I look at my self in the mirror. Totoo ngang pumayat ako at nag mukhang poste.

“Sabi ni Tito ay may lagnat ka daw? Pa check up tayo mamaya” Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit saka idinala sa kanyang labi at sa likod ng palad ay hinalikan. “Hindi muna ako papasok. Aalagaan na muna kita.”

Mabuti na lang ay sabado ngayon kaya wala akong trabaho. May oras din ako para mag pa check up.

“Tulungan mo akong tumayo,” Mahinang sabi ko sa kanya. Tumayo siya at tinulungan akong tumayo. “Dun sa Cr.. Dun mo ako ihatid” Nang hihinang sabi ko. Kakagising ko lang pero bat parang ang hinahina ng katawan ko?

“Kunan kita ng pagkain para makapag breakfast kana.”aniya matapos akong maihatid dito sa cr. Tinganuan ko lang siya at hinayaang umalis habang ako naman ay kumuha ng toothpaste upang ilagay sa toothbrush ko.

Pakatapos mag toothbrush ay nag palit ako ng damit dahil basang basa ng pawis. Mabuti na lang ay hindi na ako masyadong nakakramdam ng pag kahilo. Baka talagang pagod lang ako.

Sakto namangpag labas ko ay nakahanda na ng pagkain na kinuha ni Aidan.Ngayon naman ay nakahiga siya sa kama habang deretsong nakatingin pala sa pinto ng cr na nilabasan ko. A small smile form to his face.

“Ganda mo po” Napangiti ako at saka nilapitan ang pag kain na kinuha niya.

“kumusta na pakiramdam mo?” Tanong niya

“Medyo okay naman na ako, pero samahan mo ako mag pa check up” Kinuha ko ang kutsara at tinidor kasama ang pag kain. Hinayaan niya akong kumain at nang matapos ay siya na din ang nag hugas nun. Pag balik ay tinabihan niya ako sa pag kakahiga.

Yakap ang bewang ko ay naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Ang kanyang mata ay nakapikit kaya hinayaan ko na lang.

Katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. Dahil sa katahimikan ay ipinikit ko din ang aking mata at saka nag simulang mag humming ng kanta.

“Sing it” Bulong niya sa akin.

“Hindi ako marunong kumanta” Sagot ko.

“Jus”Tawag niya sa pangalan ko. “I love you” Dahan-Dahan ay iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang gwapong mukha niya. Ngumiti ako at saka lumapit at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

“Sus, Bakit ka nag lalambing?” Taas kilay na tanong ko sa kanya.

Imbis na sumagot ay muli siyang lumapit at hinalikan ako. Akala ko mabilis at maikling halik lang iyon pero nang tumagal ay lumalim at mas naging mapusok. Naramdaman ko ang kanyang kamay na itinataas ang damit ko at nang maramdamang malapit na iyon sa aking malusog na dibdib ay kaagad ko siyang itinulak palayo.

“Iʼm sorry” Kaagad na hingi ng tawad.

Ako dapat ang mag sabi nun, pero ni hindi ko magawa.

“I Still canʼt” Nakatingin sa baba na sabi ko.

Hindi ko kaya..

Hindi ko kaya na gawin ang gusto niya dahil ayuko.

I canʼt give my self to him because I canʼt.. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sa aming dalawa.

Nang naging okay siya ay lumapit siya sa akin at saka niyakap ang ulo ko at binigyan ako ng halik sa noo.

“Hindi kita pipilitin.. Hindi na dahil hindi ko na gagawin” Mahinang sabi niya dahilan para mahulog ang butil ng luha sa aking pisngi.

“Huwag mo lang iparamdam sa akin na siya parin dahil ako na ang boyfriend mo ngayon, Jus” Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong naluha.

Kaya para hindi niya makita ay niyakap ko siya pabalik at isiniksik ang sarili sa kanya.

Kinahapunan ay sinamaan niya akong mag pa check up. Heʼs holding my hand na para bang ayaw na niyang bitawan pa. Pinag titinginan tuloy kami ng mga nurses dahil subrang caring daw niya. Pano naman kase ay hawak niya kanina ang balikat ko tapos nung nakaramdam ako ng pangangalay sa balikat ay hinilot niya.

“Gutom ka na ba? Pwede kitang bilhan muna ng pagkain” Tanong niya sa ika limang beses. Kanina pa siya hindi mapakali dahil ngayon ay hinihintay na lang namin ang resulta. Kinunan ako ng dugo para itest at ang daming tanong sa akin ng doctor. She even asked me and Aidan if we are active but i said no kase ni minsan hindi naman namin ginawa iyon.

“Hindi ako gutom saka pwede bang kalmahan mo sarili mo? Ikaw pa itong kinakabahan kesa sakin! Wala naman akong sakit” Pag papakalma ko sa kanya. Kanina pa siya pabalik balik sa harap ko kaya nahihilo ako sa ginagawa niya.

Hawak ang kamay ay inalis ko ang kamay ko sa kanya at hinilot ang aking sintido. Yung vision ko ay nag iiba at para bang unti-unti ay nawawalan ako ng lakas.

“You okay?” Tanong niya.

Tumango ako. “Sumakit lang bigla ang ulo ko at--”

“Fuck shit!” Malakas na sigaw ni Aidan ng mawalan ako ng balanse at dumeretso pabagsak sa sahig. Huli na para masalo niya ako kaya naman ang ulo ko ay tumama sa malamig na sahig.




“Definitely she is not okay.”Rinig kong sabi ng Doctor. Dahan dahan kong iminulat ang bata ko at nakita si Aidan na malungkot na nakatingin sa akin.

Nang makita ng Doctor na nakatingin sa akin si Aidan ay nilingon ako nito at pilit na ngumiti.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” Tanong niya.

Hinawakan ko ang aking ulo at saka huminga ng malalim.

“Okay na ako.” Mahinang sabi ko.

“Your heart is weak, Justine” Panimula niya. “Hinihika ka ba nung bata ka?” Tanong niya na tinanguan ko. “So, Aware ka na mahina talaga ang puso mo, right?” Muli akong tumango.

Narinig ko siyang bumuntong hininga pero hinayaan ko lang. “About the result of the test..” Napatingin siya kay Aidan kaya biglang nangunot ang noo ko. Bakit kailangan pang lingunin?

“What is it? Okay na man po ba ako?” kinakanahan na tanong ko.

Hindi pwedeng may sakit ako dahil malusog naman ako.

“According to Aidan, You also lose your weight and its because you have..”

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang