Epilogue

10.5K 305 41
                                    

Epilogue


A Gift from God

Angellete Michelle L. Valdez

June 2 2018

 

Nakatingin lang kami ng aking asawa sa lapida ng aming munting anghel. Nakahawak ako sa kanyang bewang at sya naman ay nakaakbay sa akin. Patayo ito dahil gusto naming malagyan ng anghel ang ibabaw ng kanyang lapida. Naniniwala kaming binabantayan sya nito. Masakit para sa amin na kanyang magulang na hindi man lang nya naranasang mabuhay sa napakaganda nating mundo. Ni hindi man lang nya nakita kung gaano kaganda ang mundong ito, kung gaano kasaya ang mapalibutan ka ng mga taong nagmamahal sayo. Ni hindi ko man lang sya nagawang alagaan. Ni hinid ko nagawang maging inan sa kanya. Sa kabilang banda ay masaya din kami sapagkat kasama na nya ang ang Ama.

"Isang taon na rin pala no Mie?" pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko bago ako humarap sa kanya para yumakap.

"Oo nga Mie. Ang bilis ng araw. Pero pakiramdam ko parang kahapon lang sya kinuha sa atin" dumukdok ako sa dibdib nya at lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya. Mas matangkad sakin ang asawa ko kung kaya't pakiramdam ko protektadong protektado ako sa mga bisig nya.

Its been six years since I came down here for a mission and now I am happy with the girl I truly love anf we now have our own happy family. Although nawala samin ang aming munting anghel nanatili kaming puno ng pagmamahal.

"Mimie!" kumalas ako sa yakap ng aking asawa ng marinig ko ang munting tinig na iyon.

"hey buddy be careful" sinalubong sya ni Alyssa at saka ito binuhat. Yan ang isa pa naming anghel. Si Angelo Mitchell. Kambal sila ni Angellete Michelle. Nakakalungkot lang na hindi na nya nakapiling ang kanyang kambal. Lumapit sa akin si Alyssa kagra ang aming anak

"Kiss mimie!" nilapit ni Ly sakin Gelo para halikan ang pisngi ko. isang taon na rin sya at hindi pa nya mabigkas ng maayos ang momie kaya mimie ang tawag nya sa amin. Katulad ni Ly, makatutunaw din ang ngiti nya. Minana nya ang dimple ng kanyang mommy Alyssa.

Ang dalawa naming anghel ang regalo ni Ama sa amin. Isang gabi nung September 2017 nanaginip ako, kinausap ako ng Ama at sinabi nyang bibigyan nya kami ng regalo ni Alyssa. October ng makaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan, nagsusuka ako at nahihilo palagi kaya naisipan naming magpatingin sa doctor at nagulat kami ng sabihin nyang nagdadalang tao ako. Pinag-awayan pa namin ito ni Alyssa dahila akala nya ay niliko ko sya dahil imposible raw na mabuntis ko sya kahit na may nangyayari sa amin. Muntik na nitong masira ang aming relasyon. Sinabi ko sa kanya ang aking naging panaginip at sa tulong na rin ng mga kaibigan namin na saksi sa pagmamahalan namin nanatili kaming magakasama. At isa pa kahit na nasasaktan sya dahil buntis ako sa hindi nya alam kung sino ang Ama naramdaman ko ang pagmamahal nya. Nawala ang lahat ng pagdududa ng lumabas ang dalawang bata sa sinapupunan ko. kamukang kamuka sila ni Alyssa. Sabi rin ni mommy at lolo ganun na ganun daw ang itsura ni Alyssa nung sanggol sya. At para na rin makasigurado pinablood test ni Alyssa ang dalawang sanggol at lumabas na kadugo nya ang dalawa. Ang DNA ng mga ito ay para bang sadyang tinapyas sa kanya. At nung araw din iyon lalo pang tumatag ang aming pag-iibigan.  Nakakalungkot lang na pagsapit ng gabi ay iniwan na kami ng aming babaeng anghel. Hindi man lang sya tumagal ng isang araw. Sinundo sya ng isang anghel na nagpakita samin, sinabi nyang ang aming anghel daw ang pupuno sa pwestong iniwan ko sa langit. Kahit masakit naging panatag na kami.

Pagkalipas ng isang buwan nagpakasal na kami ni Alyssa. Mayaman ang pamilya nya kung kayat mabilis na naayos ang lahat. Gusto rin kasi namin na bago mabinyagan ang aming anak ay kasal na kami upang maibigay nya ang kanyang aplido sa bata ng walang problema.

A Love for A Fallen Angel: Alyssa's Deal with the DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon