One

795 35 14
                                    

Chapter 1 : A Dangerous Man



Clyden



“What the fuck?” iyon ang aking narinig matapos kong makabangga ng lalaki sa aking pagdaan sa hallway. Tumingin ako sa taong nabangga ko upang humingi ng pasensya ngunit napahinto ako nang makitang ang tangkad at napakaguwapo nito. 



“What are you looking at‚ faggot?” I was shocked when I heard it‚ what did he call me again? A faggot? Oh my god! 



At last‚ binura ko sa aking isipan ang dapat kong sasabihin at mas piniling ikalma ang sarili. “W-wala‚ i’m sorry. Hindi kita naki—” hindi ako pinatapos sa pagsasalita ng lalaki at sinigawan ako.



“Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo‚ bulag ka ba?!” walang pakundangang sigaw nito sa akin sa harap ng mga kaibigan niya. 



Dahil sa hiya‚ napilitan na akong sumagot at atakihin ang sinabi niya patungkol sa akin. 



“Wait‚ mawalang-galang na‚ ha? Why put the blame on me? Nandito ako sa tabi at hindi ko nga nakita na pasalubong ka. Matuto ka kasing patapusin yung tao sa pag-eexplain hindi yung nanghuhusga ka agad. May utak ka naman‚ ‘di ba? bakit hindi mo gamitin?” walang prenong sabi ko at bumakas sa mukha nito ang nag-uumapaw na galit. 



Kinwelyuhan ako nito at tsaka iwinika ang “Kilalanin mo ang binabangga mo‚ bata.” doon ako kinabahan sapagkat sa tinagal-tagal ko rito sa university na ito ngayon ko lang naranasan iyon at sana naman hindi niya ako balikan para bugbugin‚ hopefully. 



Sandali pa akong napatulala sa likod nito habang naglalakad paalis at damang-dama ko kung gaano siya ka-delikado kalaban. 



Napabalik lang ako sa ulirat nang akbayan ako ng…. crush ko na si Ethan. “Hey! Ace‚ bakit hindi ka pa pumapasok?” sabi nito at nakangiti pa. 



Palibhasa kasi alam niyang pogi siya kaya ganiyan eh‚ papansin sa akin. Siguro crush talaga ako nito. 



“A-ah hehe‚ may nabangga kasi akong senior tapos nagalit siya sa akin.” kinutusan pa ako nito bago asarin. Tsk! 



“Ang liit mo kasi‚ bulag ka pa.” pang-aasar nito sa akin na hindi naman tumatalab. 



“Che!” bulyaw ko sa kaniya bago ko siya irapan. Pasalamat lang itong lalaki na ‘to at pogi siya‚ kung hindi kinalbo ko na ito kanina pa. 



“Tara na‚ malalate na tayo.” pag-aya nito sa akin habang nakaakbay pa rin ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. Shet! nakakalaglag panty sis. Napakapogi ba naman eh.



Nang makarating kami sa classroom ay nakakalokong mga ngiti at tingin ang sumalubong sa amin mula sa aming mga loko-lokong kaklase. Isa na roon ang kaibigan kong si Stella. Matapos naming makaupo ay kung anu-ano ang pinagsasabi ng impakta habang si Ethan ay nakikipag-usap sa kaniyang mga tropa. 

Unexpected Love (Under Revision)Where stories live. Discover now