Nang ihakbang ko ang paa ko papasok sa hospital ay parang bumalik sa akin ang lahat ng sakit.Dito sa lugar na ito nag simula ang lahat. Dito kami unang nag simula.

Ang ibang nurses ay nakatingin sa akin. Siguro iniisip na nila ngayon kung anong ginagawa ko dito at siguro alam na din nila na hindi na kami ni Dew.

Imbis na hanapin si Dew ay dumeretso ako sa kanyanh opisina. Walang tao dun kaya nakahinga ako ng maluwag. Pag pasok sa loob ay kaagad na nakita ko ang picture ng isang batang babae sa kanyang desk. Para akong tinusok ng karayum sa dibdib dahil bigla iyon sumakit.

Anim na buwan palang naman ang lumipas pero parang naka move on na siya kaagad. Wala na ang mga picture namin na lagi kong nililinisan sa tuwing pumupunta ako dito. Anim na buwan palang pero ang opisina niya ay bago na ang kulay at ang desenyo.

Ganito ka ba mag move on, Dew? Yung lahat na ginawa ko ay papalitan mo para lang makalimutan ako?

Bigla ay narinig kong may nag sasalita sa labas. Boses niya iyon kaya naman nag hanap kaagad ako ng mapagtataguan.

Hindi ko pa kayang mag pakita sa kana lalo na at nasasaktan na naman ako ngayon.

Nang makahanap ng matataguan ay sinilip ko siya. Kakapasok niya lang at hawak niya ang kanyang cellphone.

“Mag pahinga ka na muna, ako na ang bahala dito sa hospital.Yeah.. Ingat ka jan.. I love you too” pakatapos nun ay ibinaba niya ang kanyang cellphone sabay hinga ng malalim.

Naupo siya sa sofa at ipinikit ang mata. Kita ng dalawa kong mata kung gaano siya kapagod. Gusto ko siyang lapitan.. Gusto ko siyang mayakap pero napapaatras ang mga paa ko.

Nakita kong pumikit siya at tinakpan ng kamay niya ang kanyang mata pero hindi pa man nag tatagal ay biglang may kumatok ng isang beses at saka pumasok kaagad.

“Oy, May trabaho ka pa” Aniya ng hindi ko kilala. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya e. Umupo siya sa tabi ni Dew at tinignan ang cellphone na nasa lamesa. Napangiti ito at napa smirk. “Ang ganda talaga ng asawa mo” Biglang sabi niya na mas kinadurog ko.

“Wag ka na bumalak pa dahil masasakal kita” Seryuso at malumanay na sabi ni Dew.

Napahinga ako ng malalim.

Ang sakit.

“Pinapatawag ka pala kaya pinuntahan kita dito” Sa isang iglap lang ay tumayo silang pareho at sabay na lumawas. Rinig ko ang pag sara ng pinto kaya naman lumabas ako sa pinag tataguan ko at saka pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata.

Sa susunod ko na lang gagawin ang plano ko.

Nag simula na akong lumakad papalapit sa pinto at nang hawakan ko iyon pabukas ay biglang may nauna sa akin dahilan para tumama ang pinto sa mukha ko.

“Ouch” Sabi ko habang hawak ang mukha kong tinamaan ng pinto. Pag tingin ko sa nag bukas ay parang maalis yata ang kaluluwa ko.

Sa harap ko ay nakatayo si Dew habang deretsong nakatingin sa akin.

“What are you doing here?” Seryuso at walang emosyong sabi niya.

“Get out” Muling sabi niya nang hindi ako makapag salita dahil sa kabang nararamdaman.

Hindi ka dapat makaramdam ng kaba, Justine! You need to do this for your gooddam sakes!

Huminga ako ng malalim at saka tinignan siya sa kanyang mata. Kagaya ng dati ay wala paring makikita sa kanyang mata. Blangko at hindi mabasang emosyon.

“Can we talk?” Sa wakas ay nasabi ko.

“No.” Mabilis na sagot niya pakatapos ay mabilis na lumapit sa lamesa kung nasaan ang selpon niya.“Bumalik ka na sa lugar mo, Justine” Pakatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya akong nakatulala.

Wala na ba ako sa kanya?

Pag sara ng pinto ay natauhan ako. Mabilis kong inayos ang sarili ko at saka binuksan ang pinto para habulin si Dew. Hindi pa naman siya nakakalayo kaya mahahabol ko pa siya.

“Dew, Lets talk!” Sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin ang mga tao sa paligid. “Dew!” Muling tawag ko. Para kasing hindi ako narinig.

Hindi siya tumigil sa pag lalakad kaya mas binilisan ko ang pag hahabol sa kanya.

“Kausapin mo naman ako, oh” Naiiyak nang sabi ko. Ahh bat ba ako umiiyak na naman?! Nang malapit na ako sa kanya ay biglang tumigil siya kaya naman tumama ako sa kanyang likuran.

“Why did you come back?” Kaagad na tanong niya.

“Gusto kitang makausap.” Sagot ko habang hinahawakan ang dibdib ko. Nahihirapan na ako huminga dahil sa pag hahabol ko sa kanya.

“May pag uusapan pa ba tayo? Ang alam ko ay tapos na tayomg dalawa, pero bakit nandidito ka ngayon? Hiwalay na ba kayo kaya ka bumabali--” Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya dahil nag salita na kaagad ako.

“I want you back, Dew” Deretso at walang takot na sabi ko.

Humarap siya at natatawang tinignan ako.

“Ang lakas ng loob mong makipag hiwalay sakin tapos ngayon ay nakikipag balikan ka? Para ano? Saktan ako ulit? Iwan ako ulit? Hindi na iyon mang yayari, Justine. Dahil hindi ko na hahayaan na pumasok ka ulit sa buhay ko” Pakatapos ng masasakitna salitang narinig ko sa kanya ay para akong pinapatay ng paulit ulit. Hindi na nga talaga niya ako mahal.

“I hate you for hurting me, Justine” Bigla ay may luhang tumakas sa kanyang mata na kaagad naman niyang pinunasan. “At kung bumalik ka lang para saktan ako ulit, Huwag na dahil sinisubukan ko nang kalimutan ka”

A tears fell to my chin.

Kaagad ko iyon pinahid at deretso siyang tinignan sa kanyang mata. Hindi pwedeng basta ko na lang siyang sukuan.

“I wont let you forget about me, Dew” Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Gusto kong malaman niya na hindi ako bumalik para saktan siya ulit. “Cause I will make you fall into my arms again, Liebe”

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now