Chapter 1

71 23 1
                                    

Kabanata 1: Issue

“Manong pasakay po!” pagtawag ko sa paparating na tricycle dahil araw ng lunes ngayon ay kailangan kong pumasok syempre.

“Dito na lang, salamat” ani ko't inabot ang bayad ko at nagmamadaling bumaba.

Kinapa ko pa ang katawan ko para malaman kung may naiwan ba ako pero mayroon naman akong bag, naka-uniforn rin ako pero nung kinapa ko ang may leegan ko ay wala ang I.D ko kaya napangiwi na lamang ako at umirap sa hangin na akala mo'y may sala ito sakin.

“Hoy Felize!” napatigil ako sa balak kong makisama sa ibang studyante na pumasok sa loob nang tawagin ni manong guard ang pangalan ko. “What?!” kunwaring inip na ani ko para di mabisto, “Iyong I.D mo?” ani ni manong guard at inilahad ang kamay niya.

I forced a smile at bahagyang tinanaw ang hallway na dadaanan. Walang masyadong tao kaya makakalusot lang ako kung hindi ako titigil sa pagtakbo.

“Hoy! Ang I.D mo nasaan na?” halata sa boses nito ang pagkabagot dahil hindi pa rin ako kumikilos.

“Can't you wait? Kukuhain ko pa nga oh” ani ko't bahagyang umirap akala mo kung sinong nagtapang-tapangan e.
Kunwari kong kinakapa-kapa ang bag ko at kaagad na kumunot ang noo kong may nahawakan akong maliliit na bagay kaya sinilip ko ang loob nito na bahagyang nagpagulat sa akin.

Bakit mayroong paputok dito? Iyong maliliit na paputok. Kaagad na kumulo ang dugo dahil paniguradong ang mga kaklase ko nanaman ang may kagagawan nito.

Kung maka akto akala mo ay hindi graduating e parang grade one lang.

I hissed and rolled my eyes but then smirked when I realized a thing, I can use this as props.

“Ano pang tinatagal mo riyan?! Malapit na kaming ma late oh, kung gagawa ka man ng eksena huwag dito! Naman oh!” Reklamo ng ibang mga studyante sa labas na nag-hihintay.

“Felize bilisan mo, ano bang kinukuha mo riyan at ang tagal mong bata ka” bagot na bagot na ani ni manong guard kaya hinarap ko siya, “Maghanda ka po manong guard dahil kukunin ko na” ani ko at ngumisi.

“Anong kukunin mo? At bakit naman ako maghahanda?” nagtatakang tanong nito dahilan para mas mapangisi pa ako.

“Dahil...” I trailed off as I ready my armor.

One.. two.. three!

Kaagad kong itinapon sa lupa ang hawak na paputok dahilan para sabay na napatili ang mga studyante at nagpala rin iyon ng usok and that's my cue to run.

“Hoy babaita! Bumalik ka rito!” rinig ko pang sigaw ni manong guard na halatang galit na but I keep on running while laughing.

Pero napatigil nang mabangga ko ang isang bata at nang natumba siya ay kaagad siyang umiyak.

“Oh, sorry! May tinatakasan kasi ako” ani ko at nilapitan siya't tinulungang tumayo at nang maitayo ko na siya ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak niya kaya aligaga ko siyang binalingan ng tingin.

“Naku... Umm baby tumahan kana hindi ko naman sinasadya iyon. It's just I am really in a rush” aligagang ani ko at pinagpagan siya pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Nangapa pa ako ng sasabihin para tumahan siya.

“Uhh.. sige ano na lang, I will buy you an ice cream in the canteen pero tumahan kana. Okay ba 'yon?” ani ko sa kanya dahilan para mapaangat ang tingin niya sa akin.

“Ice cream po?” she cutely asked and wipe her tears away kaya napatango ako, “Sige po ate” ani niya at itinaas sa ere ang dalawang braso niya kaya nagtataka ko siyang tinignan.

I Have Found the Almond Eyes Where stories live. Discover now