Kabanata 14

6 0 0
                                    

Bye

Alas kwatro ako ng umaga nagising dahil gusto kong umalis ng bahay nang hindi nila ako makikita dahil nga may maleta akong dala dala baka magtataka sila kung saan ako pupunta. Mabuti nang nag iingat.

Tama tama alas singko na ng umaga ng matapos ko ang lahat lahat. Nakaligo na at naka kape na rin. Mabuti na lang paglabas ko ng kanto may tricycle agad akong napara. Kaya naman madali akong nakarating sa terminal.

"Ito po bayad manong, salamat po." sabay abot ko ng bayad.

"nako sobra sobra naman po ito iha." agad niyang sabi

"nako manong sige lang po." agad naman na akong bumababa sa tricycle.

"maraming salamat iha, kaawaan ka ng Diyos." sabi niya

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.

Wala ng patumpik tumpik kumuha na ako ng ticket papuntang Cagayan para makaalis na rin. Nag text na lang ako kay Rhea na "umalis pala ako ngayon Rhey wala ako sa bahay, mag babakasyon kami ng kaibigan ko. Mukhang matatagalan pa ako bago makabalik." hindi ko naman inaasahan na magrereply siya dahi alam kong tulog pa siya.

Nang makakuha na nga ako ng ticket, pumila na agad ako sa bus pa Cagayan para makasakay na.  Ilang minuto makalipas agad rin namang lumarga na ang bus namin.

Nag text na rin ako kay Kuya Joseph na ang bus na sinasakyan ko nakalarga na. Nagreply naman siya na pagdating ko raw ng terminal tatawagan ko daw siya para masundo niya ako. Bale sa bahay nila ako mag i-istay.

Gusto ko sanang ih text si Ken kaso maaga pa baka tulog pa siya, alam niyo naman yon sleepy head sa grupo nila. Kaya napagdesisyunan ko na lang na  mamaya ko na lang siya ih u-update kapag nakarating na ako ng Cagayan.

Natulog na lamang ako sa byahe, para makabawi dahil maaga rin akong nagising kanina. Hindi ko namalayan ang oras nakagising na lang ako na tanaw ko na ang dagat ng Cagayan tanda na ito na malapit na ako sa terminal. Kaya naman tinawagn ko na si Kuya Joseph.

Kuya Joseph in line....

"Hello kuya goodmorning, Cagayan na po ako malapit na rin po ako sa terminal." agad kong sabi ng sinagot niya ang aking tawag.

(Ah ganon ba? Sige sige papunta ana kami sa termina para ttama tama pagkababa mo ng bus alis na rin tayo kaagad.) agad niya namang sabi.

"sige po salamat, mag ingat po kayo." pinatay ko na rin ang tawag.

Nang nasa terminal na nga ang bus na sinasakyan o, bumaba na ako at kinuha ang aking maleta sa baba. Hinanap ko naman sila Kuya at agad ko rin itong nakita.

Patakbo akong yumakap kay Kuyaa Joseph.

"Kuya namiss kita."

"namiss din kita." niyakap niya ako pabalik.

"ih ako hindi mo ko miss?" agad akong bumitaw sa yakap ko kay Kuya Joseph at nakita si Jackson ang bunso niyang kapatid. OMG!!

"Felip! Ikaw na ba yan?" tanong ko ng makita ko siya.

"Felip pa rin?" reklamo niya ng tinawag ko siya sa second name niya HAHAHAHAH.

"Bakit ba? Gusto ko itawag yon sayo ih.'' sabay tawa ko.

"Okay Marie." balik niyang asar sa akin.

Ayon na asaran ng second name to, kahit kailan ganito talaga kaming dalawa mag bardagulan.

"Mga sira! Tara na nga." saway sa amin ni Kuya Joseph.

Agad namang dinampot ni Felip ang maleta ko at nilagay sa trunk ng sasakyan nila. At pumasok na ng kotse. Sa front seat sumakay si Felip bale ako naman sa likod.

I want something real (On- Going)Where stories live. Discover now