Chapter 1 - Just a Nobody

67.8K 872 93
                                    

CHAPTER 1 - JUST A NOBODY

Chasey's POV

"Letche ang boring!" Sabi ko habang pipikit-pikit na ang mga mata ko. TLE kasi ang last subject namin ngayon, halos lahat nga kami nakakatulog na pero dahil grade concious ako kaya hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko kahit gustong gusto ko na. Tiningnan ko ang relong suot ko para tingnan kung ilang oras pa ang titiisin ko.

"What?! Bakit 2:30 pa lang? 30 minutes pa lang simula nung pumasok si sir dito?" Inis na inis na bulong ko. Two hours kasi ang boring na subject na 'to, ewan ko nga kung bakit ginawang two hours 'to eh wala pa rin naman kaming natutunan dahil hindi naman kami nakikinig. Hinahayaan lang namin si Sir doon na dumada ng dumada at inuubos lang namin ang oras para makauwi na kami agad. Minsan nga ginagalit nung mga classmate ko si Sir para maubos ang oras kakasermon niya o kaya dahil sa galit niya sa'min, mag w-walk out siya at pauuwiin na kami ng maaga.

But don't get me wrong, hindi ako nakikisama sa mga classmates ko sa pag gawa ng mga gano'ng bagay, good girl ako dito. Wala rin silang pakielam sa'kin, hindi nila ko pinapansin kaya hindi ko rin sila pinapansin. I'm a total wall flower in here and I'm fine with it. Masungit na kung masungit ang tingin ng iba sa'kin, wala naman akong pakielam. Sino ba kasi sila para pansinin ko at pag tuunan ng atensyon? Feeling popular kahit sa totoo lang...sipsip lang talaga sila sa mga teachers. Bossy kung makapag utos sila sa'min eh pare-parehas lang naman kaming mga estudyante. Porket class officers lang sila o kaya member ng student council ang tataas ng mga tingin sa sarili. Lagapak naman pagdating sa grades.

Natigil ang pag iisip ko ng mga bagay bagay nung may tumamang papel sa ulo ko. Pagtingin ko kung saan galing yung papel, kay Ella. Si Ella Estrada, yung tropa ko na opposite ko. Makulit siya, friendly, at mood maker ng grupo namin. Malakas ang topak niyan sa ulo kaya lahat kaming mga tropa niya, nahahawa na.

"Sulatan tayo. Boring eh." She mouthed kaya nag thumbs up na lang ako. Kinuha ko yung papel sa sahig at binasa ang sulat niya dito.

Isip ka ng pwedeng mapag usapan.

"Langya! Ako pa talaga 'tong mag iisip eh siya tong nakaisip ng ganito." Bulong ko.

Ikaw na! Wala kong maisip na topic, ikaw baka may kwento ka?

Pagkasulat ko no'n ay pasimple ko ng binato sa kanya yung papel. Kinuha naman agad niya 'yun at binasa. Nag sulatan lang kaming dalawa ni Ella habang inuubos yung time ni Sir. Patapos na ang dalawang oras noong bigla akong tinawag nung teacher namin.

"Ms. Armada." Letche! Bakit kaya ko tinawag? Wala pa naman akong naiintindihan sa tinuro niya dahil hindi naman ako nakikinig buong oras. Nakatulala lang ako minsan sa board, kunwari ay nakikinig kahit sa loob loob ko ay tulog na ko.

"Yes. Sir?" Sabi ko sabay tayo. Potek, kinakabahan ako.

"Summarize mo nga ang buong lesson natin ngayon." Shete, ano daw? Summarize? Teka, ano bang tinuro niya, animal science o crop science? Isasama ko ba pati yung mga nonsense na pinag sasabi niya? Takte! Ano bang isasagot ko dito? Someone please help me!

"A-ah Sir yung about po doon sa--" Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko noong may biglang dumating na estudyante at hinahanap si Sir. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n, jusko! Save by the student ako. Kinausap ni Sir sandali yung estudyante at bumalik ulit siya sa unahan.

"May biglaang meeting ang mga teachers, kaya sige na pwede na kayong umuwi." Pagkasabi no'n ni Sir ay kinuha niya na ang mga gamit niya sa table at naglakad na palabas ng room. Nag sigawan naman yung mga classmates ko pagkalabas niya, samantalang ako naman ay palihim na nakikisaya dahil hindi nga 'ko sociable. Niligpit ko na yung mga gamit ko at nilagay lahat sa bag. Lumapit naman sa'kin yung tatlo kong kaibigan at pinagtatawanan nila ko.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon