Kabanata 11

4 0 0
                                    

Again


This week na magsisimula ang exam namin, bale sa isang araw dalawang subject ang eexamin. Nag aral na ako last week kasi diba matapos yong pinauwi kami ng maaga, pagkabukas sa school non puro na kami vacant kasi nga daw gumagawa na ng test papers ang mga prof namin.

Mabuti na rin iyon, nandito nga pala ako ngayon sa gym. Ewan ko ba ba't dito ko naisipan mag review ulit. May 1hr pa namang natitira bago ang exam namin.

"So? What is the essentials parts of camera?" tanong sa akin ni Lesley

Oo nga pala nakalimutan ko kasama ko nga pala siya dito sa gym.

"Ano?" tanong ko.

"Gaga! Ikaw nga tinatanong ko tapos tatanungin mo rin ako ng ano." inis niyang sabi

"Light tight box, Lens, Shutter and Sensitized Material.", sagot ko naman para matahimik na.

"Good. baka ma perfect mo mamaya ang exam ha?" puri niya sa akin.

"Sira! Baka ikaw! Ang humble mo naman prii!" sabay irap ko sa kanya.

"Prii ka dyan! Oo nga pala, matapos tong exam ano ng gagawin mo?" tanong niya sa akin

"Syempre as usual, hahanap ng trabaho para may pera." sagot ko sa kanya.

Hindi na kasi magpapadala yong tita ko sa abroad kapag end na ng semester namin, ang reason niya kasi di pa naman ako mag aaral pa dapat kung nag aaral lang daw ako o may klase bibigyan niya ng pera kasi na budget niya na.

"Iih? Ano ba! Seryoso nga kasi." inis niyang sabi.

''Seryoso nga, alam mo naman si Tita diba? Saka baka kapag nag hingi ng pera si Papa wala akong mabibigay edi magagalit na naman yon." lungkot kong sabi

"Ewan ko ba dyan sa family mo! Ang rude nila." reklamo niya.

"Sus! Nasanay na rin ako, hayaan mo na. Tara na nga sa classroom para hindi tayo malate."

Naglakad na rin kami papunta ng classroom 10mins na rin ang natitira bago ang exam. Exact after 10 mins dumating na si Sir Photography. HAHAHA as usual Sir slash subject ako hehe.

Binati lang namin siya ng Goodmorning at wala ng patumpik tumpik pa kami na ay nag simula na.


Medyo mahirap pero kaya naman siya, may stock knowledge pa naman ako kunti. Anong akala niyo? Puro out of stock HAHAHAHA. kailangan matataas ang mga scores ko sa exam para hindi ako matanggalan ng scholar. After 2 hours natapos rin ang exam. Bale mamayang hapon naman ang isang subject which is si Sir Organic Chemistry.

"Kain na muna tayo ng lunch Marie!" yaya sa akin ni Lesley.

"sige tara!" sang ayon ko sa kanya.


Medyo marami raming tao ang nadatnan namin sa canteen, ako na ang nag hanap ng mauupuan namin at si Lesley na ang pumila ngunit wala pa rin akong makitang upuan. As in? Wala na talagang space.

"Abby! dito!" rinig kong sigaw ng isang lalake paglingon ko kung saan siya si Zach pala ang tumatawag. Ayoko sanang lumapit kaso no choice ako, wala kaming mauupuan neto. Kaya dali dali na rin akong pumunta doon at tinext si Lesley kung saan ako banda. Agad niya naman ako nakita at tumango.

"Mag isa ka lang ba?" agad kong tanong kay Zach habang siya ay kumakain.

"Aah oo, pero ngayon hindi na nandyan ka na ih. I-i mean kayo. Oo k-kayong dalawa." nauutal niyang sabi.

Jusko! Problema niya? Parang tanga djk! HAHAHAHHAHA

"Mabuti naman at nakita mo si Abby, Zach!" sabi agad ni Lesley ng makaupo siya.

I want something real (On- Going)Where stories live. Discover now