin ni Tres na by the end of the year, kasal na kami. Probably sa Batangas. Since she did like the beach there."

Nagpaalam saglit sa amin si Martina at kukunin niya raw ang sketchpad niya para masimulan na. Kaya naman pareho kaming naiwan ni Ate sa sala. "So... Sa kasal din talaga ang ending niyo 'no?"

Napangiti naman ako nang wagas. "Mula noon hanggang ngayon, Ate, 'yun ang pangarap ko. At ngayon... hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito."

She took a deep breath and smiled at me. "I'm happy for you, Jes."

"Hindi ka na talaga galit kay Tres o kung ano pa man?" pang-aasar ko sa kaniya.

Ate rolled her eyes at me. "Grabe naman sa galit. Iritado lang ako sa kaniya noon, but past is past, and we're fine now. If you love her and she loves you, then I have no say about it."

Napangiti ulit ako. "Thank you, Ate."

Tumayo si Ate saka naglakad papalapit sa akin para yakapin ako. And honestly, I'm happy that she accepts us wholly.

Pagbalik naman ni Martina ay nagsimula na kaming mag-usap usap tungkol sa magiging kasal namin ni Tres. At habang patagal nang patagal ang pag-uusap namin ay hindi ko maiwasang mas ma-excite. Parang gusto ko nang ikasal bukas.

"Oh, ba't parang kinakabahan ka?" tanong sa akin ni Ate habang inaayos ang polo kong puti.

Umiling naman ako saka binasa ang labi kong nagsisimula na namang matuyo. "Ate..."

Nag-angat siya ng kilay. "Oh?"

"H-Hindi naman ako tatakasan ni Tres, diba?" Tuluyan ko nang hindi maitago ang kabang nararamdaman ko habang naghihintay na magsimula ang entourage.

Oo, ito na ang araw na inaasam ko. Ito na ang araw na matagal ko nang pinapangarap. Ito na ang araw ng kasal namin ni Tatlo ko at parang napalitan ang excitement na nararamdaman ko noon at tanging kaba na lang ang meron.

"K-Kasi Ate... Hindi na niya sinagot 'yung tawag ko kahapon. Tapos hindi naman ako pinayagan ni Martina na makita si Tres." Ipinunas ko sa polo ko ang mga kamay kong nagsisimula na namang magpawis. "Hindi niya naman ako iiwan, diba?"

Imbes na seryosohin ako, malakas lang na tumawa so Ate kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin.

Bakit parang nakararami na nang pang-aasar 'tong si Ate sa akin? Bumabawi ba 'to?

"Seryoso, Jes. Napaka-overthinker mo pala." Muli siyang tumawa. "Pero 'wag kang mag-alala. Nakita ko naman si Tres kanina sa cottage niya kung saan siya inaayusan eh. Hindi siya tatakas."

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Ate. Hanggang sa biglang nagsalita ang wedding organizer na magsisimula na raw ang wedding march.

Nagsi-ayos na kami hanggang sa nahlakad na ako papunta sa altar, at katulad ng gusto ni Tres ay family and friends only ang nasa kasal.

At nang tumugtog na ang napiling wedding song namin ni Tres ay nakita ko na siyang naglakad, kasama ang mga magulang ni Martina.

Sa 'di ko malamang dahilan—alam ko pala. Nagsimulang bumalik sa isip ko ang mga memory namin na magkasama ni Tres.

'Yung mga unang panahong nagkita kami, nagkausap kami, nagkatawanan kami, asaran. Lahat 'yun naalala ko.

'Yung first kiss, first date, at first holding hands namin. Lalo na noong unang beses na sinagot niya ako. Para silang slideshow sa isip ko.

At hindi ko na napansing umiiyak na pala ako habang pinapanood siyang naglalakad papalapit sa akin. Ang pangarap ko noon na nawala ko pero bumalik ay naglalakad papunta sa akin.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na okay lang. Tama lang pala. Na kahit na saktan kami noong dalawa, tama lang din kasi mas tumibay ang kung anong mayroon kami ngayon.

"Mahal na mahal kita," mga salitang lumabas sa bibig ko nang saktong tumapat na siya sa akin.

I saw her mischievous yet beautiful smile. "Isn't it too early for that?" Tres even chuckled. Pinunasan niya pa ang basa kong mga pisngi. "You're cute crying, though, so I'll accept it."

Napangiti naman ako. "Mahal na mahal talaga kita."

Trecia's face brightened even more. "And I love you just the same."

And with those precious words, we began the sacred ceremony of marriage. Finally, after years and years of hoping and praying, I'll marry the woman of my dreams. My Trecia Davies-Myers.

Her Mischievous Smile [COMPLETED]Where stories live. Discover now