“Tinamaan kase ako sayo, e” Natatawang sabi niya pa.

Tahimik lang ako.

Walang planong mag salita dahil nanikip ang dibdib ko bigla.

Nanahimik na siya pakatapos nun at nang sumapit ang alas dose ng tanghali ay nag paalam na ako kay Samantha na aalis na ako. May taxi nang naghihintay sa akin sa labas dahil inutusan pala ni Sam ang Driver niya na mag abang kanina.Kaya hindi ko na din kailangan pang mag hintay sa labas.

Nakatayo sila ngayon pareho sa tabi ng malaking pinto. Si Samantha ay tinanguan ako ng lingunin ko siya kaya ngumiti ako.

“Ingat ka sa byahe” Wika niya.

Si  Aidan ay lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit. Napa tili tuloy si Samantha dahil sa ginawa ng Pinsan.

“Mag text ka kapag naka rating ka na sainyo at saka hintayin mo ako, ah” Aniya habang ginugulo ang buhok ko.

“Ano ka, Gold?” Birong sabi ko.

Sumimangot siya kaya mas lalo akong natawa.

“Ang pangit mo” Biro ko ulit na sabi pakatapos ay inayos na ang buhok kong ginulo niya.“Ilagay mo na yung gamit ko sa loob” Utos ko. Yung ibang mabibigat na gamit ko ay nasa Compartment at yung ipapasok niya na lang sa taxi ay ang bag na maliit.

Matapos niya maipasok ang bag ay saka lang ako nag lakad palapit sa taxi. Hinayaan ko na din siyang pag buksan ako ng pinto.

“Take care, Jus” Ani saka walang pasabing niyakap at hinalikan ako sa noo.

“Ingat ka din” Sabi ko pakatapos tuluyan ng pumasok sa taxi. “Thank you din” Nakangiting sabi ko. Thank you dahil hindi mo ako iniwan at pinabayaan.

Nang mag simulang umandar ang taxi ay kumaway siya sa akin. Malungkot at pilit na ngiti ang kaagad na napansin ko.

Gabi na ako nakarating sa dating bahay namin dito sa Albay. Pag hinto palang ng taxi ay nakaabang na kaagad sa akin ang dalawang lalaking pinakamamahal ko.

Pareho silang nakangiti at naiiyak sa hindi ko malamang kadahilanan. 

“Anak ko” Umiiyak nang wika ni Tatay pag labas ko. Mahigpit ang pag kakayakap niya sa akin kaya niyakap ko din siya pabalik. Na miss ko ng subra si Tatay. “Ang payat payat mo na, anak” Aniya ng mahawakan ang mag kabilang balikat ko. “Ang laki din ng eye bag mo at nakumutla ka na.”Dahil sa sinabi ni tatay ay napakamot ako ng ulo.

Hindi ko inaasahan na pati pangangatawan ko ngayon ay papansinin niya.

“In short, ang pangit mo na daw” Biglang sabat ng kapatid ko. Lumapit siya sa amin sabay yakap ng mahigpit. “Miss you, ate”  Ramdam ko ang pag hinga niya ng malalim.

Parang kahit hindi nila alam yung nangyari ay parang alam na nila. Sa yakap palang ay ramdam ko na ang kanilang pag aalala. Paano na lang kung hindi ako umuwi? Siguro mababaliw ako sa subrang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko gustong masaktan at mas lalong hindi ko yun deserve. Pero talagang mapag laro ang tadhana  dahil kahit anong iwas mo, Lalapit at lalapit parin. Kase bakit hindi? May malaking parte ang sakit sa pag ibig.

Dalawang linggo ang lumipas. Since wala pa namang trabaho ngayon dahil bakasyon, Sa loob ng dalawang linggo ay pinagkaabalahan ko ang pag lilinis ng buong bahay.

Pinaayos ko din ang mga bintana na sira na at yung iba naman ay pinapalitan ko na dahil uso daw ngayon ang mag nanakaw.

“Jonelle, Kunan mo nga ako ng tubig” Utos ko sa kapatid kong inaayos ang mga vase. Kanina ko pa ramdam ang pag kahilo. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong nalulula ngayong araw. “Thank you” sabi ko ng ilapag niya ang baso ng tubig sa lamesa. Kaagad ko iyong ininum.

“Okay ka lang ba, ate?” Nag aalalang tanong niya.

Tumango ako. Ayukong mag alala siya.

“Bumalik ka na sa ginagawa mo para pag dating ni Tatay ay makakain na tayo” Si tatay ay pinuntahan ang bulaluhan niyang inaasikaso ng kanyang pinsan. Walang asawa at anak kaya sa negosyon namin napupunta ang oras niya.

Dati na din iyong nakatayo dito kaya subra ang pag papasalamat ko dahil hindi kami maproproblema sa mga gastusin. May ipon naman ako at kung may interesadong umupa sa bahay namin doon sa iniwan ko ay makakadagdag pa yun ng pang gastos.

Aaminin kong may kaya kami pero hindi ko inaasa lahat kay tatay. Gusto kong ako lahat gumastos dahil wala pa naman akong pamilya. Ni wala ngang Boyfriend, Diba?!

Nang matapos ang kapatid ko sa ginagawa ay tumayo naman ako sa pag kakaupo. Mas lalo tuloy akong nahilo ng tumayo ako. Ano bang nangyayari sa akin? Huminga ako ng malalim at saka dahan dahang nag lakad papunta sa kwarto ko.

Ang sakit sakit ng ulo ko.. Lahat masakit.

Pag pasok sa kwarto ay kaagad komg inihiga ang sarili sa malambot at mahabang kama. Pag kahiga ay saka ko lang narinig ang bosesni tatay sa labas.hudyat na kakauwi palang niya.

“Ate, Kakain na” Tawag sa akin ng kapatid ko.

“Mauna na kayo, Matutulog muna ako” Nakapikit na sabi ko habang hinihilot ang aking sintido. Kung nasa poder ako ni Dew ay siguro alam ko na kaagad kung anong nangyauari sa akin. Doctor ko iyon, e. Doctor at minahal ko.. Pero ngayon ay hindi na.

Mas pinili kong iwan siya dahil alam kong mas magiging masaya siya sa piling ng anak niya.. Sa piling ng babaeng sinira ang meron kami.

Bigla ay naluha ang mata ko kaya mabilis kong pinunasan iyon. Nasasaktan na naman tuloy ako. Bakit ba kase ang sakit?

Dew, Kung namimis mo ako..sabihin mo lang dahil babalikan kita kaagad.. Pero kung hindi na ay titigil na ako..dahil yun naman ang dapat e.

Bakit ba subra kitang mahal? Tangina mo, Dew, mahal kita pero ang sakit sakit na.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako na gabi na at tanging lampshade lang ng kwarto ko ang nag silbing ilaw. Siguro pumasok dito si Tatay para tignan ako.

Pag upo ko sa kama para ayusin ang sarili ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha at sinagot ko kaagad ang tawag ni Cire.

“Miss you! Kumusta ka jan?” kaagad na sabi niya.

“okay lang ako. Ikaw ba?”

“Ito, Buhay na buhay. Ikaw ba naman madiligan ng ilang beses sa isang ara--”

“Bastos!” Sabi ko dahil sa kabastusan ng pinagsasabi niya.

Narinig ko siyang tumawa kaya mas lalo akong nainis. “Paunahan tayong mag kaanak--ay pano ka pala mabubuntis? Wala ka nga palang boyfriend! Pero may nangyari naman yata sainyo ni Dew? HAHHAHHAHA o to the m to the g!” Dahil sa sinabi niya ay biglang uminit ang mag kabilang pisngi ko.

Siraulong Cire!

“Lagpas na ako sa kalendaryo, Jus! Gusto na nila mama na mag asawa ako, Pero parang apo kaagad ang maibibigay ko sakanila.”

“Di mo naman yata ako inuuto?”Nakataas ang kilay ko ng sabihin ko iyon.

“I didnʼt tell you about our relationship to you, kaya naman sasabihin ko na ngayon na mag 2 months na kami. Di ko masabi sayo kase diba problemado ka tapos may problema ka na naman ngayon. Plano na din naming mag sama since matatanda na din naman kami! Plano na din naming mag ka anak, Sissy!! Huhu naiiyak ako! Wala ka kase dito!”

I feel so small.

Nasa tamang edad na si Cire para mag pamilya. Unti-unti ay umaabante na siya palayo sa akin. Habang ako ay hindi makaalis sa dating pwesto. Hindi naman race ang pag kakaron ng asawat anak, pero nung bata ako ay pangarap ko na talagang mag ka asawa sa edad na 25.

Sa kakahintay ko sa isang taong gusto ko maging asawa at maging tatay ng magiging anak ko, Sa iba tuloy mag kaanak. Sa iba napunta yung pinapangarap ko na ngayon ay hindi ko na kaya pang pangarapin.

Planado na ang future ni Cire.

Ako, kailan kaya?

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang