Kabanata 8

5 0 0
                                    

Bonding


"And our gold medalist for full contact event Abby Marie Calista." sabi ng emcee

Agad naman akong pumunta sa stage at tumaya kung gitna dahil nga doon ang pwesto ng gold.

Sinabitan na ako ng medalya, at nakipagkamay naman at nag pasalamat.

May picture taking at victory pause. Pagkababa ko ng stage agad naman nag silapitan ang gustong makipag picture sa akin at sa mga kasama ko.

"Sana next year wag na kayong sumali, para manalo na kami." sabi ng ibang university matapos mag papicture sa amin.

tawa lang ang tugon namin sa kanila.

"Back to back champion kayo grabe!!" sabay puri rin nila.

"Magaling tayong lahat." sabi ko sa kanila na nakangiti

"Baka captain namin yan!" sigaw ng isa kong teammate na lalake

"Paano ba yan mauna na kami? Congrats ulit! Bye bye!" paalam nila sa amin dahil tinawag na sila ng coach nila.

Kami naman lumabas na at nag usap usap.

"Mang laag ta! (Pasyal tayo!)" sabi ng isa naming kasama

"Asan ba si coach?" tanong ni Lesley

"Hintayin natin siya para makapag paalam." sabi ko sa kanila.

Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na si coach natagalan daw siya dahil may kumausap sa kanya.

"Calista, usap tayo mamaya." sabay sabi niya sa akin.

"Yes coach." sabat ko naman, ano kayang pag-uusapan?

"Nga po pala, pwede po kaming gumala coach?" tanong ni Sheena.

"Oh sige pwede naman basta mag ingat kayo, di na muna ako makakasama dahil may pupuntahan din ako."

"YES!" sabay sabay naming sabi at umalis na. Si coach umalis na rin sumakay ng taxi kami ito nag lakad lakad na lang muna. Plano naming mag EK kaso sabi ko malayo pero mapilit sila kaya dumaan na muna kami ng quarters para mag bihis at iwan ang mga gamit namin.

"First time mo ba mag EK Abby?" tanong sa akin ni Lesley.

"Hindi ih, naka EK na ako nong Grade 6 ako kasi sa Laguna ginanap yong Palarong Pambansa namin." sagot ko naman.

Totoong nakapag EK ako nong bata pa ako, pero matagal na rin yon 2014 pa batang dugyot pa HAHAHAHHA.

"Tara na cap!" sigaw ng teammate ko.

Agad naman kaming lumabas na, binigay ko na rin pala mga phone nila kasi binigay kagabi ni coach sa akin.

Patago kong chinarge mga phone nila kagabi kasi ayoko na kapag binigay ko kaagad di na sila makakatulog kailangan rin kasi namin ng pahinga.

Pagkalabas namin may nakasalubong kaming ibang athlete na la school mate namin kaso ibang event saka hindi naman namin kilala.

"Ma'am gagala daw po kayo kasama ng teammates mo po?" tanong sa akin ng lalake na nakauniporme ng university na tinutuluyan namin.

"Ah opo, bale mag papa Enchanted Kingdom po sana kami."

"Tamang tama po kasi available po yong school bus namin dito sa university para sa inyong mga athlete na gamitin kung saan niyo man pong gusto pumunta" sabi niya sa akin, aba! sosyal!

"May bayad po ba?" tanong ko, naniniguro lang HAHAHAHA.

"Wala po libre lang po ng school namin." sagot ni Kuya.

I want something real (On- Going)Where stories live. Discover now